Chapter 28

102 1 2
                                    

Performance

Dylan's POV:

Ang aga ko ngayon sa school. Naninibago nga si Mommy saakin e. Wala namang bago e, sadyang sinabihan lang kami ni Mrs. Lee na agahan namin.

Oo, namin, kaming dalawa ni Kaira. Yun kasi ang napag-usapan namin nung nakaraang araw na pinapunta kami after class.

|FLASHBACK|

"I'm glad that both of you came." Bati saamin ni Mrs. Lee

Nagkatinginan naman kami ni Kaira. Oo, medyo awkward pa kami ganun ka-Okay kahit na marami na kaming projects na dapat pagsamahan. Pero, siguro Okay na din yun? At least my chance pa akong maging okay kami.

Alam ko kasi na para sakanya, ako pa din si Dylan Miguel na bully, walang awa, mapanakit at marami pang iba.

Pero hindi e. Iba na ako.. Oo, Ibang-iba na ako. Natututo na akong magpakumbaba, gumalang at maawa. Dahil sakanya..

"Bakit po ba Ma'am Lee? May ipapagawa po ba kayo saamin?" Tanong ni Kaira

"Actually, Yes. There is something I want the both of you to deal with it." O diba? Spoiler tong mga teachers na to. Nagandahan lang sa gawa namin ni Kaira nung Tournament, gusto nila kami nanaman gagawa. Tss

"Ano po ba yun?" Tanong ni Kaira, siya na lang ang magsalita. Baka ano pa masabi ko.

"Division for Drama Competition is near. At dahil, wala akong napagawang Acting Project sa Section niyo, namo-mroblema ako kung sino ang ipanlalaban ngayon, dahil sa Tournament naging busy ako, tayo." Explain ni Ma'am.

"So gusto mo pong kami ang maghanap ng pair for the Drama Competition?" Sarcastic kong tanong.

Natawa nanaman siya. I really find her weird e. Saan bang lupalop ng mundo napulot to nila Dad.

Oo na! Ang sama ko pa din, pero di na ako direkta kung mang-ganyan.

"I want you to perform this sequel."

"KAMI?!" sabay naming tanong ni Kaira, at that point nagkatinginan uli kami.

"Yes, I'm sorry Ms. Mendez & Mr. Miguel, kayo lang ang mapgkakatiwalaan ko sa Section niyo although kahit star section kayo, gusto ko kayo ang gumanap niyan."  Sabay abot saamin nung script.

Habang binabasa ko yung script, nanlulumo ang mga mata ko. Bakit? Eh, Love story to e.

"Ma'am. May Division din po kami sa Math. Paano yan?" Pagaalala ni Kaira.

Tumawa nanaman si Mrs. Lee

"Don't worry. Different Dates ang naka-assign saatin. And I already told Mr. Jung about this." Sagot ni Mrs. Lee

"Siguro nga sa Date wala na tayong problema, pero sa Practices meron." Sambit ko.

Mahirap talaga para saamin to dahil may nire-review kami tapos magkakabisado pa kami ng lines. Ano to? Pipigain talaga nila Utak namin? Tss.

"Tinanong ko na si Mr. Jung, dahil hasa naman na kayo sa Matematika, Tues & Thurs lang kayo pupunta kay Mr. Jung, habang M W F naman dito saakin. "

Wala na talaga kaming mai-kontra. Talagang ipinapaubaya na saamin ni Mrs. Lee tong gawain na to.

"Okay, Any Questions? Revolutionary reactions? Done? Wala na? Okay. You can start tomorrow, Goodluck Mr. Miguel & Ms. Mendez" then tumayo na siya sa upuan niya at pumunta na sa Next Class niya.

Andun pa din kami nakatunganga. Wednesday pala bukas kaya kailangan talagang mag-practice kami.

"And by the way. This is a surprise, bawal ng may makakaalam" dagdag pa ni Ma'am at tuluyan na siyang nakaalis.

|END OF FLASHBACK|

Nagulat ako ng may kumalabit saakin.
"Dre, problemado ka?" Tanong ni Matt.

