She Likes Me Too
Kahapon pa ako naiinis. Di ko alam kung bakit, hindi naman ako PMS.
Wala na nga ako sa mood nung nasa Yellow Cab na kami e. Nabi-bwiset talaga ako!!!
"Noona?"
"Yes, Ellie?"
"Sabi ni Papa, aalis na daw siya. Bumaba ka na daw po, hatid niyo po ako sa playmate ko."
Sabado nga pala ngayon, masyado ko namang inenjoy yung paghiga ko dito sa kama ko.
"Sge, Ellie. Susunod na ako." Sambit ko at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.Lumapit ako sa salamin at nagsuklay. Di ko sinasadya pero natabig ko yung librong nakapatong dun, at nabuhaghag yung mga litrato na nakaipit dun.
Pinulot ko isa-isa. Mga pictures namin nila Leah, Audrey at Chloe. Nakakatuwa kasi nung bata pa kami magkakasama na kami. Tapos meron pa dun, pictures namin nung nasa bahay kami ni Axel, yung araw na naging sila ni Leah. Tapos meron din nung nag-perform kami ng Play.
Pero may isang bagay na nakaagaw ng atensyon ko. Yung mga crop pictures namin ni Dylan na pina-develop ni Chloe.
"Bagay na bagay talaga kayo."
"I'm gonna ship this two lovebirds!"
"Omygash! DyRa forever!"
Natawa na lang ako sa sarili ko. Tapos naalala ko si Megan.
Naiinis nanaman ako. Bwiset!
De bale na, wala naman akong pake diba? Di ko lang talaga alam kung bakit nararamdaman ko to ngayon. Tsk
Pababa na ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.
From: Dylan
Kai, Here @ the Park, hangout with the gang. Andito na sila Leah, Chloe & Audrey. Ikaw na lang wala, kawawa naman ako? :(
Ignore. Ayoko na, masyado na akong nababaliw, at marami ng pumapasok sa isip ko na imposible namang mangyare.
"Tara na, Ellie?" Inaya ko na si Ellie para ihatid siya sa Playmate niya 2 blks away.
Habang naglalakad papunta dun hindi ako tinantanan ni Dylan. Text pa din siya ng Text.
From: Dylan
Want me to pick you up?
What? The hell No.
To: Dylan
No.
Tipid kong sagot para naman tumigil na.
Pero hindi pa din pala, nahatid ko na lahat lahat si Ellie sa bahay ng kalaro niya. Text pa din ng Text si Dylan kung kelan daw ako darating, Anong oras daw ako pwede. Ano yon? Paano kung 12 mdnght pa ako pwede, Edi magdamag sila dun na mag-aantay saakin. Tss
Huwag ako, galawan ni Miguel e. Masyadong bulok.
"Hey, Ayaw mo ba talaga sumama?" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Yun pala nasa likod ko na siya. Tinignan ko siya, tapos umalis na din ako kaagad.
"Hoy, snobber! Sinusundo ka na nga e!" Sambit niya habang sinusundan ako.
"Sino ba nagsabi sa'yong sunduin mo'ko?! Kasalanan mo yan! Tsaka sumagot naman ako diba?! Malinaw naman na sabi kong 'NO' It means, Ayoko!!"
Hinawakan niya yung braso ko. Dapat pala tumakbo na ako, pero napaka-Oa ko ata kung tatakbo ako.
"Dylan, Ano ba?!"
"Teka nga. Ano bang problema mo? Kahapon ang okay naman tayo ah."
"Kahapon kasi yon! Ibang-iba na sa ngayon!"
Tumalikod na ako, wala naman na siguro siyang sasabihin.
"Oo, Ibang iba na yung kahapon sa ngayon. Parang pag-ibig ko sakanya, Wala na kasi matagal na yon. Hindi tulad ngayon.." Natigilan ako. Napaka-sincere ng pagkakasabi niya non. Ano bang gusto niyang palabasin? Na Umaasa ako na Gusto niya ako?
Psh. Why should I even think of that. Nagiging close lang kami kasi magkakasama ang Tropa lagi. Pero for me to imagine na magkakagusto tong mokong na to saakin, malabo.
"Kaira, Tell me. Anong Problema?"
"Lagi ko na lang ba sasabihin sa'yo? Paano kung ikaw ang Problema ko, Ano? May magagawa ka ba?" Sagot ko.
Masyado ng intense kaya iniwan ko na lang siya kahit di pa siya nakakasagot.
Hays, Nag-iiba na talaga ako this past few days. Ibang- iba na ang kinikilos ko.
Dylan's POV:
Iniwan niya akong nakatunganga dito. Hindi ko na siya pinigilan. Masyado pang maaga para masabi ko lahat. Baka, mapunta lang sa wala tong nararamdaman ko kaya hinayaan ko na lang siya.
"Bakit ba ang hirap mo maliwanagan, Kaira? Hindi ba obvious na.. Gusto kita? Na mahal na kita?" Sambit ko.
Yumuko ako at hinayaan ko ang mga paa ko na dalhin ako sa kung saan man neto gusto. Pero nauwi din ako sa bahay namin.
"Kuya? Why so early, haha." Pang-aasar ni Keith.
"Ssh. Huwag ngayon, singkit."
"Why, masama ba pakiramdam mo?" Hinahagod niya yung likod ko.
"I'm fine." Then, umakyat ako sa kwarto ko.
Nahiga ako sa kama ko at tinext sila Axel na umuwe na ako.
Ilang minuto din nakaramdam ako ng pagkabagot, kaya binuksan ko yung Twitter Account ko.
As usual, madaming Notifs. Puro sila tanong about dun sa pag-hack ko sa Page ng School.
Oo, umamin ako. Bakit ba? Anak ako ng may-ari nun kaya kailangan sabihin ko talaga. Wala naman akong takot e. Para na din sa kaligtasan at katahimikan between me and Kaira.
Habang nagso-scroll ako nakita ko.
Megan Rodriguez will be the exchange student of AHN University for DMU.
What the hell! This is not true! Napatayo talaga ako sa kinauupuan ko.
Sabihin man o hindi ni Kaira alam kong si Megan ang dahilan kung bakit nagkakaganon siya. Di naman sa sinasabi kong may gusto siya saakin pero, baka nga si Megan ang dahilan.
Bakit naman? Di kaya... She really likes me too?
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...