Habang sumasayaw kami ni Jerome di siya makatingin sakin ng diretso. Parang may gusto syang sabihin na di niya masabi
" Mag kwento ka " Sambit ko at nakita kong nagulat siya
Hanggang ngayon ang cute pa din talaga ni Jerome. Namiss ko tuloy nng naging kami kaso imaginations ko lang pala yung mga ka-sweetan niya -_-
" Wala na kami ni Aira, actually hindi naman talaga naging kami. Ako na yung magsasabi sayo nito dahil di talaga kayang sabihin ni Aira to sayo kasi mahal ka niya. "
At huminga sya ng malalim
" Niligawan ko siya ng 5 months, isang beses tinawagan niya ako na magkita kami at nakipag-kita ako. Sinabi nga niya na may nagawa syang kasalanan sakin at sayo. (hingang malalim) Sinabi niya na may gusto ako sayo kahit ang totoo wala. Sinabi niya yun kasi kakatapos lang ng birthday mo at ayaw ka nyang masaktan. Mahal na mahal ko si Aira nun kaya sinunod ko siya. Inamin niya na din sakin na mahal na din daw niya ako pero nagmamakaawa syang ibigay yung pagmamahal ko sa kanya sayo dahil kung papipiliin, mas mahal ka niya kasi kaibigan ka niya. Kaso di ko kaya nun na ibigay lang basta-basta sayo yung pagmamahal ko kay Aira. Di nagtagal naging tayo. Naging cold na din ang treatment niya satin kasi pinipilit nyang iwasan tayo kasi nasasaktan siya sa mga naging desisyon niya. Hanggang sa may mga issue na naglabasan. At ngayon nga, nalaman mong niloloko ka namin. " Paliwanag ni Jerome
Naguguilty na din talaga ako. Di ko pinakinggan si Aira. Di ako nakinig sa side nila. Kinain ako ng galit at inggit. :(
" Sorry kung kinain din ako galit ko. Nasaktan na kasi ako nung una, sobrang sakit talaga. Na kaibigan ko pa ang magtataksil sakin. Naging manhid na din ako na dumating sa point na pumasok sa isip kong kalimutan na lang kayo. Sorry din kasi nasaktan ko din pala kayo " Paliwanag ko sa kanya
" Pero nung maging tayo, nagbago lahat ng nararamdaman ko. Nag-iba yung pagtingin ko sayo. At itong nararamdaman na ito ang ikinalungkot ni Aira pero mas gusto niya pa daw na nangyari ito. " Paliwanag niya
Nag-iba yung tunog ng pananalita niya. Di ako sigurado sa nararamdaman ko, pero parang naging masaya yung puso ko sa narinig ko.
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...