[26] Teen Mom

16 3 0
                                        

Nasa classroom na ako. At lahat sila ay nagkwe-kwentuhan tungkol sa darating na Prom. At next week na yun! Malapit na kasi ang graduation kaya minadali na nila. After ng prom ay graduation naman.

" Queenie! Sasama ka ng prom? Dapat ikaw ang pinaka-excited sa ating lahat kasi pinaglaban niyo 'to ni Aira dati. " Saad ni Cheska. Bumalik na naman tuloy yung mga alalala namin ni Aira. Nakakalungkot

Oo tama siya. Dapat ako ang pinaka-masaya at excited. Kaso mas lalo ko lang naalala yung mga memories namin ni Aira at hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya yun sakin.

" Oo,pero dati pa yun. (Hingang malalim) Sasama pa rin ako kahit wala siya. " Sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya. Di ko alam kung bakit

At nakita kong nalungkot ang mga mata niya. Siguro kung sa kanya din nangyari 'to niya kakayanin. Ays, depende pala yun sa tao kung gaano nila kamahal ang kaibigan nila.

" Wag ka mag-alala pwede mo naman kami makasama sa prom. Di ka namin iiwan. " At hiniwakan ni Cheska ang kamay ko. Nagpapasalamat pa din ako kahit papano kasi nagkasundo kami

Niyakap ko siya " Salamat, kahit na tinatarayan kita dati mabait ka pa din sakin. " Sambit ko ko habang yakap pa din siya. Iba ang pakiramdam ng may karamay ka kahit anong mangyari

" Mas malaki ang kasalanan ko sayo Queenie. Lagi kitang inaaway dati! Pero move-on na nga tayo dun sabi nila. " Paliwanag niya tsaka bumitaw sa pagkakayakap sakin.

" Cheska! Si Ingrid umiiyak! " Sigaw ni Coleen. At napatingin naman kami kila Ingrid. Umiiyak nga 'to. Nakatakip ng kamay niya ang mukha niya

Kaya agad naman kaming pumunta ni Cheska sa side na yun.

" Ingrid! Ano nanaman iniiyak mo dyan? " Tanong ni Cheska kay Ingrid habang hinahaplos ang likod ni Ingrid para tumahan.

" Cheska.. binibigay na sakin ni Tris.. yung anak.. namin! Di.. ko kayang.. alagaan si.. Coby.. ng mag-isa.. lalo na't lalaki.. ang anak.. namin! Di ko.. alam kung bakit.. biglang nagbago ang isip niya.. " Paliwanag ni Ingrid habang humihikbi siya. Nakaramdam naman ako ng awa kay Ingrid nang marinig yun. Di niya deserve ang umiyak kasi alam ko mabait siya eh. Ang alam ko lang naman. Pero di ko inexpect na may anak na siya sa ganyang edad.

" Satin lang sana 'to Queenie ha? Na may anak na si Ingrid. Kami lang kasi nakakaalam nito. Alam mo naman, masisira ang image ni Ingrid. Sana atin nalang 'to Queenie ha? " Bulong sakin ni Amy.

Nagulat din ako sa sinabi ni Ingrid. Di talaga halata sa kanya na may anak na siya. Pero di naman ako judgemental na tao kaya okay lang. Alam kong isa tong struggles sa kanya at kakayanin niya itong harapin.

" Oo naman. Mapagka-katiwalaan niyo naman ako. " Sagot ko kila Amy at saka nginitian sila.

Humarap lahat sila sakin at nagpasalamat.

" Wala na tayong magagawa Ingrid kung ayaw niya na. Baka kasi may iba syang priority? " Paliwanag ni Cheska kay Ingrid. Sa totoo lang may magagawa pa siya! Nahihiya tuloy akong sumingit. Gusto ko sanang magpayo

" Pero.. di niya ba.. priority ang anak.. namin?! Parehas kaming.. may kasalanan kaya.. nangyari yun.. tsaka mayaman sila.. alam kong maalagaan niya.. si Coby ng maayos kaysa sakin.. lang.. " Kontra din ni Ingrid at patuloy pa din umiiyak. Nasasaktan ako para kay Ingrid

" Ipaliwanag mo sa kanya na di mo kayang gawin yun mag-isa. Sabihin mong parehas kayong may responsibilidad dito dahil kayo ang magulang nito. Di magandang lumaki ang bata ng broken family. Gawin niyong maging maayos ang relasyon niyo. Wag mong hahayaang magkaroon ng di magandang relasyon ang pamilya mo. Sa tamang panahon magkakaroon talaga tayo ng pamilya at ipa-intindi mo sa kanya habang bata pa ang anak niyo iparamdam niyo na ang masayang pamilya. " Payo ko kay Ingrid habang hinahaplos ang likod niya.

At nagulat naman sila sa sakin. Di sila sanay na nagbibigay ako ng payo sa kanila. Palibhasa di pa nila ako lubos na kilala. Alam lang nila, matalino at tahimik lang sa klase at kay Aira ko lang kaya sumabay sa ingay.

" S-salamat Queenie.. Gagawin.. ko.. " At tsaka niya ako niyakap. Matatag na ina si Ingrid alam ko

" Nandito lang ako palagi para sayo. " Sambit ko sa kanya habang yakap niya ako.

Buti di pumasok ang teacher namin. Atleast napag-usapan namin ng maayos ang problema ni Ingrid. Happy ako na nakatulong ako.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon