Pinatawag na ako ni Mr. Principal para malaman ang results ng exams ko.
Habang naglalakad ako kinakabahan ako sa resulta. Sana mapasa ko na. Ayaw kong biguin yung sarili ko lalo na yung mga magulang ko. Kailangan kong bumangon! Kailangan kong makabawi!
*boogsh*
" S-sorry Queenie. " Patawad ni Jerome
Nasanggi lang naman niya ako! Hays, sa dinami-dami ng sasanggi sakin siya pa! Hard mo tadhana 'no?
" Congrats pala. " Dagdag pa niya at umalis na siya. Yung totoo? Ang cold ng pagkakasabi niya ah! Ako ba may atraso? Tss!
Mukha syang malungkot, frustrated at depressed. Kawawa naman siya. At congrats daw sakin? Bakit? Dahil na-survive ko ba yung panloloko nila sakin? Iba din sila eh no! At pumasok na ako ng office.
" Congratulations Ms. Queenie Faith Asuncion! " Bati nila Mr. Principal at ilang student council officer.
" N-nakapasa ako Sir? " Di ko makapaniwalang tanong. As in woooow!
" Oo Queenie! Perfect mo lahat ng exams mo! Ikaw na ang Valedictorian uli. You got the crown! " Masayang saad ni Mr. Principal at nagtatatalon
Nagpalakpakan naman ang mga student council officers.
" Thank you Lord! Thank you po! And thank you Sir! " At niyakap ko si Sir ng mahigpit
Kaya pala malungkot si Jerome at cinongratulate niya ako. Well, mabilis ang karma.
Nagbunga ang paghihirap ko. At tumakbo na nga ako palabas ng office papuntang room para ibalita sa mga friends ko na ako na ulit ang Valedictorian. Yesssss! Iba kayo God. Iba kayo! Iba talaga pag family ang inspiration :"">

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Novela JuvenilMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...