Okay! Its 1:30 pm. Nagbihis na ako at pumunta na dun. Kahit malapit lang yun tinatamad pa din ako mag-lakad kaya ginamit ko na lang yung bike ni kuya.
Pagka-park ko ng bike ay pumunta muna ako sa may swing. Itetext ko na lang na dun na lang kami magusap. Nasarapan na ako dito sa swing eh.
Finally! Nakita ko na syang naglalakad papunta dito. This is it pansit! XD
" Sorry nalate ako. May ginawa lang ako. " Paliwanag niya
" No problem. " Tipid kong sagot
Nagkatinginan kaming dalawa! At hudyat na kailangan niya ng sabihin ang totoo!
" Queenie sorry kasi hinayaan kitang mainlove sakin. Nasaktan pa tuloy kita. Imbis na dapat ako ang magpasaya sayo after nung nangyari sa inyo ni Jerome. Sorry talaga. Di ko din naman kasi inexpect na maiinlove ka sakin at maiinlove ako sayo. Bigla na lang din kasing gumaan yung pakiramdam ko sayo " Paliwanag niya
Unti-unti naman nagiging maayos ang lahat. Hinhintay ko na lang talagang malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit di kami pwede
" Queenie, sobrang nakakahiya man aminin sayo to pero kailangan. Sana di magbago ang tingin mo sakin bilang tao. Lahat naman tayo nagkakasala diba. " Dagdag niya
Ano ba to si Tristan! Pasuspense! Mas lalo tuloy akong kinabahan. At huminga siya ng malalim
" May anak na ako. At yung bata na yun ay yung kasama ko nung makipagkita ako sayo. Di ko kasi alam na ibibigay sakin ng mama niya yung bata eh. Kaya no choice ako kasi anak ko yun. At aksidente lang ang lahat kung bakit ako nagka-anak " Paliwanag niya
Nagulat ako sa sinabi niya! AS IN NAGULAT talaga. Di halatang ama na siya. Sa pogi nyang yun? Aah! Joke wait lang di pa sya taoos magkwento. XD At hinayaan ko na lang na magkwento siya.
" May girlfriend ako dati na 1 year na kami. Nagcelebrate kami sa bar. At uminom, first time daw kasing may tumagal sa kanyang lalaki kaya nagsaya kami. Maganda siya at mabait kaya di imposible na magkagusto ako talaga dun. Nakainom kami ng madami. Dahil sa init ng katawan namin, may nagawa kaming kasalanan. Di namin ginusto yun kasi were 2nd year highschool. Napaka-bata pa namin. Parehas kami ng school nun. Di naman kumalat ang balita pero napilitan kaming tumigil sa pagaaral dahil nabuntis siya. Dapat college na kami ngayon. Kaso tumigil nga kami pareho. After niya manganak ay bumalik na din kami sa pag'aaral at pinaghiwalay na nga kami ng school. That time, madalas na kaming mag-away dahil sa bata. Pareho kaming walang alam sa pagaalaga ng bata kasi nga were too young. Pinagpapasahan na lang namin ang bata. Minsan kami ang nagaalaga at minsan sa kanya. Nawala na din yung pagmamahal ko sa kanya. Nagsawa ako na lagi na lang ganun. Sabi ko sa kanya na gawin na lang namin yun para sa anak namin. " Kwento niya
At napatigil siya bigla. Lahat ng kinwento niya ay tumatak sa isip ko. Nawala yung sama ng loob sa kanya. Para bang lumuwag na talaga ang pakiramdam ko. Naiintindihan ko siya at malinaw na sa akin ang lahat
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Ficção AdolescenteMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...
