QUEENIE POV
" Bes? Kamusta? Pansin ko lang, medyo matamlay ka this past few days ah. May problema ba? " Tanong ko kay Aira
Feeling ko kase talaga may problema siya eh. Minsan nakakalimutan niya ng kumain. Di na din siya minsan nagpaparticipate sa klase. Worried na ako. Lalo na at 2nd honor siya baka mawala siya sa top
" O-okay lang ako Bes. Hmm, kung meron man akong problema, soon maayos din to. W-wag kang magalala sakin Bes. " Nauutal niyang sabi.
Nirerespeto ko naman ang desisyon niya kung di niya sasabihin sakin ang problema niya. Baka kase super private 'to. I'll give her time.
" Bes, nga pala nakikipagkita sakin si Jerome. Feeling ko liligawan niya na ako eh! Kyaaah, kinikilig ako Bes. " Kinikilig kong sabi sakanya
Halos maglumpasay na ako ng ikwento ko sakanya yun. Pero siya? Blangko yung mukha. Yung totoo? Best supporting bestfriend siya ngayon ah. Pero sabagay may problema nga pala siya
" M-mabuti kung ganun Bes. Magkakaroon ka ng masaya u-ulit na love life. Im h-happy for you " Sabi niya
Mukha na syang masaya nyan ah. Di niyo naitatanong, may mataray side din ako. At alam ni Bes yun kase lagi ko syang tinatarayan kapag nakikita kong wala syang paki sakin
" Mukha ka ng masaya dyan Bes ah? Tss! Pasok na tayo sa room. Baka ma-late pa tayo " at tinarayan ko siya
Hay ang boring na. 1st quarter pa lang tinatamad na ako mag-aral. Kaso di pwede kase 1st honor ako. Buong klase puro discusions lang. Di na nga kami nag-break kase di naman ako nagugutom at wala din akong kasama sa canteen. Si Bes kase wala daw gana kumain.
CLASS DISMISS ^______^
" Bes, una na ako ah! Magkikita kase kami ni Jerome sa canteen. Gusto mo samahan mo nalang ako? " Yaya ko kay Aira. Para naman may witness na nililigawan talaga ako ni Jerome at hindi ako assumera
" Hindi na muna Bes, wala talaga ako sa mood. Sige, una na ako Bes ah. Goodluck! " At kiniss niya na ako sa cheeks
" Okay Bes, I love you Bes! " At umalis na nga siya
Tinext ko na si Jerome na nasa canteen na ako. At nagreply naman siya na papunta na daw siya.
" Queenie! Pasensya na na-late ako. May tinapos lang kami na project. At thank you pala at pumayag ka na magkita tayo " Sabi ni Jerome
Ang pogi talaga niya kahit na pagod na pagod siya dahil tumakbo pa siya maabutan lang ako. Iba ka talaga Jerome
" Oo naman, basta ikaw. Hehe! Upo ka na. Mukhang pagod ka eh. Gusto mong water? Eto oh! " At inabutan ko siya ng tubig
" S-salamat Queenie. "
" By the way, bakit mo nga pala gustong makipag kita sakin? "
Huminga muna siya ng malalim at...
" Yayain sana kitang lumabas bukas? Wala namang pasok diba? I want to know you more :) "
" D-date ba y-yan? " Kunwari nauutal ako. Kunwari di ako makapaniwala HAHAHA
" Aah, o-oo parang ganun na nga Hehe! Mukhang bang mabilis ako? Sorry, gusto lang kase talaga kita makasama" Nauutal niyang sabi. Mukha siyang kinakabahan. Jerome so cute talaga :">
" Of course. Sige, payag ako. " Sagot ko
" Sige sunduin kita bukas ah! See you " A-at k-kiniss niya a-ako sa cheeks.
At umalis na siya.
Umuwi na din ako
Bahay
" Mukhang masayang-masaya ka baby ah. Anong meron? " Tanong sakin ni Mommy habang nagluluto siya for Dinner namin
" Mommy, yung crush ko niyaya ako makipag-date!! " Kwento ko kay Mommy. Yung mga gantong bagay okay lang kay mommy. Syempre lahat naman daw ng tao may karapatan maging masaya at magmahal. Nasa amin na daw kung masasaktan kami,basta kaya namin ang sarili namin
" Really baby? So sweet. Mukhang may aayusan ako bukas ah. Yehey,nagda-dalaga nanaman ang baby namin. " Sabi ni Mommy
" Mommy, from now on dont call me Baby please? Im a teenager na. "
" Okay, ikaw talaga Queenie. Oh sige, magbihis ka na dun at magdi-dinner na tayo. Tawagin mo na din si kuya Quen mo " utos ni Mommy at agad naman akong sumunod
Pagkabihis ko ay tinawag ko na si Kuya para kumain.
Pagkatapos kumain, pumasok na ako sa kwarto para ikwento lahat kay Bes
Di siya online. Itext ko na nga lang.
[To; Bes Aira ♡
Bes! Niyaya ako makipag-date ni Jerome bukas. So sweet diba Bes? Gusto sana kita isama Bes! Gusto mo ba? Hehe] -Sent30 mins. ko ng hinihintay yung reply niya pero wala. Grabe, ano kayang problema ni Bes. Bakit nagkaka-ganun siya
At natulog nalang ako para maaga akong magising bukas.
--
Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!
" Bunso! Gising na. Sabi ni Mommy may date pa kayo ng crush mo! Gusto mo bang ma-late dun? Bunsoooo! " Narinig kong gising sakin ni Kuya. Bat ganun di ako nagigising kapag hindi pa nila tapos sabihin yung gising nila sakin. Hays, anyway. Tatayo na nga ako
" Okay kuya. Good morning! Love you kuyaaaa! " Pagkatayo ko ay hinug ko agad si Kuya. Mamimiss ko sila ni Mommy pag bumalik na ulit sila sa New York
" Ang sweet naman ng bunso namin. Love you too Bunso. " At kiniss niya ako sa cheeks. At nauna na siyang bumaba
Pagkatapos ko maligo, bumaba na agad ako para mag-almusal. Aayusan din daw ako ni Mommy.
" 'nak, alam mo na ang gagawin at hindi gagawin sa isang date ah " Payo sakin Mommy
" Yes naman Mommy! 3rd highschool pa lang ako tinuturo mo na yan sakin eh. Hehe! Hinding-hindi ko yun makakalimutan Mommy! Kuya, and Mommy, thankyou sa support niyo ah. Im so very lucky na kayo ang family ko. Thankyou and I love you " Sabi ko kila Mommy at Kuya
" Sweet talaga ni Bunso(at pinisil niya yung ilong ko) kaya love na love ka din ni Kuya eh! " Sakit nung pisil niya sa ilong ko ah! Tss,pero sanay na ako
Nagtataka ba kayo kung bakit wala si Papa? Ayun! Busy sa trabaho. Out of the country sila. Sure ako kung nandito si Papa, isa din yun sa supporter ko. Idol ko yun si Papa!
At inayusan na ako ni Mommy

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...