[47] Continuation

18 2 0
                                        

" Pero simula ng dumating ka sa buhay ko, nagbago Queenie. Mali man pero parang gusto ko ng ibigay na lang sa kanya ang responsibilidad. Gusto kong bumalik sa pagka-binata. Nung makita mo kami ng anak ko na magkasama, tumigil yung mundo ko. Di ko sinabi sayo na anak ko yun kasi di ko kayang iwan mo ako. Kaya nagsinungaling ako. Sorry Queenie. Nagpaalam ako sa mommy ng anak ko na pwede bang siya na lang ang mag-alaga nito. Magbibigay na lang ako ng sustento. Pero di siya pumayag. Halip ay umiyak siya ng umiyak at nagsumbong sa magulang namin. Kaya pinagalitan ako. Ng makita kita na umiiyak sa may tabi ng puno nasaktan ako kasi umiiyak ka na naman. Dinamayan kita. Pagkatapos nun ay hinalikan mo ako. Di ko napigilan na halikan ka din dahil sobra kitang mahal. Halos ayaw ko na ngang matapos ang araw na yun pero biglang may pumigil sakin. " Kwento niya ulit

Di ko mapigilan na ngumiti sa sinabi niya sa kabila ng pinagdaanan naming dalawa. At proud ako na mas pinili niya ang pamilya niya kaysa sakin

" Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Malinaw na sakin. Salamat Tristan. Masaya ako na mas pinili mo ang pamilya mo kaysa sa pansarili mong kagustuhan. Salamat dahil kinwento mo sakin lahat. Oo masakit na mahal natin ang isatisa pero hindi pwede. Pero soon, makaka-move on din tayo diba. " Saad ko kay Tristan

At nakita kong ngumiti na siya

" Gusto ko lang ding malaman mo na, ang mommy ng anak ko ay si Ingrid. At Coby naman pangalan ng anak ko. " Dagdag pa niya

Nagulat ako ng malaman ko kung sino. Pero di naman OA kasi mabait at maganda naman talaga si Ingrid. Tsaka kaya pala familliar sakin yung anak na dinala ni Ingrid sa school namin! Now I know. Small world nga naman talaga.

" Kaya pala kilala ka nila Cheska. " Saad ko

" Magpaliwanag ka na din pala kay Ingrid at kila Cheska about dito. Kasi nakita niya tayo yesterday diba. Baka gawin na naman nyang issue to. At mag-away kami ni Ingrid " Dagdag ko

" Napaliwanag ko na sa kanila kagabi. Kinukulit na kasi nila ako. Kaya nga napagdesisyunan ko ng makipagkita sayo ngayon para sabihin lahat ng to sayo. Salamat at inintindi mo ako. Friends pa rin naman tayo diba? " Tanong niya

" Oo naman. Salamat ule! Masayang masaya ako na malinaw na ang lahat sa atin. Sige, una na ako. :) " At umalis na nga ako

Masaya ako para sa kanila. Walang halong bitterness. Promise! :D

A/N

Di pa 'to ending oy. Hehe!
Keep reading mga bebe ♡

Kamsa~

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon