[33] Shoulder to Cry On

20 2 0
                                        

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pumunta muna ako ng Park para magisip-isip. Fresh air at magandang tanawin. Tahimik at maaliwalas na paligid.

Naalala ko yung mga sinabi ni Jerome kanina. Unti-unting nawawala yung galit ko sa kanya. Maluwag sa loob. Di na gaanong sumisikip at sumasakit ang dibdib ko. Kailangan ko na talaga sigurong mag-patawad.

Gusto ko ng iiyak lahat ng natitirang luha ng galit at inggit.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mailabas ko ang lahat.

" Iiyak mo pa. Nandito lang ako. " Sabi nung lalaki

Pinunasan ko ang luha ko para tignan kung sino ito at nilingon, si Tristan. Nandito na naman siya para damayan ako. Ang galing talaga tumiming neto eh.

Nilagay niya ang ulo ko sa balikat niya at hinawi ang buhok. At umiyak naman ako ng umiyak. Hanggang sa kusa na lang tumigil ang luha ko sa pag patak at ibig sabihin, nailabas ko na lahat.

" Salamat Tristan. Salamat " Di ko napigilan, at hinalikan ko siya sa labi ng madiin. Naramdaman kong nagulat siya pero di siya bumitaw sa halik na yun.

Naging matagal ang halik. Halos lamunin na namin ang labi ng isa't isa. Hanggang sa ang isa na sa amin ang bumitaw dahil kinapos na ng hininga.

" Sorry, di ko din napigilan. " Sambit niya

" Sorry din sa ginawa ko. Labis lang akong natutuwa dahil ikaw na naman ang kasama ko. " Paliwanag ko

" Sa tingin ko, gusto na kita Queenie. " Sabi niya na ikinagulat ko

Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso. Parang nagwawala ito at natutuwa. Siya na ba talaga?

" Pero hindi pwede " Dagdag pa niya at lumungkot ang boses niya

Lalo akong nagulat sa sinabi niya. Bigla nalang nagbago ang tibok ng puso ko. Parang may gusto ulit lumabas na luha sa mga mata ko.

" Gusto na din kita Tristan! Pero bakit hindi pwede?! " At hinalikan ko uli siya ng madiin pero tinanggal niya ito.

" B-bakit Tristan? May girlfriend ka na ba? Bakit!?" At umiyak na naman ako.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon