Hays, ang sarap ng tulog ko ah. Tinignan ko kung anong oras na. Whaaaaat? It is real? 10:30 am na! May pasok pa ako ng 7:00 sht, what to do?
" Queenie gising ka na ba? " At biglang kumatok si Daddy
" O-opo Daddy! Pasok po. " At pumasok naman si Daddy. Mukhang alalang-alala si Daddy. Bakit?
" Queenie! Pinag-alala mo ako kagabi! Saan ka ba galing at lasing na lasing ka? May problema ka na naman ba ha? " Natatarantang tanong ni Daddy. Hindi ko alam ang inaasta ni Daddy?
" Po? Sorry daddy kung di na po ako nakapag-paalam kagabi. Biglaan lang kasi, di ko inexpect na gagabihin ako. Ako na po kasi ulet yung valedictorian eh kaya naisipan namin na mag-celebrate. Tsaka nakauwi naman po ako ng mag-isa diba? So wala kayong kailangan ipagalala. " Paliwanag ko. Proud na sagot ko kay Daddy.
" Nakauwi mag-isa? Lasing na lasing ka nga talaga kagabi! " Saad ni Daddy habang napa-face palm
Nakauwi naman talaga ako mag-isa kagabi ah? Tsk! Baka si Daddy ang lasing -_- Haha! Iba din talaga pang may hangover si Daddy eh
" Anong sinasabi mo Daddy? Naka-uwi ako mag-isa kagabi. " Sabi ko na may halong pagtataka.
Nagtataka na din ako sa sinasabi at sarili ko. Eh ako ba talaga ang lasing?
" Si Aira ang nag-uwi sayo dito. Siya na din ang nag-drive ng kotse mo. Di ko na siya tinanong kung bakit dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya. " Paliwanag ni Daddy. At parang mukhang napeperwisyo na siya.
Si Aira ang nagdala sakin dito? Paano? Eh nasa PBH ako at di naman namin madalas puntahan yun so dapat di niya alam yun.
" Daddy maliligo lang ako. May pupuntahan ako. " Paalam ko kay Daddy at umalis na siya sa kwarto ko. Nagmadali na ako!!
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...
