" Queenie! Gising na! Napasarap tulog mo ah! "
Aaaah. Ang sarap matulog dito!
" Good morning girls! ^______^ " Bati ko sa kanila
" Good morning din Queenie! " Bati din nila. :"> Ang saya ng gising ko. Obvious nemern.
Naligo na ako at nagbihis. Pumunta na ako sa dining area at kumain. After nun ay may activities uli. At dun nagtatapos ang Retreat namin. :">
Sumakay na uli kami ng Bus. Si Coleen naman ang katabi ko. Ang awkward lang kasi di kami masyadong close.
" Hi Queenie " Bati ni Coleen
Naiilang ako kasi ang ganda niya talaga. Actually mas maganda siya kaysa kay Ingrid. Dalagang filipina lang siya.
" Hello Coleen. Hehe " Sagot ko
" Alam mo bang kapatid ko si Tracy? " Tanong niya
Napanganga ako. -O- Parehas naman silang maganda pero di talaga halata!
" Talaga? Honestly, hindi halata. Sorry pero wala naman mali dun diba " Saad ko
" Di talaga halata kasi ampon lang ako. " At napayuko siya
What? Ampon? Siya? Ha?
" Oh, Im sorry. P-pero okay lang yun 'no, maganda ka naman. "
" Oo maganda ako, kaya nga galit na galit sya sakin eh. Nag-artista din kasi ako dati pero simula ng mag-away na kami palagi nag stop na ako. Mahal ko si Tracy kaya kung ano yung gusto niya susundin ko. " Paliwanag niya
" Ang sad naman nun. Alam mo napaka-bait mong kapatid. Hanga ako sayo kasi natiis mo at hanggang ngayon kahit na di maganda ang turing niya sayo nirespeto mo siya. " Komento ko
" Hehe salamat. Sige pahinga na tayo, pasensya na nakwento ko pa. "
" Okay lang. :) "
At nagpahinga na nga kami.
Ang dami kong nalaman this past few days. Di ko inexpect na magiging open sakin ang mga new friends ko. Masaya ako na gagraduate ako ng masaya at maliwanag ang lahat
After 3 hrs, nakauwi na din sa bahay.

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...