[20] Cool

20 3 0
                                    


" Salamat Queenie ha. Sinamahan mo ako bumili nitong damit na susuotin ko. " At inakbayan niya ako

Malandi talaga 'to si Tristan eh! Pero eto naman ako gustong-gusto. Sabi nga niya, sino nga naman ang tatanggi sa ka-pogian niya diba?

" Basta ikaw. " Mahina kong sagot

" H-ha? Ano yun Queenie? " Tanong niya

Pogi nga, bingi naman! Tsk

" May bayad yan sabi ko! " Tapos sinigawan ko siya.

" Ahh, sige hatid na lang kita pauwi. " Sagot niya naman

Ohh, hahatid niya daw ako.

" Okay, sabi mo yan ah! " At nginitian ko naman siya.

Napansin kong naka-akbay pa rin siya sakin. Kaya tinanggal ko ito. Mamaya kung ano nanaman ang isipin ng mga tao lalo na netong mokong na ito.

" Kain muna tayo! Gutom na ako eh! " Yaya niya at hinila niya naman ako sa KFC

Umorder na siya ng pagkain. Ayos din to ah! Nilibre niya ako. At magkaharap kami ngayon sa mesa

" Di ka naman galit sa gravy nila? " Tanong ko sakanya

Eh kasi yung gravy niya halos maging sabaw na sa sobrang dami eh. Lagpasan na nga sa plato niya

" Hehe, di naman ako galit sa gravy nila. Galit na galit lang Grrrrrr! " Paliwanag niya

" HAHAHAHAHAHAHA! Nakakatawa ka. " Komento ko

At tuloy tuloy lang syang kumain. Di ko maiwasan na mapatitig sakanya. Ang cool nyang kumain, ang takaw. Chill lang siya sa buhay niya. Halos di nga siya lumilingon sakin eh, dun lang talaga siya nakatingin sa inorder niyang 2 pcs chicken, 2 rice, 2 mash potatoes, 2 funshots, extra large coke at large fries. Dami no? Pero ang ganda ng katawan niya!

" Wag mo akong titigan! Baka matunaw ako. Sayang 'tong binili kong pagkain pag natunaw lang ako dahil sayo. " Biglang sabi niya ng walang tingin tingin sakin

" Ang kapal mo rin ano! Kumakain kaya ako dito. Tss! Assuming " Kontra ko

At bigla naman syang tumingin sakin ng kakaiba. Buti naman nilingon niya na ako. Bigla niyang kinuha yung plato ko at tinuro,

" Kumakain ka? Eh ni butil ng kanin walang bawas eh. See (turo sa spoon and fork) di mo pa nahahawakan kasi nandun pa din sila sa pwesto nila nung nilagay ko. "

Oo nga no! Napahiya naman ako dun. Tapos hinimay niya yung chicken ko at naglagay ng kanin sa kutsara. Don't tell me kakainin niya pati yung akin? Ang tak----

" Hinihintay mo pa atang subuan kita bago ka kumain eh! Tss. Ikaw Queenie ah, nakaka-halata na ako sayo " Sabi niya

Nginuya ko muna lahat nung sinubo niya sakin at tsaka nagsalita

" Hoy! Bakit mo ginawa yun! (uminom muna ako ng tubig baka mabulunan ako) Tsaka duh? Anong sinasabi mo? Kaya kong kumain mag-isa! Kaya ikaw ubusin muna yan. Ang dami mo pang kakainin oh. "

At tinuloy na syang kumain. Napangiti ako sa ginawa niya. Kinikilig na talaga ako! Di talaga ako makakain ng maayos, naiilang na tuloy ako dahil sa nararamdaman ko.

Ngayon? Tinititigan ko nalang ulit yung pagkain ko. Eeeeh, Tristan naman kasi! Bakit ang pogi mo! Bakit ang hot mo.

At bigla nanaman niya akong sinubuan! Nakakarami na to si Tristan----

" Queenie!? Sino siya!? " Nagulat ako at nabulunan ng makita niya kami na sinubuan ako ni Tristan.

At uminom muna ako ng tubig tsaka nagsalita.

" Wala ka na dun! Wala ka ng paki kung anong gawin ko! At wag mo na akong pakialaman! Sino ka ba sa buhay ko ha?! " Sigaw ko kay Aira

Nakita kong nagulat si Tristan

" Di porket nasaktan ka, sasama ka nalang sa kung sino-sino! Queenie matalino ka diba! Pero anong katangahan to?! "

Di ako nakapag-pigil. Kaya tumayo ako at sinampal siya. Agad naman akong pinigilan ni Jerome. Hinawakan niya ako sa braso na agad naman tinanggal ni Tristan yung hawak sakin ni Jerome

" Wala kang alam! Di mo nararamdaman yung mga sakit na ginawa niyo! Lumayas ka sa harap ko! " Galit na sabi ko sakanya

At dumating naman agad yung mga guards at hinila palabas sila Aira. Nakitingin tuloy samin yung mga tao. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Lalo na kay Tristan

Sinira niyo yung araw ko! Masaya na sana ako! Lagi niyo nalang ba sisirain ang buhay ko! Di na ba kayo aalis sa buhay ko! Pagod na pagod na ako! At umiyak nalang ako ng umiyak

" Bawal umiyak sa harap ng pagkain. Tahan na! Mamaya yung pagkain mo masabaw na ng luha mo. Gusto mo ba yun? " Pagpapatahan sakin ni Tristan

" Gusto ko ng umuwi " Sabi ko nalang sakanya

Gusto ko ng mapag-isa. Ayoko na silang makita! Gusto ko nalang magkulong sa kwarto! Hays ang daming nangyari sa araw na to

" S-sige,pero kumain ka muna. " At inabot niya sakin yung kutsara

Pero nawalan na talaga ako tuluyan ng gana kumain.

" S-sorry ah? Kung di dah--- " Paumanhin niya. Pero agad ko namang pinutol

" Wala kang kasalanan. Sorry din, nadamay ka pa. "

Pagkatapos nun ay sumakay na kami ng kotse niya. Sabi nga niya kanina ihahatid niya daw ako

" Sorry pero, curious lang talaga ako. Sino ba yung mga yun? At anong atraso nila sayo? " Tanong niya. At nakita kong naiilang na siya sakin

Ayoko magtagal yung ilang niya sakin! Siya na nga lang nagpapasaya sakin tapos magkakaganun pa.

" Mahabang story eh. " Tipid kong sagot

" Summarize mo nalang. Please? " Pilit niya sakin

Dahil malakas siya sakin, kinwento ko na nga ang lahat sakanya.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon