[19] Crush

22 3 0
                                    

" So, tara na? Bili na tayo ng damit mo. Hmm, by the way di pa kita lubos na kilala eh. Ano palang pangalan mo? " Tanong ko sakanya

" Ay oo nga. HAHA! Close na cloase na tayo 'no pero di pa natin alam ang pangalan ng isa't isa. Nakakatawa. " Komento niya

" Oo nga eh. Ako pala si Queenie Faith Asuncion, 17 years old. From Mariano Christian Academè " At nakipag-shake hands ako sakanya

" Okay thankyou miss, hehe! Im Tristan Lee, 17 years old from St. John College. "

T-tristan? Mali ba ako ng kasama ngayon? Diba Romeo ang pangalan niya?

" Hindi ba R-romeo ang pangalan mo? "

At bigla syang tumawa ng malakas? Ha? Nababaliw na ba sya?

" HAHAHAHAHAHAHA! Si ma'am talaga. "

Nagtataka ako? Bakit siya natatawa?

" Ha? Eeh? Anong sinasabi mo? " Tanong ko na may pagtataka

" Tristan ang name ko at hindi Romeo! "

At nagcross arms ako.

" Pero bakit ka tinawag ng teacher mo na Romeo? " Tanong ko sakanya

" Kasi may classmate akong baliw na baliw sakin, si Juliet! Halos gapangin na ako nun pag tumatabi yun sakin eh. Tapos lagi akong nililibre ng pagkain. Lagi syang naka-dikit sakin. Pero karamihan naman talaga ng mga babae samin, patay na patay sakin. Kaya ayun, Romeo na ang tinawag sakin ng mga teachers dun. " Paliwanag niya

Ahh! Mali pala ako. Buti hindi ko sya tinatawag sa pangalan na yun. Mapapahiya pa ako

" Ang yabang mo naman dun sa patay na patay sayo yung mga babae. Ha! Hangin fre~ HAHAHA " komento ko

Bigla naman syang sumimangot. Bakit? Nasaktan ba sya sa sinabi ko?

" Seryoso ako, campus heartthrob kaya 'tong kausap at kasama mo! " Tas bigla syang tumawa ulit ng malakas

" Baliw! " Sabi ko. At nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko

Napatigil ako. Uminit yung pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Ano tong nararamdaman ko? Ugh! Mainit lang siguro yung panahon? Hays, ang init talaga pero malamig sa loob ng mall. Uh?

" Sinong baliw? " Tanong nya

Amoy na amoy ko ang hininga niya. Ang bango. Yung feeling ko para akong lumilipad sa langit. Napalunok ako ng malalim ng ilapit niya lalo yung mukha niya. Ang init! Tapos di pa mapakali yung tyan ko at puso ko

Tapos.. tumalikod siya at tumawa ulit ng malakas

" Natahimik ka dyan, Queenie? Queenie right? AHAHAHAHA! "

Tinulak ko siya ng malakas na ikinagulat niya.

" Paasa! Sige,ikaw nalang mag-isa bumili ng damit mo! " Sigaw ko sakanya at nilayasan ko siya

Loko-loko pala yun. Tss! Pero ang pogi niya talaga. Crush ko na yata siya. Yung feeling na, galing ako ng heartbreak tapos mararamdaman ko uli yung feeling na nabuhay uli yung puso ko.

Naaaah! Tama na muna Queenie. Kaya ka nasasaktan kase ang bilis mo bumigay eh. Ugh! Sige, control ko muna yung feelings ko for him. Just friends.

" Queenie,wait lang. Joke lang naman eh. Queenie! Hintayin mo ko! Queenie. " Pigil niya sakin. Ako naman binibilisan lalo ang lakad

Titigil ba ako? Or bibilisan ko pa? Dahil tanga ako, titigil ako. Hanggang sa naabutan niya na ako.

" Ano? Nice joke huh. " Pagtataray ko sakanya

Pinisil niya yung pisngi ko " Ang cute cute mo talaga! Hihi " Komento niya

Sht? Kinikilig ba ako? Isang poging katulad nito sasabihan ako ng cute. Waaaah! Queenie, controoool. Di ko mapigilan mapangiti sa sinabi niya. Ang saya saya lang talaga!

" Eeeh? Tara na nga! Dun tayo,pumili ng damit! " At hinila ko na siya

W-wait? Hawak ko yung kamay niya. Shocks ang lambot. Ramdam ko yung kapogian niya sa pagkakahawak ko :">

" Ang cute ng mag-kasintahan na yun oh "

" Bagay sila "

" Ang pogi ni guy tapos ang cute ni girl. "

" Kyaaah, I smell forever "

Rinig kong komento at reaksyon ng mga taong nadadaanan namin. Di ko alam kung pano nilang nasasabi na mag-jowa kami? A-at nakita kong naka'holding hands na kami ni Romeo este Tristan. Bibitaw ba ako o tuloy lang?

Dahil malandi ako, tuloy lang.

Hanggang sa dumating na kami sa Mens Wear.

" Sir? Ang pogi mo naman. Hihi (napatingin si sales lady sakin) Ay sorry,may girlfriend pala " Sabi ni sales lady

Hahaha, girlfriend pa! Pansin ko lang, kanina pa siya di nagre-react ah. Kanina pa samin may nagpaparinig pero deadma lang.

" Uy Romeo este Tristan! Tulog ka na ba? " Tawag ko sakanya

" May tulog bang naglalakad at namimili ng susuotin para sa graduation, huh? " Sagot niya

Sabagay, ano ba naman kasing klaseng tanong yun! Tsk tsk Queenie talaga.

" Eh bakit di ka nagre-react sa mga sinasabi nila satin? Ha? " Tanong ko sakanya.

" Eh kasi di ka din naman nagre-react. Tsaka kita ko naman na gustong-gusto mo eh! Sa pogi ko ba namang 'to sino tatanggi diba? " Paliwanag niya tapos kinindatan niya ako

Tinulak ko siya pero hindi malakas. " Ang yabang mo din ano! Tsk. " Tapos nag cross arms ako at tinarayan siya.

" Wag ka ng magpa-cute dyan. Alam ko namang cute ka na. " Paliwanag niya

Ang landi talaga neto ni Romeo este Tristan! Pero infairness,kinilig ako dun. :""">

" Uy ang sweet nila oh "

" Kyaaah, I want him now na "

" So cute couples "

Gusto ko sanang puntahan yung mga babae para sabihin sakanila na kanilang-kanila na si Romeo este Tristan pero pinigilan niya naman ako.

" Wag mo silang aawayin! Iyong-iyo lang ako today at di ako bibigay sa kanila huh " At kinidatan niya uli ako.

Ugh! Ang yabang talaga nito ni Tristan!! Yung kayabangan na nakaka-kilig. Ugh! Ano ba tong iniisip ko.

Nag-ikot nalang din ako para humanap ng susuotin niya ng matapos na.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon