Legal
"Tito." Lumapit si Dylan kay Papa at nagmano.
Tinapik naman ni Papa si Dylan sa balikat niya at naglakad papunta sa direksyon ko.
Kinuha ko yung unan tapos tinakip ko sa mukha ko. Natatakot ako. Sigurado akong alam na ni Papa ang dahilan kung bakit na-Ospital ako.
"Misha?" Sambit nito at hinagod yung buhok ko.
"Pa. Sorry," sagot ko at niyakap ko siya. Kahit na medyo masakit pa din yung likod ko.
"Anak, pakiusap sa susunod wag mo ng uulitin yon ah. Oo, palaban ka pero di sa ganitong paraan." Sambit ni Papa at kumalas sa pagkakayakap saakin.
"Dapat magagalit ako pero naisip ko na walang maitutulong kung papagalitan kita. Alam kong alam mo na kung ano ang tama at mali." Dagdag pa niya.
Naiiyak ako.
Alam mo yung feeling na ang laking tiwala ang binigay sa'yo tapos kung ano ano ang pinagagagawa mo. Tsk
"Papa, Sorry talaga." Niyakap ko uli siya. Natawa na lang siya.
"Tama na, Anak. Nakakahiya sa manliligaw mo oh." Nagulat ako. Paano nalaman ni Papa? Kumalas ako at tinititigan ko si Papa. Nakangisi siya.
Tinignan ko din si Dylan na ngayo'y naka-ngisi ng malapad.
"Nagtataka ka kung paano ko nalaman?" Tanong ni Papa.
Tumayo siya at inakbayan si Dylan.
"Pumunta siya saakin nung isang araw pa. Saktong wala ka dahil na kayla Leah ka, kinausap niya ako tungkol sa panliligaw niya. Pumayag ako kasi alam kong sincere siya."
Napataas ang kilay ko.
"Sigurado ba kayo diyan Pa?" Tanong ko.
"Bakit, babe? Ayaw mo?" Tanong ni Dylan.
Tanging tawa na lang ni Papa yung narinig ko.
"Sigurado ako, Misha. Wag kang mag-alala, Sasabihin ko sa Mama mo."
Nanlaki yung Mata ko.
"Wag na Tito, Pagdating ni Tita ako na po mismo ang magsasabi." Depensa ni Dylan.
"O siya. Sge, may pasok pa ako, Anak e. Magpagaling ka ah? Makakalabas ka naman na mamaya e."
Makakalabas naman na pala ako mamaya. Di man lang sinabi ni Dylan.
"Dylan, Ikaw na bahala ah? Aalis na ako." Hinalikan ako ni Papa sa noo at tinapik naman si Dylan sa balikat.
Tuluyan ng nakaalis si Papa.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Dylan.
"Babe?" Pagbabasag niya ng katahimikan.
"Oh?" Sagot ko.
"Sorry, ah. Kung di ko nasabi sa'yo."
"Ang ano?"
"Yung pagpapaalam ko kay Tito Ken about sa panliligaw ko sa'yo. Gusto ko kasing surprise kaso, eto nga nasabi na." Sambit niya.
Napangiti ako. Hinahawakan niya yung kamay ko ngayon at the same time naka-pout siya.
"Babe, Mian~" at hinalikan niya yung kamay ko.
"O-okay la-lang." Nauutal kong sagot.
"Talaga?"
"Oo, Wala ka namang masamang ginawa e. Tsaka bukal naman yun sa puso mo kaya wag ka ng mag-inarte diyan." Pagtataray ko.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...