Paggising ko wala sila Mommy. At may note sa dining table namin.
[Queenie, maggo-grocery lang muna kami ni Kuya mo ah. Yung breakfast mo nandyan na. Goodluck! We love you. ]
Kumain na ako at papasok. Nag-drive na ako. Naalala ko si Bes. Kaya naisipan kong daanan muna siya baka di pa siya nakakaalis kaya isasabay ko nalang sana siya.
Kinatok ko yung pinto nila. At may lumabas naman, si Tita Aileen. Ang mommy ni Aira
" Hi Tita! Nandyan pa po ba si Aira? Isasabay ko na po sana siya pagpasok eh "
" Si Al? Wala na eh. May sumundo na sakanya dito. Kani-kanina lang. "
Al pala talaga ang tawag ng family ni Aira sakanya.
" Sino po sumundo? Lalaki o Babae? "
" Di ko kilala eh! Lalaki siya Queenie "
May manliligaw pala yun si Bes di man lang sinasabi sakin. :( Nalulungkot ako
" Sige po, alis na po ako. Salamat po Tita Aileen "
At nagdrive na ako papuntang school.
Pagdating ko naman dun, nakita ko syang nagtetext. At mukha naman syang masaya na. Nagtatampo ako sakanya!!
Pag pasok ko ay dinaanan ko lang siya. Nakakatampo talaga. Nakita kong patuloy pa din siya sa pagtext. Tss! Wala talaga syang paki sakin! Sige!
" Okay class. Bring out your books! " Utos agad samin ng teacher namin. At nagsimula na ang klase.
Lunch Break
Di talaga ako pinapansin ni Aira! Di niya ako tinitext! At lalong wala na syang pakialam sakin!
Nasaan na ba si Jerome? Kanina ko pa sya hinahanap pero di man lang nagpaparamdam. Grabe, ang sakit na.
Tumulo bigla yung luha ko. Ayoko talaga ng nagiisa ako. Ayoko ng walang may paki sakin. Ayoko ng ganitong feeling.
Tumakbo muna ako sa CR para ayusin ang sarili ko. Maghihilamos na sana ako ng may nakita akong necklace na... Kapareho ng akin! As in kapareho!! Kanino kaya 'to? At naghilamos na ako. Tinago ko muna sa bulsa ko yung necklace.
Babalik na sana ako ng room ng makasalubong ko si Jerome
" Ooh, nagpakita ka din sakin huh. San ka galing? Bat mukhang pagod na pagod ka? Eto panyo oh" At inabutan ko siya ng panyo
" Sorry Love, ang dami kasi talaga namin----- " Bigla syang natigilan at may pinulot sa sahig. Yung necklace na nakuha ko sa CR
" Bakit mo----- " Di ko na siya pinatapos dahil alam kong itatanong niya kung bakit ko tinanggal yung necklace na bigay niya. Eh hindi naman kase magkapareho lang talaga
" Nah! Di ko tinanggal. (At pinakita ko yung suot kong necklace) Nakuha ko yan sa lababo. Akin na, hahanapin ko pa may-ari nyan. Baka mapagkamalan pa nyang yung suot ko ay yung kanya " Paliwanag ko
At nakita kong nanlaki ang mata niya. Para ba syang kinakabahan
" H-hindi na! Ako nalang " Sabi niya
" Bakit? Kilala mo ba ang may-ari nyan? Sayo din ba galing yan? "
" H-hindi ah. Oh sige,kung yan ang gusto mo ikaw na magbigay " At binigay niya naman agad sakin
" O-okay. Time na, alis na ako "
Walang kagana-gana kong sagot sakanya." Love! Ano? Wala man lang kiss? Or I love you? " Pahabol ni Jerome. At nakayakap siya sa likod ko.
Kinilig naman ako dun! Akala ko naman di niya ako hahabulin eh.
" I love you Love. Mwaaaa " and I kiss his lips passionately
" Sarap naman humalik ng Love ko. Kaya love na love kita eh. Sige, bye Love! I love you " At kiniss niya uli ako sa noo. At umalis na siya
Nawala yung badtrip ko dun ah. Iba talaga ang charming mo Jerome.
Pagbalik ko sa room. Nakita ko si Aira,malungkot na siya. Parang umiiyak siya? Nawala yung tampo ko sakanya at lumapit ako sakanya.
" Bes? May problema ba? " Tanong ko habang hawak ang kamay niya
" Hmm, wala 'to Bes. Sige mag-aral ka na dun. May quiz tayo " At tinanggal niya yung kamay ko na nakahawak sakanya
" Ano bang problema Bes? Bestfriend tayo pero naglilihim ka sakin! Di ka na nga nagrereply sa mga text ko! Di mo na ako pinapansin! Di ka nagsasabi sakin! Para saan pa't magbestfriends tayo?! " Di ko na napigilan ang sarili ko. Napansin kong nakatingin na samin ang mga classmate namin
" Wala kang alam Queenie! " at nakita kong umiiyak na nga siya talaga
" Paano ko nga malalaman eh hindi ka naman nagsasabi! "
" Di mo na kailangan malaman!! " At mas malakas pa niyang sinabi
Kukunin ko sana yung panyo ko kaso naalala ko di naibalik ni Jerome. At nakuha ko yung necklace
" Bakit na sayo yan? " Turo niya sa necklace
" Alin? Ito? Sayo 'to? " Tanong ko. P-pero
" Oo sakin yan! Kanina ko----- " At nakita kong napatingin siya sa suot ko ding necklace
Napatayo ako
" Sino nagbigay nyan sayo Aira? " Wag na wag niya lang talagang masabi na si Jerome. Ayoko!!
" Uuh, galing 'to kay Mama! Eh yan, sino nagbigay nyan sayo? " Good! Buti naman di galing kay Jerome
" Kay Jerome. At kami na nga pala. "
" Bakit di mo sinabi sakin? "
" Wala ka namang pakialam sakin eh! Tsaka di mo na din kailangan malaman "
At umalis na ako sa pwesto na yun. Eto ang unang unang nagsigawan kami ni Aira. Di ko inexpect na gagawin niya sakin yun! Mag bestfriends pa man din kami
Absent yung teacher namin kaya 1hr na maingay ang classroom. Nakita kong lumabas ng classroom si Aira pero wala akong balak sundan siya. Tss!
At natapos ang buong klase. Nagkita naman kami ni Jerome sa Parking lot. May kotse kasi ako kaya di niya ako maihahatid. Kaya nagkita nalang kami
" Love? Bakit ang lungkot mo? May problema ba? " Tanong ko kay Jerome. Di niya ako iniimik eh
" Wala naman Love "
" First day natin ngayon pero wala akong nararamdaman na kahit anong romantic. Akala ko ba mahal mo ako? " Tanong ko
" Oo mahal kita Queenie. Sorry talaga! Parang ang bilis lang talaga kasi "
" So anong gusto mo?! " Nabigla kong tanong. Di ko napigilan yung sarili ko
" L-love? S-sorry. Promise, simula bukas babawi ako sayo huh. Sorry Love. I love you "
At hinug ko nalang siya. At umuwi na kami pareho.

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...