Chapter 44

73 2 0
                                    

Dylan's Love

Kaira's POV:

"Sa susunod wag mo ng gagawin yon ah!"

"Promise!" Tapos tinaas niya pa yung kanang kamay niya.

"Good" then umalis na ako. For sure nasa likod ko lang tong mokong na to.

"Kaira!" Nakita kong tinatawag ako ni Megan. Papunta siya ngayon sa direksyon ko.

Tinignan ko lang siya. Di kami close tsaka kumukulo talaga dugo ko kapag nakakasama ko siya.

"Kaira babe!" Hinila ako bigla ni Dylan. Siniko ko siya ng mahina. "Diba sabi ko wag mo ng gagawin uli?" Bulong ko.

"I need to do this." Bulong niya pabalik.

Napahinto si Megan at hindi na tumuloy sa pagpunta saakin.

Nakasalubong niya kasi yung isa naming kaklase. For sure, sakanya na yun tinanong kung ano man ang itatanong niya saakin.

"See? Effective." Tinignan ko si Dylan na naka-akbay saakin ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?" Tinanggal ko yung kamay niya.

Nag-smirk siya. Sinuntok ko yung braso niya. "Abnormal!" Tapos umalis na ako, wala naman akong mapapalang magandang sagot kay Dylan e.

Asa pa ako? Teka. Umaasa ba ako? Wala naman akong nararamdaman e. Wala ba? Aisssh.

Bahala na.

"F! Mag-rereport na tayo!" Tawag saakin ni Jude mula sa kabilang building. Bunganga talaga neto, kahit pandak parang nakalunok ng Megaphone.

Nag-thumbs up na lang ako tumakbo na ako paakyat ng building namin.

Ayoko talaga sa lahat ang tumatakbo dahil for sure may mababangga ako lalo na kapag nagmamadali.

"Sorry!" Sambit ko, at tinulungan ko siyang mag pulot ng mga folders.

"Okay lang, Salamat, Kaira." Sagot niya.

"Kilala mo a-ako?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo naman, Bea Angela Sy po pala." Then inabot niya saakin yung kamay niya.

Nag-shake hands kami. Ang bait niya, although ngayon ko pa lang siya nakilala. Ang gaan ng loob ko sakanya.

"Boyfriend mo ba si Dylan?" Whattttttt?!

"Crush mo ba si Dylan?" Tanong ko pabalik.

"Nako! Hindi!" With matching iling iling pa. Hahaha

"Sorry, Natanong ko. Baka magalit ka." Natawa na talaga ako ng todo.

"Hindi ko boyfriend yung abnormal na yon. Never mangyayare yun." Depensa ko.

"KAIRAAAAA!!" sigaw ni Jude sa kabilang pinto.

"Sge, Bea. Nice to meet you. See you around na lang." Sambit ko.

Nag-bow siya. "Sge, See yah, Kaira."

Tumakbo na ako papuntang room. Ang haggard ko na. Dumating ako dun at binigay ko yung Report ko kay Jude. As far as I remember ito na yung last report namin dahil next week JS Prom na.

Kaya busy yung anim kakahanap ng magandang timing para maaya yung nga girls na gusto nila i-partner for Prom.

Si Axel for sure si Leah na, ganun din si Ethan dahil may Naomi na siya, si Andrew di ko alam sakanila ni Ate Hazel.

Si Jude busy sa projects, minsan lang mag-seryoso to kaya napaka-clue less kung may care pa siya sa JS Prom na magaganap.

Sa Friday din kasi may Stage Play na magaganap. Required yun kasi last project namin yun sa Values.

Ang daming magaganap na di naman kailangan sa pag-aaral. Sge sabihin na nating JS Prom is twice in a lifetime lang pero para saan pa diba? Paano naman kaming mga walang ka-partner? Tunganga ganun? Kaya pinag-iisipan ko kung sasama ako.

Di ko pa sinasabi kayla Audrey dahil for sure tutol sila sa magiging desisyon ko.

"Ano, F?! Papasok ba si Maam?"

Sasagot pa sana si Jude kaso may nag-intterupt. "Absent daw si Ma'am. "

"Weh? Sayang Effort ko." Pagdadabog ni Jude.

Sayang naman talaga, minsan na nga lang tapos wala pa si Ma'am haha

Naupo na lang ako sa Upuan ko at nagbasa basa.

"Uhm. Kaira?" Tumingala ako at nakita ko si Megan.

"Ah, Yes?"

"Can we talk?" Napaka-seryoso niya. Sa puntong yun, kumakabog na yung dibdib ko.

Tumango na lang ako at sinundan ko siya. Nadaanan namin si Dylan kasama si Ethan at Cyril may kasama silang isang babae na inaalalayan ni Cyril.

Nakalagpas na kami ng hawakan ako ni Dylan sa braso.

Tinignan ko siya. Nakatingin lang din siya ng seryoso saakin at nabaling ang tingin kay Megan. "Kakausapin ko lang siya."

"For What?"

"Basta." Sagot ni Megan.

"Babe.." Nabaling ang tingin niya saakin. Kumunot yung noo ko, bakit ba lagi siyang ganito saakin kapag malapit saamin si Megan.

"Babe, Text or Call me, If ever." Dagdag niya tapos nagulat ako kasi lumapit siya saakin at hinalikan ang noo ko. Nanlaki ang mata ko.

Tinignan niya ako matapos niya gawin yun. Nginitian niya ako..

Nakaramdam ako ng kuryente causing me to turn around para sundan si Megan 

Buong eksenang yun, speechless ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. I need someone to help me, kung ano ba talaga to.

Napadpad kami sa Canteen. Naupo kami sa isang bakanteng upuan na pangdalawahan lang. Pumunta siya ng counter at nag-order ng dalawang Milk Tea.

"Salamat, nag-abala ka pa. Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko.

"About saamin ni Dylan."

Natigilan ako sa pagsipsip. "Anong meron?" Napaiwas ako ng tingin. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito kaso wala ako magawa, I can't control it.

"I know that he loves you so much." Tinignan ko siya.

"What?"

"Well, look. Ibang-iba si Dylan ngayon. And I know it's because of you." Kumunot na yung noo ko. Hindi ko na alam ang sinasabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso mukhang sinundan kami ni Dylan. Wala talaga kaming kawala sa lokong to.

"Eh, Ano sa'yo kung dahil sakanya?" Interrupt ni Dylan.

Tumayo si Megan at iniabot yung kamay niya para makipag-shakehands.

"That's Good for you. I know malaki din ang naging kasalanan ko sa naging relasyon natin pero I'm happy na you find the right one." Binaba na niya yung kamay niya dahil mukhang wala namang balak si Dylan makipag-kamay.

"I'm happy too. Masaya ako kasi this time alam kong tama na ako at hindi na ako masasaktan kagaya ng ginawa mo." Then hinila niya ako palabas ng canteen.

Sa totoo lang naguguluhan talaga ako. Hindi nga ako nakapag-salita kahit isang word lang e.

Mabigat pala talaga ang nangyare sa relasyon nila. Pero, bakit ako sangkot dito?

Nasa Corridor na kami ng bitawan niya ako.

"Dylan? Bakit?"

Napa-face palm na lang siya at lumunok.

"I'm sorry." Di pa din ako natinag gusto ko mag-antay kung may sasabihin pa siyang iba.

"I'm sorry cause I'm inlove with you."

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon