Chapter 49

80 4 0
                                    

Pakiusap

Kaira's POV:

Grabe ang araw na to. Ang dami masyadong nangyare, buti na lang naihatid ko na si Leah sa Klase niya, si Audrey naman nagpunta na sa Martial Arts Class, samantalang si Chloe naman sa Journ Room.

Di talaga ako makatimpi dun sa babae kanina e. Ang kapal ng mukha niya talaga, nabi-bwiset ako. Pero, sana gawan nila ng paraan, para naman wala ng away.

Naglalakad ako sa Corridor ngayon ng makita ko sa di kalayuang pwesto ang isa nanamang btch kasama ang mga alipores niya.

Nagkukumpulan sila na para bang nagpa-plano sila kung ano dapat ang igaganti nila saamin.

Magtutuloy na sana ako sa paglalakad ng may yumakap saakin mula sa likod.

"Dylan?"

"Babe, wag naman tayong magpaapekto." Di nga ako nagkamali, kumalas ako sa yakap niya at hinarap ko siya.

"Naayos niyo na ba?" Tanong ko.

Hawak hawak niya yung kamay ko.

"Di naman natin kailangan, makasama sa gulo nila e. Naguumpisa pa lang tayo. We just need to distance ourselves from them." Sambit niya.

"Di ba, ang selfish naman ata natin non?" Tanong ko.

Magsasalita pa sana siya kaso nakita namin si Axel na padabog na lumabas ng Staircase.

"Axel!" Sigaw ni Bea na pababa din ng staircase galing sa Rooftop.

Pinigilan ko si Bea at tinanong ko siya. "A-anong me-meron?"

Tinignan niya lang ako ng punong-puno ng pag-aalaa. Di niya ako sinagot, nabaling naman yung atensyon namin kay Axel na papalapit sa pwesto ni Sam.

Nagulat kami ng bigla niyang hinatak si Sam pasandal sa mga lockers.

"Hey, Easy babe!" Sambit ni Sam.

"Woah, Ayaw mo na din ba kay Leah kaya si Sam ang nilalapitan mo ngayon?" Tanong ni Merry

"Shut Up!" Sambit ni Axel.

"Come, babe. Let's go get some room." Aktong hihilain ni Sam si Axel kaso di pumalag si Axel kaya nabalik si Sam sa pagkakasandal.

"Bakit, mo sinaktan si Bea?" Tanong ni Axel na mahinahon.

Natawa si Sam ng mahina, yung sarkastiko. Pero, sinaktan si Bea? Nabaling uli ang tingin ko kay Bea, may sugat nga siya sa gilid ng mukha niya.

Once na sumagot 'tong si Sam na siya nga ang may pakana neto. Di ako magdadalawang isip na sugurin siya ngayon.

"BAKIT MO SINAKTAN SI BEA?!" Makikita mo na galit na galit talaga si Axel.

"Kasalanan ko pa? Bakit ako ba ang lampa?" Nabaling ang tingin niya sa direksyon namin at tinignan si Bea mula ulo hanggang paa.

Naiiyak na si Bea kaya nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Hinagod naman ni Dylan ang likod neto para pakalmahin.

"Haharang harang kasi siya e. Akala mo naman kung sinong tigasin. Ayan, napuruhan sa sariling katangahan" sarkastiko niyang sabi.

Kumorteng kamao yung kamay ko. Bago pa man siya nasaktan ni Axel. Lumapit na ako sakanila.

"Sam!" Nabaling ang tingin niya saakin.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sambit ko sabay sampal sakanya.

Napabitaw naman si Axel dahil nagulat siguro siya.

"Babe!" Sambit ni Dylan.

"Diyan ka lang!" Sambit ko.

Nakahawak pa din siya sa mukha niya, mukhang napalakas ata ang pagkakasampal ko.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon