Hindi ako makakasabay kay Bes at Jerome na umuwi kasi may meeting at review kami para sa Quiz Bee. Ako kasi ang nakuha para ilaban sa Quiz Bee sa ibang school
" Ma'am, saan pong school gaganapin ang Quiz Bee? " Tanong ko kay Ma'am
" Sa 'Seton British College' Queenie. 10 schools ang pupunta dun. I hope you will win this Quiz. You are the pride of the school "Paliwanag ni ma'am
" Na-bother naman ako dun ma'am. "
" Dont bother Queenie. Just play the game! Do what you think its right. Don't mind anything. "
" O-okay ma'am! Sanay naman na akong lumalaban para sa school. I can win this Quiz! "
At nagsimula na kaming mag-review ni ma'am.
Mga 6 na din ako nakauwi. 2 hrs din kaming nag-review ni ma'am.
--
Bahay
" Baby,kamusta? " Tanong sakin ni Daddy.
" Okay lang naman Daddy. Bukas na pala yung Quiz Bee namin "
" Ahh, alright. Pwede ba kami sumama? Audience you know. "
" Nah, teacher lang at yung representative lang ang kailangan pumunta Dad eh. Okay lang naman, I know na susuportahan niyo naman talaga ako Dad. Pray for me huh "
" Of course our princess. "
At umakyat na nga muna ako sa room ko para magbihis
Nagreview nalang muna ako ng nagreview. Dinner in bed ang tema ko muna. Ganto ako may competition akong sasalihan. Di ako lumalabas ng kwarto hanggang di ko pa nasasaulo lahat ng kailangan tandaan. Maganda naman ang outcome kase hindi pa naman natatalo ang school namin.
Pagkatapos nun natulog na ako.
**
' Seton British College '
" Queenie, goodluck " Sabi ni Ma'am
" Thankyou ma'am " At pumunta na ako sa upuan ko
" Good luck satin. " Bati sakin ng katabi ko. At nakipag-kamay siya
" Thankyou " Yun nalang ang nasabi ko at nagsimula na ang kompetisyon
- -
Natapos na ang Quiz Bee. Sa kasamaang palad, natalo ako. Nag-aral naman ako. Ginawa ko naman lahat! Bakit natalo pa din ako Huhuhu. Umiiyak pa rin ako simula ng lumabas ako ng room.
Pinapatahan ako ni ma'am pero di ko magawa.
" Queenie thats okay. We know you did your best. May nananalo at may natatalo talaga. Babawi tayo. Dont cry. "
" H-hindi ko l-lang matanggap m-ma'am na naitalo k-ko ang school. S-sorry ma'am. " At patuloy niya kong pina-pat sa likod
" Isang beses pa lang naman ito nangyari Queenie. Madami pa tayong pagkakataon para manalo. Please don't cry. I'll just buy water ha. Wag kang aalis dyan "
At umalis na nga si ma'am. Pero eto pa din ako iyak ng iyak. Jerome! I need you here. Huhuhu T_T
" Hey miss? Are you okay? " Tanong sakin nung isang guy. P-parang siya yung katabi ko kanina ah.
" Y-yes,im okay. " Sagot ko
Niyakap niya ako? Whaaa! Sino ba sya? Mamaya maniac pala to? Or baka sweet lang? Inimagine ko nalang na siya si Jerome, pogi din naman siya eh. At niyakap ko nalang din siya at umiyak ako ng malakas
" Stop crying Miss. Ganyang talaga ang laban, minsan mananalo at minsan natatalo. Just pray, mag thankyou pa rin tayo kase blessed tayo na binigyan tayo ni God ng angking talino para makasali sa mga ganitong klase ng kompetisyon. "
" Kasi first time ko napatalo ang school namin eh. Nakakahiya " Paliwanag ko
" Oh first time lang pala. Eh ako nga madaming beses na natalo,pero di pa rin ako pinapalitan ng school namin para lumaban sa ibang school kasi naniniwala sila na makakabawi ako. Naniniwala sila na madaming pang pagkakataon. Graduating na nga ako pero hanggang ngayon ako pa rin ang pambato nila. "
" Parehas tayo, since ng mag-aral ako sa school namin ako na ang naging representative nila sa kahit anong laban. "
" See, ibig sabihin lang nun malaki ang tiwala nila sayo. Wag kang umiyak dyan. Papangit ka lalo nyan sige. "
" H-ha? Papangit ako lalo? Ibig sabihin pangit talaga ako? Huhuhuhuhu! "At umiiyak lalo ako ng malakas
" Joke lang! Ibig kong sabihin, ngumiti ka lang. I know your pretty behind those tears. "
" S-salamat ha, pina-gaan mo ang loob ko. Ano palang pangalan mo? "
" Romeo tara na! Aalis na ang van natin " Tawag ng teacher niya sakanya
" Sige! Ba-bye! Stop crying na ah. " Paalam niya tapos tumakbo na siya paalis.
So Romeo pala ang name niya. Sayang di niya man lang nalaman ang name ko.
Pero seryoso, gumaan talaga ang loob ko sa mga sinabi niya.
" Oh, okay ka na ba Queenie? Water oh. " At sakto naman dumating na si ma'am.
" Thankyou ma'am. " At niyakap ko siya.
" Ang sweet naman. Sige, tara na. May klase ka pa eh. "
At sumakay na nga kami ng van.
**
SchoolPagkapasok ko sa room ay umupo lang ako sa upuan ko. Medyo nadepressed ako sa nangyari. Tulala lang ako sa klase at di nakikinig. Dinamdam ko siguro yung pagkatalo ko.
Naalala ko si Romeo. Ang sweet niya, sobrang gumaan yung pakiramdam ko sakanya.
Sana lagi syang nandyan tuwing may problema ako. Sana lahat ng lalaki katulad niya.

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...