"Hindi naman. Andiyan na ba si Kaira?"

Napangiti naman si Matthew. Mukhang tuko talaga to. Hahahaha

"Mukha mo. Ayusin mo nga yan, ang baduy."

Sinuntok niya ako sa braso ko. "Ulul ka talaga. Itong kagwapuhan ko? Mukhang tuko?" Napa poker-face na lang ako at bumalik yung tingin ko sa blackboard. Natauhan na lang ako uli ng tinawag niya ako.

"Ahh? Dylan?" Napatay ako nun, at nag-bow sakanya kasi nag-bow din siya saakin. "Goodmorning, Kaira." Bati ko.

"Go-goodmorning. Ahh, tanong ko lang, saan tayo magpa-practice?"

Napakamot-ulo na lang ako. Kasi maski ako di ko alam.

"Ah, eh? Di ko alam e. Tanong na lang uli natin kay Mrs. Lee" napa-"Ahh" na lang siya. "Oy, Miguel! Ano yon? Bakit di ko alam yan?" Singit ni Matt.

"Huwag kang pakialamero Matt." Sambit ko.

"Edi wag, Diyan ka na nga!" Sabay alis.

"Sge." Aalis na sana siya ng pigilan ko siya. "Ba-bakit?" Pansin ko lagi na lang siya nauutal kapag kausap ako.

"Sabay tayo mamaya ." nag-*nod na lang siya.

At tuluyan ko na siyang binitawan. Napangiti na lang din ako, Ang sarap sa feeling. Hays

"Tinamaan ako, Tinamaan sa'yoo~" nagulat ako kay Axel. Kumakanta siya niyang habang naka-akbay saakin at sumesegway na para bang lasing.

"Y*ck Dre. Ano? Bading?" Siniko niya ako.

"Lul. Ako bading? Eh, nanliligaw na nga ako. Ahahahaha Guys. Forum!" Sigaw niya. Lumapit naman sila Matt, Andrew, Cyril at Ethan. Si Jude? Sh*t! Wala talaga.

"NILILIGAWAN KO NA SI LEAH! WHOOOOOO!" Sigaw ni Axel nung nagkatipon-tipon na kami.

"Kingina mo, Reyes! Ang sakit sa tenga!!!!" Sigaw ko.

Sumasayaw-sayaw pa din siya na parang buang. Nakita ko si Kaira na naka-ngiti. Siguro masaya din siya para kay Axel at Leah.

Ako din masaya ako.. Masaya ako kasi alam kong malapit na din yung tamang panahon na makakasiguro na ako.

Sa puntong yun nag-bell na at magsa-start na yung klase.

|TIME SKIP|

"Ano? Tara na?" Nagulat ako kasi nagliligpit pa ako nun ng biglang lumapit si Kaira saakin. Nginitian ko na lang siya at tumango ako.

"Alaga! Aalis muna ako saglit ah" sambit niya kay Dale sa di kalayuang pwesto.

Napakunot noo naman si Dale, at lumapit sakanya. Hinawakan siya sa dalawang kamay niya. "Saan ka nanaman pupunta ah? Pusang gala ka talaga."

Napabelat-pose si Kaira at kinurot niya si Dale sa Ilong.

"Ikaw, Asong tumatahol ka nanaman. Hahahaha" para lang akong poste dito sa harap nila.

"Di nga. Seryoso? Saan?" Sumeryoso na yung mukha ni Dale.

"Kay Mrs. Lee, itatanong lang namin ni Dylan kung s---"

"Kung sino yung pinapahanap niya." Di ko na pinatapos si Kaira. Naalala ko kasi yung sinabi ni Mrs. Lee na surprise daw to at dapat walang makakaalam.

"Sge Una na kami." Dagdag ko pa.

Hinila ko na si Kaira pero natigilan pa din siya. "Be careful, Okay?" Tapos hinalikan niya ito sa noo. Aish ayoko ng tumingin. Natutusok mata ko.

"Dylan, si Kaira."

"Ako bahala."

Sambit ko. Ngayon, ako naman ang po-protekta sa'yo. Habang hindi siya yung kasama mo.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon