Practice
Kaira's POV:
"Ayyy. Ano ba to?" Napaface palm na lang ako.
"Okay ka lang ba? Sabihin na lang kaya natin kay Ma'am, na hindi natin kaya." Suggest niya.
Napatayo ako. "Nako. Hindi noh, kering-keri ng powers ko to. Huwag mo'kong gayahin sa'yo!" Inirapan ko siya at patuloy na ako sa pagkakabisado.
"Tss. Hanggang ngayon ang sungit sungit mo pa din." Sambit niya.
"Bakit? May nagbago ba?" Tanong niya.
Napatigil siya. "Wa-wala. Wala naman, Bakit?"
"Wala din! Tss"
"Edi Wala!" Tapos inirapan ko ulit siya. Ano siya feeling close? Porket magka-partner kami dito? Wag siya ah! Dapat kasi si Dale na lang e.
Nag-kabisado na lang kami at di na kami nagiimikan.
Nagulat kami ng bumukas yung pintom
"Okay. Ms. Mendez & Mr. Miguel. Let's take."
"Let's take na agad Ma'am?! Wala pa po kami sa kalagitnaan ng story" sambit ni Dylan.
Yung story kasi, nagmamahalan si Cecille at Franco, (Ako si Cecille at si Dylan naman si Miguel) pero di ito alam ng Ina ni Cecille, sa di inaasahang pagkakataon nadakip ng mga Pari ang Tatay ni Franco, at sa kulungan yun ay namatay pero naabutan pa nila ito, di nagdalawang isip si Franco na hanapin ang gumawa sa kanyang ama neto at patayin sila. Akala ni Cecille na hindi na siya babalikan ni Franco, dahil ipinagkayari na siya ng kanyang ina kay Eduardo. Pero, sa bandang huli sa araw ng kasal nila, dumating si Franco na sugatan at parang babawian na siya ng buhay. Humiling si Franco sa Ina ni Cecille na ikasal dito, pumayag naman ang Ina neto at si Eduardo. Pagkatapos ng seremonya ng kasal, tatayo si Franco na para bang walang masakit sakanya at tuluyan ng itinanan si Cecille.
"Let's start?" Sambit ni Mrs. Lee habang nakaupo sa harap namin. Nasa Theater kaming dalawa ni Dylan.
Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong choice, I mean kami. Wala naman dapat kaming ikabahala dahil sabi ni Ma'am, Ayos lang daw kahit Adlib na lang, basta alam yung sunod-sunod na pangyayare.Sa totoo lang wala akong alam sa mga acting na to. First time ko to, seriously. At kung mamalasin ka nga naman, si Dylan pa ang kapartner ko. -_-
Sinimulan ko sa pag-sasayaw kasabay ang magandang tunog ng musika. Kasunod nun ang paggulat saakin ng character ni Dylan.
Tumigil ang musika. "Kamusta ka, aking Cecille?" Aktong magugulat naman ako. "Nako. Aking mahal, ba-bakit a-andito ka?" Acting as if nahihiya ako.
Lumapit pa siya saakin. Causing me to move backwards. Wala sa script to pero para saakin mas mabuti pang gawin ko to.
"Namiss kasi kita." Sabay abot saakin ng Rosas. Wow! Wow talaga, pinaghandaan niya siguro talaga to.
Kinuha ko yon at inamoy at nag-arte na para bang kinilig ako.
Pero syempre, hindi talaga ako kinilig.
"Anong pinagkakaabalahan ng aking mahal?" Sabay yakap saakin, It's a sweet backhug. Shet! Dylan, why are you doing this?
Nanlaki naman ang mata ko. Nawala ako sa linya. Natulala ako, pero hawak hawak ko yung kamay niya sa may tiyan ko.
"Kaira?" Natauhan na lang ako ng tawagin ako ni Ma'am Lee.
"Ma- ma'am?" Bumitaw na si Dylan sa pagkakayakap saakin.
"What happened to your line? Pero, nevermind. The scene is good. Keep it up. Basta, next time be sure na memorize mo na." Nag-bow naman ako kay Ma'am Lee.
"Next Scene?" Ito na yung scene na namatay na yung Tatay ni Franco.
"Walang awa ang gumawa sa'yo neto Itay! Sa Ngala ng iyong kaluluwa, papatayin ko sila!" Sabay taas ng kamao niya.
Ang part ko dito ay ang pakakalmahin lang siya. Bilang, kasintahan yun naman talaga ang ginagawa diba?
"Mahal kong Franco, tama na. Kalma ka lang Mahal ko." Sambit ko na may halong pag-aalala. At niyakap ko siya, backhug. Nagulat na lang ako ng bigla siyang humarap saakin at niyakap niya ako ng tuluyan.
"Salamat, mahal ko. Salamat at nandito ka sa tabi ko." Sambit niya.
"Cuttt!!" Sigaw ni Mrs. Lee "that was absolutely great! Ilove it Dylan. Keep it up" papuri ni Ma'am.
"Next scene"
Nagpractice kami ng nag-practice. Minsan lang kami maka-take ng dala-dalawang beses kasi ang galing talaga ni Dylan.
"Ver impressive the two of you ah. Next, the last scene please?" Yung last scene.
Last scene, na hindi ko pa masyadong maklaro. Ang hirap naman kasing mag-practice na kaming dalawa lang at wala pa yung ibang cast. Hays, ibang klase din kasi to si Ma'am e.
"Mahal na Mahal kita, Cecille. Mahal na Mahal." Huling linya ni Dylan na nakapag-pagaan ng loob ko dahil tapos na ang storya.
"Very good. Hmm? One last thing. Would you mind kissing her at the cheeks for more sweetness Dylan?" Akala ko tapos na. Pero, takte! Yan ang di ako papayag. Huhu
"Take two." Take two? Take two? Shet! Gagawin na ngayon? Asdfghjkl.
"Mahal na Mahal kita, Cecille. Mahal na Mahal" nakatingin lang ako sakanya. Ngumiti siya, kakaibang ngiti na para bang lulusawin ka. Palapit na siya ng Palapit. Nagkadikit na ang ilong namin.
Pumikit na lang ako. Magdidikit na kaso... "Cutttt!" Hay salamat! Praise the lord!
"Save it for the competition. Haha, Good day Ms. Mendez & Mr. Miguel"
Tumayo na si Ma'am at lumabas ng Theater. "*sigh" sambit ko.
"Ayos ka lang?" Tumingin ako sakanya. "Oo. Bakit?" Sarcastic kong tanong.
"Nag-enjoy ka?" Paalis na sana ako kaso narinig ko siyang sinabi yun. "Ano?! Ang kapal din pala ng mukha mo noh! Wag kang feeling Dylan ah, Proyekto lang to." Sagot ko. Aba, matindi siya ah!
"Okay. Goodluck" then nilagpasan niya ako at tuluyan ng umalis ng Theater.
"Abnormal" bulong ko.
Onting araw na lang din matatapos na to dahil mauuna to bago ang Math Division. Onting araw na lang, matatapos na ang kahibangan na to.
Pero, nag-improve si Dylan. Totally, improved. Di ko alam kung bakit? Hmm.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...