[43] Cheska?!

15 2 0
                                        

Hindi tuloy matuloy-tuloy ang usapan namin.

" Tristan?! " Nagulat kami pareho ng may sumigaw na babae mula sa gilid niya. Di ko agad siya nakita kasi umiinom ako ng frappe. Halos mabuga ko na nga yung iniinom ko dahil sa lakas ng bunganga nung babae eh.

Nilingon namin ito at nagulat ako kung sino. Si Cheska! Pero ng tignan ko si tristan, blangko lang yung tingin niya. Nagtaka ako, paano niya nakilala si Tristan? Iba talaga ang angking kapogian ni Tristan ah, nakarating sa school namin. Eh baliw lang naman sa mga pogi yan si Cheska eh.

" Cheska? Kilala mo siya? " Singit ko

Nakita kong gulat na gulat si Cheska ng makita ako? Di ko alam kung bakit? Pero siguro akala niya bagong boylet ko na naman. But no way, muntik ko pa lang maging boylet. Aay? Mali! Ano ba tong iniisip ko.

" Q-queenie? P-paano? " Nauutal na tanong ni Cheska sakin

Gulong-gulo na kaming lahat! Ewan! Walang katapusang gulo! Paikot-ikot na lanfg ang istorya leche.

" Damn! Oo nga pala parehas kayong taga-MCA. Ugh! " Sabi ni Tristan

At ginulo naman ni Tristan yung buhok niya ng masabi iyon. Ano naman? Gulong gulong gulong gulo na talaga ako!

" Cheska, tara na! May lakad pa tayo! " Sigaw ng lalaki na nasa age 40s na. Daddy yata niya.

" Sige guys, di pa tayo tapos! Aalis na muna ako! " Habol ni Cheska at tsaka umalis na.

" Paano kayo nagkakilala ni Cheska? " Tanong ko kay Tristan

Curious na talaga ako sa mga nangyayari! Di na matuloy-tuloy ang usapan namin ni Tristan eh!

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon