[32] Preparation

16 2 0
                                    

Pagkatapos ng afternoon class ay nagpractice na ang lahat ng 4th and 3rd yrs ng sayaw para sa Prom. Kitang kita sa mga mata nila na masayang-masaya sila.

After ng quotillion, inutusan kami ng dance instructor na humanap ng temporary partner for the sweet dance. Ituturo daw samin ang pagsayaw ng sweet kapag niyaya daw kami ng boys or girls.

Wala ng pag-asang may magyaya sakin. Kaya umupo na lang ako sa tabi. Halos lahat sila may partner na! Edi good choice na umupo na lang ako kasi nakakahiya lang wala na din akong makaka-partner.

Nag-browse ako sandali ng phone ko para tingnan kung nag-chat na si Aira pero wala pa rin. Hays. Kung nandito ka lang, siguro tayo ang magka-partner.

Napansin kong may tumabi sakin. Ng nilingon ko, si Jerome. Hanggang sa nagka-tinginan kami pero agad ko naman iniwas.

" Sorry Queenie. Sorry sa lahat ng nagawa namin ni Aira. Di namin yun ginusto. Sadyang mahal ka lang ng bestfriend mo kaya handa niyang isakripisyo ang pag-ibig niya sakin para sayo. " Paliwanag ni Jerome

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero nainis din ako. Parang ipinamumukha niya sakin na dapat ako yung nako-konsensya sa mga nangyari.

" Madaming ibang paraan para di ako masaktan pero di niya ginawa! At alam mo? Mas doble pa yung sakit na naramdaman ko dahil sa ginawa niyo. Maiintindihan ko naman siya kung siya talaga yung mahal mo eh. Masasaktan ako oo, pero makaka-move on din ako. At di dadating sa point na magkakahiwalay kami ng kaibigan ko! Madali ka lang sana kalimutan eh! Pero di ko kayang kalimutan si Aira. Mahal na mahal ko siya. Kapatid na ang turing ko sa kanya kaya ang hirap para sakin tanggapin na sasaksakin niya ako patalikod! " At humagulgol na ako ng iyak.

Naramdaman kong niyakap ako ni Jerome ng mahigpit. Atleast nagkaroon kami ng closure

" Sorry talaga Queenie. Hindi ko hinihingi na patawarin mo ako ngayon. Pero maghihintay ako. "

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon