Chapter 18

104 1 1
                                    

Favor

Maaga akong pumasok ngayon. Naka-civilian lang kami pero syempre dapat color coded. As A Senior Student, color blue and kulay ng damit namin para madali kaming ma-diskubre. Habang naglalakad ako sa may corridor, naririnig ko yung mga fangirls ng pito..

"Sana naman, manalo yung team natin tapos si Dylan ang MVP. Kyaaah"

" Sana huwag ng ibangko si Jude, Kaya naman ni Jude-Oppa yun e."

"Ahh, basta I'm sure ang pogi ngayon ni Ethan."

"Lalo na si Cyril. Jusqo! Hihimatayin ako kapag nag-three point shot yun"

"Si Drew-Oppa, waaah! Sayang taken na." 

"Asa, wala kang pag-asa dun, buti pa si Matt, hays"

"G*ga! Aasa ka din? Eh diba, may rumors na may gusto siya dito sa Campus, Si Axel lang ang babantayan ko mamaya."

"Sge, baka masapak ka ng best friend niyang si Leah, kapag ginawa mo yun"

"Kai?!" nagulat ako kaya nabitawan ko yung mga libro ko., masyado na ata akong nakinig sa mga usapan ng mga babaeng yun.Pagkatingin ko si Dale lang pala, "Oh, bakit andito ka pa? Diba dapat magla-last training pa kayo sa gym?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi na-relaize na magka-team pala sila nila Dylan, pero kung mag-practice sila separate days. Napakaarte talaga nung Miguel na yun, Tss.

"I was able to pick you up, kaso.. pinatawag agad kami ni Coach e." pinitik ko siya sa baba, tapos sabay tumawa ako. "Ano ka ba, wala yon. Ayos lang naman ako e" Tinap niya ako sa ulo at hinalikan sa noo. Maraming tao ang nakatingin saamin kaya bigla akong nahiya. Di lang naman yung pito ang sikat dito e, kasama na din sila Dale, Zach at Gavin. 

"sige na, manonood ako ng laro niyo wag kang mag-alala" sambit ko.

"Dapat lang! Magdala ka ng banner ah! Tapos nakalagay 'GO ALAGANG DALE!! ANG GWAPO GWAPO MO!' "  naka-poker face lang ako. Ang baduy talaga niya kapag ganyan siya hahaha syempre ang cute pa din niya, hindi ko yun ipinagkakaila. "Sige na sige na. Pumunta ka na sa Gym" hinalikan niya uli ako sa noo bago tumakbo papunta sa Gym. Pasaway talaga 'tong si Dale.

Papalakad na sana ako ng hallway ng harangan ako ni... "Sam?" Kasama niya yung mga alipores niya at nakapalibot sila saakin, "Dati si Ethan, sumunod si Dylan ngayon naman si Jude? What a Flirt. " I rolled my eyes. Yun lang ba ang kinagagalit nila? Pssh.

"Tabi, dadaan ako." Akmang aalis na sana ako kaso hinila nila ako gamit ang braso ko, tapos tinulak nila ako sa pader.

"Ano ba?! Kung nagagalit kayo dahil dun, wag ako ang pagalitan niyo. Why would'nt you ask the boys. Sila ang lumalapit saakin ,HINDI AKO! TAKE NOTE, HINDI AKO." Sabay kuha ng bag ko at umalis na ako, sinasayang lang nila ang oras ko.

Dahil sa pagmamadali ko di ko namalayan nabangga ko pala si Naomi, "Kaira? Okay ka lang?"

Nag-*Ok sign ako. Tapos umalis na din ako, ayoko ng pag-usapan. Ito na nga ba kasi ang sinasabi kong mangyayareng masama e. Pero may magagawa pa ba ako? Andito na din to?

Pagkatapos kong makarating sa locker nilagay ko sa loob lahat ng books ko at dumiretso ako sa canteen. Bumili ako ng Juice at dumiretso sa Bench. Walang masyadong tao dahil busy para sa mga games mamaya,  10am pa kasi magsa-start ang Tournament. Sigurado akong hati ang tao dahil lahat ng games same time.

Nag-earphone ako para naman kahit papaano mawala lahat ng sama ng loob ko. Di ko alam kung magagalit ako o ano, Hays. Ginusto ko din naman to e.

