Chapter 3

195 3 0
                                    

Leave me Alone

"Dre, Uwe na tayo." yaya ni Axel. Kasalukuyan kaming nasa Locker namin kasi kakatapos lang namin mag-practice ng basketball para sa Upcoming Tournament namin. 

"Sige mauna na lang kayo, papasundo na lang ako." Nanahimik silang lahat na halos maingay sila kanina. Pinagsiksikan nila akong anim, "Dre, may Lagnat ka ba? bakit ayaw mong sumabay saamin? Naligo naman si Matt ah" Sabay tawa silang lahat maliban kay Matt na nakasimangot na. 

"Nah. Ewan ko?" Kumunot yung noo ni Andrew, "Dahil ba to kay Kaira?" napatayo ako sa sinabi niya, bakit naman magiging dahilan nito si Kaira? Wala akong pakialam dun noh. Tsaka, iniisip ko pa nga kung paano siya mapapaluhod sa harap ko. Yung tipong sukong-suko na siya at magmamakaawa na 'Dylan, Sorry please forgive me'  tapos tatawanan ko lang siya. Hays? Kelan kaya mangyayare yun. 

"What?! Are you insane, bakit naman dahil sakanya? Paano mo nasabi yan Drew?" Tumayo si Andrew at sumandal sa Locker ko. Magkatapat na kami ngayon, "Bakit ka taranta? Don't tell me, Nahulog ka na." Nanlaki ang Mata ko. "AKO?! MAHUHULOG SA ISANG BABAENG WALANG GINAWA KUNDI INISIN AKO?! WHY ON EARTH SHOULD I FALL INLOVE WITH HER?! ALAM NIYO NAMANG SI MEGAN LANG ANG HULING MINAHAL KO! WALA NG DADAGDAG PA!" Nakatayo na silang lahat, "Okay, calm down Dre." mahinahon na sabi ni Cyril. "Sorry Dre. Alam naman namin na hindi pwedeng mangyare yun e." sambit ni Andrew. 

"Ahh. Whatever. Sige na mauna na kayo, I'll call you when I need to." 

Tuluyan na silang umalis, Naiwan ako sa loob ng Locker Rooms. Hindi ko na inisip yung sinabi ni Andrew na baka na-inlove nanaman ako, wala namang epekto saakin si Kaira, Ay? Meron pala. Pambwi-bwiset yun. Tss

Nabagot na ako dahil halos 1 oras kalahati na ako nandito. Tinawagan ko na yung driver namin para sunduin ako. "Hello, Manong? Sunduin niyo po ako kasi di ako sumabay kela Axel e. sige po salamat" 

Bumaba na ako, nag-text din si Mom kung bakit wala pa daw ako sa bahay kaya habang nagre-reply ako..

"Aray." 

Kung mamalasin ka nga naman. 

---

Kaira's POV:

"Kai, Agahan mo bukas ah. Kelangan ka ng Members, Okay? Malapit na din ang Tournament." 

"Opo, Ma'am." Umalis na ako hirap talaga kapag nasa Cheering Squad. Maghahapon na din, baka mag-alala sila Papa saakin.

*kring..kring..*

"Hello? Dale. Bakit?"

[Hi Kaira. Saan ka?]

"Nasa school pa, bakit?"

[Uh.. Kaira, pwede ka bang ma-aya mag-coffee? Don't worry malapit lang sainyo.]

Nag-alangan pa din akong sumagot, kasi kelangan kong pumasok ng maaga bukas kaya baka ma-late din ako ng uwe. Hmmm? Di ko kasi masisisi si Dale, masarap talaga siya kasama. Close talaga kami, kasi simula nung nagkahiwa-hiwalay kami nila Leah, siya na yung naging katuwang ko sa lahat ng Challenges sa pagiging Section 1.

[Kai? Ano? Okay lang naman kung hindi e. Maybe, Next Time?]

"Naku! Dale, Wait lang.. Kasi Ano e.."

Naglalakad ako papunta sa Gate ng bigla na lang may bumangga sakin.

"Aray."

Pambihira, babanggain pa ako, alam namang may kinakausap ako. Tsaka at the same time hinahanap ko yung headphone ko.

Kung mamalasin ka nga naman.

Nakatitig lang siya saakin, at ganun din ako sakanya, parehas kaming blanko ang expression. Hawak ko ang cellphone ko at nasa linya pa din si Dale, siya naman may ka-text siya.

"Dale? I'll come. Pick me up."

[Okay, seeyah']

Pinatay ko yung phone ko at ganun din siya.

Sabay kaming naglakad sa magkabilang direksyon.

Huminto ako kasi naramdaman kong huminto din siya, nilingon ko siya at nakalingon din siya saakin blanko pa din ang mga expression namin, at dahil ayokong makita yung pagmumukha niya ng matagal sinabi ko sakanya na..

"Leave me Alone"

Parehas kami ng sinabi.

Hindi ko na siya nilingon, umalis na ako. Mabuti ng maliwanag, di niya ako papakialaman, di ko na din sila papakialaman.

Unless, Ayoko ng kinikilos nila. Try me, Mr. Miguel I won't hesitate.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon