[16] Confrontation

25 2 0
                                        

Queenie POV

2 days na akong walang communication kila Aira at Jerome. Pinatay ko kasi phones ko at nag-deactivate ako ng facebook.

Alam kong masayang-masaya sila na wala ako. Makakapag-landian sila at magagawa nila lahat ng gusto nila.

Tss! Tignan mo nga 'to si Jerome, di man lang ako magawang bisitahin dito sa bahay.

Alam ko na ang mga pinag-uusapan ng mga classmates at schoolmates ko. Kaya pala gusto nila kaming paghiwalayin ni Jerome.

P-pero kaya ko bang mawala si Jerome? Mahal na mahal ko siya! Higit pa sa buhay ko, simula ng iparamdam niya sakin yung pagmamahal na matagal ko ng gustong makamit. Mahal ko siya.

Umiiyak na ako ngayon sa kwarto ko, nasasaktan ako sa ginawa nila sakin.

" Paano nila nagawa yun! Paano! Sinaktan nila ako! Lalo na si Aira! Ayoko! Nasasaktan ako! "

Tumayo ako at tinapon lahat ng gamit sa desk ko sa sobrang galit ko!

" Walang hiya kayo! Pinagkatiwalaan ko kayo! "

Patuloy ko pa din tinatapon ang mga gamit

" Ang sakit sakit! Niloko niyo ako! "

Huhuhuhu! Huhuhuhuhu!

" Queenie? Anong nangyayari sayo? Bat nagkakaganyan ka? Queenie tama na!  " Natatarantang pigil sa akin ni Kuya

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak

" Kuya, niloko nila ako!! Kuya!! Ayoko ng ganto!! Niloko nila ako!! Huhuhuhu " Paliwanag ko kay Kuya

" Ha? Sino? "

" Si Aira at Jerome,kuya. Matagal na silang may relasyon. Pero dahil matagal ko ng gusto si Jerome, binigay sakin ni Aira si Jerome. Kuya!! Ang daya!! Pinaramdam sakin ni Jerome ng lahat ng pagmamahal na yun!! Pero fake lang yun!! At scripted lang yun!! Manloloko sila!! Huhuhu " Paliwanag ko at mas lalong humigpit ang yakap ko kay Kuya

" Tama na Queenie, kami ng bahala sakanila. Wag mo silang iyakan. Di sila worth it iyakan. Okay? "

" P-pero kuy---- "

**

" Queenie? Gising ka na ba? " Tanong sakin ni Mommy

Ouch! Ang liwanag nanaman! Ano ba nasa langit na ako? Nakakabingi yung katahimikan!

Pag mulat ko ng dalawa kong mata,ugh nasa ospital nanaman ako!

" Mommy! Bakit nandito nanaman ako! Ayoko na dito mommy! " Pag pupumilit kong tumayo

" Baby! Stop! Maco-confine ka dito ng 1 week! Diba sabi ko kumalma ka lang! Tignan mo nanaman nangyari sayo! Di mo ba alam na nagaalala kami sayo huh " Sabi ni Mommy. Ramdam kong galit na siya at nagaalala

" Hon, kalma ka lang din. Kumalma tayo lahat. Princess, ano ba talagang nangyayari sayo? " Tanong ni Daddy

At umiyak nanaman ako

" Mommy, Daddy ako nalang po magkwekwento sainyo. Tara po dito. " Sabi ni Kuya at lumayo muna sila saakin

Pagkatapos ng paguusap na iyon ay nakitang kong problemadong-problemado sila Mommy

" Baby, nasasaktan ako para sayo. Di ko inexpect na magagawa nila yun sayo! Lalo na yung Jerome na yun! Bastos pala yun eh! Pinaniwala niya tayo sa mga pangako at kalandian niya. At yan si Aira? Walang utang na loob! Hays. " At napaupo sa mommy sa galit. Pinat naman siya ni Daddy sa likod para medyo gumaan yung loob niya.

" Pupunta ako ng school now na. " Sabi ni Daddy

At nagulat kaming lahat

" Bakit daddy? " Tanong ni Kuya

" Kukunin ko ang binayad kong tuition kay Aira! Wala syang utang na loob! Since first year tayo ang nagpaaral dyan. Tinutulungan natin ang family nila pero nagawa nyang saktan ang unica ija natin. " Paliwanag ni Daddy

" P-pero dadd---- " Kontra ko na agad namang pinutol ni Daddy

" Wag ka ng kumontra Queenie. Di siya mabuting kaibigan! Ginamit lang niya lahat tayo " At umalis na nga si Daddy.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon