Chapter 54

104 4 0
                                    

Prom

Kaira's POV:

Di ko akalain na ngayon na ang araw na to. Araw na pinakahihintay nilang lahat.

Ang Prom

Di naman talaga ako interesado hanggang sa dumating si Dylan sa buhay ko e

"Ready baby?"

"Nae, Ma." Sambit ko at niyakap ko si Mama ng mahigpit.

Miss na Miss ko na siya. Kahapon lang siya dumating, medyo late nga e, kasi na-delayed yung flight niya.

Kami nila Leah ang nagsundo kay Mama sa Airport at dumiretso na kaming Mall. Kahapon din nag-shopping ang pito, nag-text kasi si Dylan saakin tungkol dun.

"Sino ba ang date ng baby namin?" Nakangising tanong ni Mama.

"Si D--" naputol yung sasabihin ko ng biglang sumingit si Papa.

"Si Dale nandito na." Gusto kong magulat ng literal. Pero, di pwede magiging questionable to para kay Mama't Papa, lalo na't hindi naman nila alam.

"Go, baby. Enjoy!" Bati ni Mama at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan naman ako ni Papa sa noo.

Hinatid nila ako sa baba kung saan andun si Dale. Naka-black tuxedo siya at nakataas ang buhok niya. Hindi na siya mukhang bunot. Hahaha Ang gwapo gwapo niya talaga ever since kahit ganun yung istilo niya.

"Hi, Kaira."

"What's wrong sa Alaga thingy?" Nakataas kilay kong tanong.

"Masyado kang maganda para maging alaga ko. Tara ihahatid na kita sa destinasyon natin." Sabay halik sa kamay ko. Pagkatapos nun binigyan niya ako ng Pink na Rosas at Pink na tali sa kamay which is kailangan para ma-identify yung magka-partner. 

Bagay na bagay siya sa suot kong pink long gown. Naka-messy bun ako at naka-make up na lite. Si Mama ang nag-ayos saakin kaya komportable ako.

Sumakay kami sa kotse pagkatapos kaming paalalahanan nila Mama't Papa.

Habang nasa biyahe papuntang venue. Wala akong imik dahil naisip ko bakit hindi si Dylan ang nagsundo saakin, sabi niya kami daw ang partner. Siraulo talaga siya! Humanda siya saakin kapag nakita ko siya mamaya, kakalbuhin ko siya! Di naman sa ayaw ko kay Dale, It's just. Argh ang hirap i-explain.

"Kai, Okay ka lang?"

"Magiging okay lang ako ka---"

"Kapag si Dylan ang Partner mo?"

Natigilan ako. "Hindi! Kapag tinawag mo na ako sa term na 'Alaga' haha"

"Yun ba talaga?" Yumuko na lang ako. Sa totoo lang naiiyak na ako, unang pangako na binitawan ni Dylan to.

Hinagod na lang ni Dale yung likod ko, at nabaling yung atensyon niya sa labas ng bintana.

Napatingin din ako dun at napansin ko yung Bulaklak na nakalagay sa kaliwang bulsa ni Dale malapit sa Dibdib.

"Bakit, Dilaw yang bulaklak mo? Di tayo magka-partner?" Sambit ko kaya napatingin uli siya saakin.

"YES! NAPANSIN MO DIN SA WAKAS!"

Binigyan ko siya ng anong-ibig-mong-sabihin look.

"Ako lang ang nagsundo. Hindi naman ibig sabihin nun ako ang ka-partner mo e."

"Eh, Sino?"

Di na siya sumagot at lumabas na ng kotse, pinagbuksan niya ako inalalayan ako palabas.

"Alaga, enjoy! Text or call if ever. Mahahalagilap mo lang ako agad diyan." Sabay kindat saakin. Sumakay uli siya sa sasakyan at tuluyan ng umalis. Oh, Great! Wala na nga akong partner iniwan pa ako ng akala ko partner ko. Tss

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon