Hindi ako maihahatid ni Jerome pauwi kasi may meeting sila sa Student Council.
" Queenie! Sandali lang! " Napalingon ako sa likod ko ng marinig kong may tumatawag sakin.
" Oh bakit, Tracy? " tapos lumapit sya sakin
Si Tracy Cruz. Ex ni Jerome, maganda, maarte, mayabang at artista. May mayabang talaga? Oo meron! HAHA simula ng sumikat yan wala na yan ibang ginawa kundi magyabang sa campus. Sa school marami syang haters pero sa labas napakadami nyang fans.
Bakit kaya? Aawayin niya kaya ako?
" Maghiwalay na kayo ni Jerome. Bago mo pa malaman ang lahat! Yun lang, sige una na ako " At tumakbo na sya paalis
Ha? Di nga nila ako inaaway pero parang unti-unti nila akong pinapatay dahil sa mga kwento nilang di tinatapos. Nacu-curious ako! Pinapaasa nila ako, inuuto ewan!
Gusto lang siguro nilang magulo ako para mawala ako sa top eh tapos gusto din nilang maghiwalay kami. That will never happen! tss!
Papunta na akong parking lot para umalis.
" Mumu, ahh!! " napasigaw ako ng may humawak sa braso ko. Ang dilim kaya papuntang parking tas may biglang hahawak sayo. Ugh! Kinilabutan ako dun ah. Pero si Aira lang pala!
" Sorry Bes " at niyakap niya ako. Nasa 1 minute din yung yakap niya
" Bakit? Dahil ginulat mo ako? " tanong ko at umalis na sya sa pagkakayakap sakin
" Bes naman eeeeeh. Hindi! Dahil sa mga nagawa ko these past few days sayo. " at lalong lumungkot yung mukha niya
" Ano ba kaseng meron Bes? Bakit di ka na nagsasabi sakin? Gusto ko lang naman makatulong eh. Bestfriend mo ako " paliwanag ko
" Oo alam ko Bes. Pero ayaw ko na kaseng mamroblema ka---" di ko na sya pinatapos
" Kaya sinarili mo?! " medyo pasigaw kong tanong
" Bes naman. Ayaw lang kitang mag-alala "
" Mas lalo mo akong pinag-aalala Bes! " di ko mapigilan yung sarili ko sa sobrang tampo ko sakanya
" Galit ka na naman Bes. Sorry na nga! Miss na kita. " medyo nalungkot ako dun sa sinabi niya. Ilang days din kaming walang kibuan. Namiss ko na din si Bes ng sobra
" Hmm. Pasalamat ka talaga Bes mahal na mahal kita! " at niyakap ko siya
" Talaga Bes? Mas mahal mo pa ko sa jowa mo? "
Hmm? Jowa talaga? HAHAHA
" Syempre! Syempre mas mahal ko si Jerome "
At sinamaan niya ako ng tingin.
" Joke lang Bes! Ikaw naman di mabiro " at niyakap ko siya ng mahigpit
" Miss na miss kita Bes! Sorry din ha. "
At humarap sya sakin
" Last na pag-aaway na to Bes ah! Ayaw ko na! Love you Bes! " niyakap niya uli ako
" Oo Bes! Ikaw lang naman tong----"
" Oh oh oh! Walang sisihan Bes " tas bigla syang nag-pout
" Oo na Bes! Love you too!! "
At niyaya ko na nga syang umuwi.
Pagdating ko sa bahay gumawa na akong ng mga homework, kumain at natulog na.
--
" Good morning Bes! " Bungad sakin ni Aira pagka-mulat ko
" Oh Bes? Bakit ang aga mo pumunta? " pagtataka ko
" Kase Bes sabay tayong papasok! Nga pala,pinagluto kita ng breakfast. Sabi ko kay Tita Faith ako muna gagawa Hehe! Namiss ko 'to eh. "
" Talaga Bes? Yiee, excited na ako kumain. Hehe! Sige ligo muna ako ah. "
" Sige, I'll wait you there! " At bumaba na nga siya
--
Wow! Waffle again? Yey!
" Bes,thankyou ah. "
" Syempre! Babawi ako sayo Bes "
" Thankyou Bes! Youre the Best! "
" Baby, sunduin lang namin si Daddy mo sa airport ah! Be good girl! Love you Baby. " paalam ni mommy
" Eeeh, Love you too Mommy! " at kiniss ko si Mommy sa cheeks
At umalis na sila ni Kuya.
*Ding dong*
May tao! Sino kaya? Si Jerome! Oo nga pala, ihahatid niya ako sa school
" Wait lang Bes ah! Pag buksan ko lang yun. " at umalis na ako
Pagkabukas ko, may bulaklak na hawak si Jerome
" Hi Love! Flowers for you. " At kiniss niya ako sa cheeks
" Sweet naman ng Love ko! Thankyou love. Pasok, breakfast muna tayo. " at pumasok na kami sa loob
" Wow! Ang sarap naman ng breakfast mo love. Luto ba yan ni Tita? " At inakbayan niya ako
" Naah, luto yan ni Bes. Masarap yan love! "At napabitaw naman siya sa pagkaka-akbay sakin nung makita nyang dumating si Bes
" H-hello J-jerome " Bati ni Bes kay Jerome. Yung totoo,bat sya nauutal kay Jerome HAHA di pa din ba sya nakakamove on sa secret nila dati
"Bes? Bat ka nauutal? Haha! Oh ikaw love, walang Hi? Snob mo si Bes? " tanong ko sakanila
" H-hi! Kamusta Aira? " Sabi ni Jerome kay Aira. Yun naman pala!
" Okay lang ako. Upo ka,kain tayo! May pasok pa tayo. "
At kumain na nga kami. Baka kase ma-late kami eh. Ang tahimik ng aura namin ngayon. Di ko alam kung bakit? Sagot lang ni Jerome baka antok pa din daw siya. Tapos si Bes naman, bawal daw maingay pag kumakain. Tss, palusot niya eh
" Tara na! Lets go to school " at sumakay na kami
Si Bes nasa likod, tapos ako katabi ko si Jerome.
--
Pagbaba namin ng kotse nagtinginan sila samin.
" Oh gosh, nagsama-sama sila. "
" Matalino na sana eh,tanga lang "
" Yung feeling na tinutusok ka ng kutsilyo ng dalawang importanteng tao sayo "
" Yeah! Masakit. "
" Manhid, tanga at boba "Aba! Naiinis na ako sa mga 'to ah. Di ko alam kung sino pinaparinggan nila pero naiinis na talaga ako! Kami lang naman yung kakadating palang so walang iba pa.
Lalapit na sana ako para pagbuhol-buholin ang dila nila pero pinigilan ako ni Jerome at Aira. Magkabilaang braso talaga!
" Wag mo ng patulan Bes! " kontra sakin ni Aira
" Eh sobra na eh! Ayaw nalang tayong diretsuhin! Tss " reklamo ko
" Hayaan mo na Queenie. Gumagawa lang sila ng kwento. Don't mind them love " paliwanag sakin ni Jerome tas naglakad na kami paalis dun
" Love daw? Ha! Sino sakanilang dalawa? "
Di ko talaga alam kung anong tinutukoy nila! Nakakainis! Manhid ba ako? Tanga? Boba? hays ewan!
Pagkapasok ko ng room, nagtinginan nanaman sila sakin. Ano ba talagang meron?
Lumapit sakin si Bes.
" Bes! Dont mind them! They're just making issues. Okay? Chill bes. Sige punta na ako sa upuan ko "At pumunta na siya sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Ficção AdolescenteMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...