Si Jerome na lang ang problema ko. Sa Retreat ko na lang ipagtatapat sa kanya ang lahat! I mean sasabihin. Eeeh, ganun din yun!
Dahil walang pasok si Daddy. Namasyal muna kami sa Mall. Pinamili niya ako ng mga damit para daw pag pumunta na akong New York madami daw akong susuotin. Bonding na din daw namin kasi aalis na nga ako. Parang ayoko na tuloy! Naalala ko wala ng kasama si Daddy sa bahay. Malulungkot yun sigurado!
" Daddy? Salamat sa lahat ah. Youre the best Dad in the world. I love you. " At niyakap ko siya
Di naman nakaka-isip bata yung ginagawa ko. Im just sweet and humble. Ganto talaga ako magmahal, expressive kasi akong tao.
" Ang sweet naman ng bunso namin. Princess, kahit anong mangyari mahal na mahal ka namin ni Mommy mo ah. May mga bagay lang talaga kami na hindi nagugustuhan para sayo dahil nakikita naming makakasama sayo yun. Someday, maiintindihan mo din kami. And! Dont make this day so drama. Pumunta tayo dito para magsaya. " Sermon ni Daddy
What I most like to my Daddy? His sermons. Kapag pumunta na akong New York, I will super duper miss him.
At pumunta na nga kaming sinehan. Nanuod kami ng action fantasy na movie. After nun kumain kami. Napaka-daming inorder ni Daddy eh dalawa lang naman kami. Parang may pa-fiesta si mayor! HAHAHA pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Cute talaga namin ni Daddy
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...