AIRA POV
Nandito ako ngayon sa location kung saan kami may shoot.
Naisip ko lang, totoo si Bes na tuwing may mga ganap or surprises si Jerome sakanya lagi akong wala.
Di ko kaya! Sobra akong nasasaktan. Di ko kayang makita silang masaya! Alam ko mali ako in the first place, kase ako ang nagset up sakanila. Pero tao pa rin ako. Mas lalo akong nasasaktan pag nagkekwento na si Bes. Di ko alam ang isasagot ko kase nagseselos ako. Di ko mapigilan ang sarili ko na magselos sakanila! Kasi dapat sakin si Jerome
Dagdag mo pa yung issue saamin ni Jerome. Alam ng ibang student dito na nililigawan ako ni Jerome. Syempre 5 months yun at madaming chismosa. Nagulat na nga lang sila ng marinig nila na si Bes na at Jerome na. Yan tuloy di kami tinitigilan! Ewan ko ba, bakit pa kasi nila kami pinapakealaman ang mga buhay namin.
Pati yung tropa ni Jerome. Oo, kilalang kilala ako ng mga tropa ni Jerome kasi pinakilala niya ako as nililigawan niya ako. Di ko naman akalain na wala syang balak na ipakilala si Queenie sa tropa niya. Yan tuloy kawawa yung Bes ko :(
May mga times na sobrang naaawa din ako kay Queenie. Kase sobrang mahal na mahal niya si Jerome. Samantalang iba naman ang gusto nito at ako yun. Eh kasi naman din to si Jerome, effort kung effort tss.
PHOTOSHOOT (flashback)
" Aira, ikaw na. " Sabi ng photographer. At agad naman akong lumapit
Pose. Pose. Pose
Natapos din ang first session
" Water? " Alok sakin ni Gian
1 month na kaming magkakilala. Bago lang syang model. Pogi siya, maganda ang tindig at may dimples.
" Okay, thankyou " At kinuha ko ang tubig. Umupo naman siya sa tabi ko
" Ilang years ka na sa pagmo-model Aira? "
" Hmm, 3 years na din. Simula kasi ng mawalan ng trabaho si Papa ako na muna ang naghanap buhay. Sabi nila maganda naman daw ako kaya itry ko daw mag model. Tinanggap naman agad ako at nagtuloy-tuloy na. Naging passion ko na din at nakakatulong na din ako sa mga magulang ko. " Kwento ko
" Ahh, nice ah. I like you " At nabigla naman ako sa sinabi niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin
" Anong ibig mong sabihin? " Tanong ko. Baka kase ma-mis interpret ko eh
" I like you? Kasi mabait kang anak. I like your personality " Paliwanag niya
" Ahh. Thankyou "
" Saan ka pala nag-aaral? "
" Mariano Christian Academè "
" Really? Uncle ko ang principal dyan. Ooh, small world. "
" Talaga? Nice. ;) "
" Gian get ready " Utos ng manager niya
" Oh sige. See you next time Aira " Paalam niya at umalis na
**
Simula ng paguusap na iyon lagi na kaming magkatext, magkachat at magka-usap. At nagulat ako na sinundan pa ako ni Gian sa school. Tapos magiging magkaklase pa kami
Nalaman yun ni Jerome. Kaya nagtext sya at makikipag kita siya sakin
Uwian na at nagpaalam na ako kay Bes na uuwi na. May meeting pa din daw kasi sila para sa Quiz Bee
At dumating na si Jerome
" Aira naman, dont do this to me. Ginawa ko yung favor mo tapos magpapaligaw ka sa iba! "
" Were just friends Jerome "
" Dyan naman lahat nagsisimula diba! Aira please " At niyakap ako ng mahigpit ni Jerome
" Mapapalagay din ang loob mo kay Queenie. Mamahalin mo din siya ng katulad ng pagmamahal mo sakin. Kaya kalimutan mo nalang ako. " Paliwanag ko
" No! Diba sabi mo mahal mo din ako. So prove it! Wag kang magpapaligaw dyan. Aira youre mine! And always mine! "
" Kalimutan mo na ako! Di ko kayang nakikita kayo ni Queenie na sweet at masaya! Nasasaktan ako "
At umiyak na ako sa harapan niya. Pinunasan niya ito at hinalikan ako sa labi.
" Maayos din natin 'to please. Just give me time. Mabait si Queenie kaya nahihirapan pa akong humanap ng timing para dito. Aira, I love you. Wait for me please "
" Sige alis na ako Jerome. Baka mahuli pa tayo ni Queenie. "
Naglalakad na ako paalis ng bigla niya akong yakapin sa likod.
" Aira, I love you more than my life. I cant live without you. Youre my world. Ugh, I am so inlove with you. "
At umalis na ako
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Genç KurguMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...
