Matapos ang surprise ay dumating na din ang teacher namin. Nakitang kong muntik na si Aira ma-late kase kasunod lang nito si Sir
Bakit ganun? Tuwing may magagandang nangyayaring events or surprise sakin si Jerome laging wala si Bes. Di niya tuloy nakikita na sobrang saya ko.
" Class. We have new seating arrangement. "
At kita sa mga mukha ng mga classmate kong gulat na gulat sila. May naiinis, may natutuwa pero mas maraming chill lang. Di pa ba sila masanay eh 2nd Quarter na.
" I will call your name and pumunta kayo sa pwesto kung saan ako nakaturo. Okay! "
At nagsimula na nga siya magtawag.
" Ms. Asuncion dito ka! " turo niya sa tabi n-ni Cheska.
Whaaat? Bakit pa sa tabi nung chismosa na yun! Ugh! Sure akong dadaldalin lang ako nito eh.
" Sir, pwede po bang sa iba nalang? " Favor ko kay Sir
" Ang arte naman "
" May virus ka ata Cheska kaya ayaw tumabi sayo HAHAHA "
" Arte, kainis "
" Ha! Pa-VIP si top1 "
Rinig kong reaksyon at komento ng mga kaklase ko
" Why Ms. Asuncion? May problema ba sa mga katabi mo? " At agad naman akong napatingin sa mga katabi ko. Alam niyo na ang mga tingin nila sakin, MASAMA. --"
" Hindi naman po, di lang ako makaka-concentrate sa pwesto na yan "
" Why do you say so? "
" Sir please? Minsan lang ako humingi ng favor. Pwesto lang naman sa upuan. "
" Nah! You will seat there! Okay,next is... "
Badtrip! Sinira mo araw ko Sir! Kainis. Parang upuan lang eh ayaw pang pagbigyan! Di ako magrerecite sayo. Bahala ka!
" Arti mo kase eh! Akala mo maganda ka dah---- "
" Shut up! " Patahimik ko kay Cheska
Halatang nagulat sya sa ginawa ko. Irita eh! Badtrip na nga ako dadagdagan niya pa, e dahil din naman sakanya kung bakit badtrip ako eh.
At nakita kong tumalikod na sya sakin. Napahiya sya eh! Araw-araw ko kayang gawin yun sakanya ng manahimik.
At natapos na lahat ng morning classes. Lunch na. Pinuntahan naman ako ni Aira sa upuan ko para yayain na sabay na kaming kumain.
Pumunta na kaming canteen at bumili ng pagkain.
" Bes, nakakakilig daw yung ginawa sayo ni Jerome kanina ah "
" Oo bes! Di ko inexpect. Mas lalo ng lumalalim yung nararamdaman ko sakanya " Kwento ko sakanya
" T-talaga bes? E-di maganda. " Hm? Kanina natutuwa siya magkwento ngayon nag-iba ang aura niya.
" Bes,may review at meeting pala ako mamaya para sa Quiz Bee ha, so di tayo magkakasabay umuwi. " Paalam ko
" Ah, ganun ba Bes. Sige, goodluck Bes! " At niyakap niya ako
Bigla naman dumating si Jerome. At kiniss niya ako sa cheeks
" Kain ka na love. " Yaya ko kay Jerome at umupo naman siya sa tabi ko
" Thankyou love! Lalaban ka pala sa Quiz Bee? Good luck love. I know you can win. Hehe! Top 1 ata ang love ko. "
" Sus! Hehe, but I know I can win this. Ang pogi kaya ng inspiration ko. " At pinisil ko yung ilong niya
" Ouch love " At hinimas niya ang ilong na pinisil ko.
" Guys? Nandito pa ako ah? Hehe " Singit ni Aira
Oo nga pala kasama pa namin siya. HAHA kase naman si Jerome eh
" Ay sorry Bes. Hihi! Tara tapusin na natin kainin 'to. " Yaya ko sakanila
" Aira! "
Nagulat kami ng may sumigaw sa likod namin. Tinawag niya si Bes
" G-gian? " Sagot ni Aira
Gwapo yung Gian. Maganda manamit, maganda ang tindig at may dimples. Mukhang model. Naka-civillian siya. Siguro transferee. Pero bakit kilala si Bes? Di naman familiar ang face niya sakin. Siguro, co-model ni Aira
" Oo! Magta-transfer na ako dito Aira. Simula ng malaman kong nandito ka, naisip kong lumipat na din. Para mapansin mo. And! Im lucky na nakita kita agad. " Paliwanag nung Gian
" Ah? Eh? Sige, upo ka. " Yaya ni Aira sa Gian. At umupo ito sa tabi ni Bes
Iba talaga ang angking ganda ni Aira. Tsk tsk! Sabagay di lang naman maganda si Aira, hard working mabait pa.
" Sino sila? Di mo ba ako ipapakilala sakanila Aira? " Tanong nung Gian kay Aira
" Ahh, siya si Queenie bestfriend ko. At siya naman si Jerome...... boyfriend ni Queenie. " Ang tagal naman niyang sabihin na boyfriend ko si Jerome ah? Di pa sya sigurado. Nye
" Hello Queenie, Gian Caligher pala. Nice to meet you " At inabot ni Gian ang kamay niya sakin at nakipag-kamay ako. Shems, ang lambot.
" Hello Jerome. Nice to meet you pre " Bati niya kay Jerome
Pero di ito pinansin ni Jerome. At nagtaka kaming lahat. Hm? Bakit kaya? Siguro wala lang siya sa mood. Pero kanina. Hays nevermind
" Anong year at section mo? " Tanong ko kay Gian.
" 4 Einstein daw. Kayo ba? Anong section niyo? " Wow! Classmate pala kami. Yey! Kasama niya si Bes
" Bakit? Diba puno na ang section nila? Bawal na magdagdag ng ibang student dun " Paliwanag ni Jerome
Nagulat kami sa sinabi niya. Oo nga naman puno na ang section namin paano siya nakapasok.
" Humingi kase ako ng favor kay Sir Principal na dun niya ako ilagay para kasama ko si Aira. And, tito ko ang principal dito " Ahh,kaya naman pala.
At nakita kong nag-smirk si Jerome. Ano kayang problema ni Jerome kay Gian.
" Tara na sa room! Late na us " Yaya ko sakanila
" Oo,late na tayo kaya tara na. " Yaya din ni Jerome
" Sige Gian, punta na kami sa room. Tapos na ang break namin eh. Bye " Paalam ni Aira kay Gian
At umalis na kami.
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...