Tahimik lang akong nagbabasa ng 'Wattpad'. Kaka-Update lang kasi ni Queen A ng Destined e. Natawa ako kasi yun yung part na sinabi ni Keila kay Krystal yung course thingy hahahaha.

"Hoyyyy!" Pangugulat saakin ni Audrey.

"Ayy! Palaka!!" Natanggal ko bigla yung earphones ko sa sobrang gulat. "Auds! Ano ba yan, Huwag ganyan, aatakihin ako sa puso niyan e." Siya naman mamatay matay sa tawa, Tss.

"Sorry na bebs. Ikaw naman kasi nag-iisa ka, asaan na ba yung tatlo mong best friends?" Sa pagkakasabi niya nun. Umupo siya sa tabi ko. Napapoker-face na lang ako.

"Hmm, pakipot pa ang bebs ko." Sabay hawi ng baba ko. "Si Dale, Jude at Dylan ang tintukoy ko. Asaan ba sila? Mamaya pa naman ang game ah."

"Tss, si Dale lang ang best friend ko dun. Si Jude, kaibigan ko lang pero not that close, lalo na si Dylan, pwet niya at magiging close ko siya? Muntikan na nga ak---" di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil napaisip ako na baka kapag nalaman nila Audrey to baka ano nanamang iskandalo ang mangyare. Hays mabuti pang solohin ko na lang to.

"Hey, What? Tuloy mo. Muntikan ka ng ano?" Sambit ni Audrey. Napatingin naman ako sakanya. "Oh bakit, Kai?" Magsasalita pa sana ako ng biglang nag-interrupt saamin si Naomi.

"Ahh.. Excuse me.. Kaira? Pinapatawag ka ni Mrs. Lee" tumayo na ako at tinapik ko na lang sa balikat si Audrey, sign ng paalam ko sakanya. Sinundan ko na lang si Naomi.

"Bakit daw?" Bulong ko kay Naomi. Dumarami na kasi ang mga taong lumalabas tumingin ako sa relo ako, 9:32am na pala. Konting oras na lang at magsisimula na ang Tournament. Kinakabahan ako na ewan, para namang maglalaro din ako o ano, Audience lang din naman ako -_-

Nakarating kami sa Office ni Mrs. Lee. Nakita kong andun si Mrs. Suarez, nagulat naman ako nung ngumiti siya. Simula nung natanggal ako sa Team di ko na siya nakita.

Nag-bow ako sign of respect. Sa totoo niyan may galit pa din sa loob ko. Di pa rin maalis saakin na TINANGGAL NIYA AKO DAHIL LANG NA-LATE AKO.

"Ms. Mendez, please take a sit." Sambit ni Mrs. Lee

Umupo naman ako sa harap ni Mrs. Suarez.

"Ano po bang sadya ko dito, Ma'am?" Tanong ko. Tumawa naman siya at tumingin kay Mrs. Suarez.

"Ahh, Kaira. I need to ask you a favor. " napakunot naman ang noo ko nung sinabi niya yung word na favor. Kinakabahan ako.

"I need you in the Cheerleading team ngayon. Kahit ngayon lang. Please, Sam is not around, we searched the whole campus. Wala talaga, And I know na ikaw lang ang tanging maipapalit ko sa pwesto na yun. Because that's yours. " Di pa rin nagsi-sink sa utak ko lahat ng Favor saakin ni Mrs. Suarez, nalaman ko na lang nakaluhod na pala siya sa harap ko.

Lumabas ako ng kwarto without sign of respect. Hahabulin pa sana ako ni Mrs. Suarez pero di naman ako lumayo. Nag-CR lang ako para naman mahismasmasan ako. Ayoko talaga sa lahat yung binibigla ako.

"Kaya ko ba? Kaya ko pa ba?" Bulong ko sa sarili ko. After ng lahat ng nangyare saakin, All of the sudden na-realize ko. Ito naman ang pangarap ko diba? Andito na bumabalik na.

Napaisip din ako kung saang lupalop ng mundo napunta si Sam. Ngayon pa siya nagloko kung kailan araw ng tournament. Tsk.

Lumabas ako ng banyo at bumalik sa Office ni Mrs. Lee sumilip ako at nakita kong nandun pa din silang dalawa. Huminga ako ng malalim dahil nahihiya na ako dahil sa ginawa ko kanina.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto na nakapukaw naman ng atensyon nilang dalawa. "Ma'am? Payag na po ako."

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon