Chapter 42

77 2 0
                                    

Problems

Kaira's POV:

Naglalakad ako sa corridor hays, alam kong malapit na matapos yung school year pero feeling ko 8 months pa bago mangyare yun, nakaka-haggard pa din.

"Sorry" nakatingin lang ako sakanya.

Natigilan ako, nakaramdam ako ng guilt kasi after all this time, may mga bagay pa din pala akong dapat ayusin.

Nilagpasan niya ako, pero hinawakan ko yung braso niya.

"Not now, Kaira. I'm busy" then bumitaw siya.

Ano bang problema niya? Ganun na lang ba talaga kabigat yun para ganituhin niya ako? Wala nga akong alam kung anong dahilan tapos ayaw pa niyang linawin.

Masyado ng nagiging malabo si Dale ngayon. May iba talaga e

"Bebs! Kilala mo na yung exchange student sa section niyo?" Tanong saakin ni Audrey, hingal na hingal siya.

Umiling-iling ako. Sabi kasi ng iba na-announce na sa Social Media pero di ko nakita kasi hindi na ako masyadong active e.

"Malalaman na mamaya. I-chika mo saakin ah haha, bye bebs!" At tuluyan na niya akong iniwan.

Wala akong gana ngayon, takte!

Naglakad na lang ako papuntang room. Pagpasok ko as usual, nakita ko yung pito nagkakagulo.

Umupo na lang ako sa upuan ko.

"Pst"

"Ano?"

"Wala."

"Edi wala"

"Sungit" bulong niya. Napalingon ako sakanya ang gulo din niya eh noh? Tss, malamang si Dylan yan e, kailan pa kaya hindi gugulo?

Nagsalpak na lang ako ng earphone hanggang sa dumating yung Adviser namin. Kasama si..

"Okay, Goodmorning Class! Today I will introduce the exchange student of AHN UNIVERSITY, Ms. Megan Rodriguez" nag-bow siya.

Di ko akalain na siya ang magiging exchange student, siya ang kapalit ni Sunny.

"Be good to her because, she'll stay here for one week."

Nag-'opo' naman yung mga kaklase ko. Ako, mas lalo akong nabagot. Tinitignan ko siya, nakangiti siya at nakatingin sa iisang direksyon, lumingon ako, hindi nga ako nagkamali, si Dylan nga ang tinitignan niya.

Blanko lang ang expression ni Dylan, parang wala siyang pakialam na nandito yung ex niya. Palibhasa kasi Playboy.

"You may now take your seat" naupo siya sa tabi ni Dylan, si Sunny nga pala ang katabi ni Dylan.

Nagbubulungan naman yung anim. Kainis naman, ganito na ba talaga ka-pangit tong araw na to? I wish na sana bumilis ang oras, ayoko ng makita siya, lalo lang akong naiinis, hindi ko alam kung bakit.

"Hi, I'm Samantha. Nice to meet you, Megan" iniabot niya yung kamay niya pero tinignan lang ni Megan yun at nabaling uli ang tingin sa pisara. Natawa na lang ako, naghahanap nanaman ng alipores ang btch.

"What's funny, Ms. Mendez?"

Napalakas ata ang tawa ko. Nilingon ko uli si Sam at nakataas na yung kilay niya with matching smirk. Inirapan ko siya.

"Nothing Ma'am." Onting hiya naman Kaira, please?

As I requested, bumilis ang oras at isang subject na lang magu-uwian na. Lunch namin ngayon kaya nasa canteen kami.

Wala si Leah, Walang Audrey at lalo namang Walang Chloe. Mag-isa ako, nakikita ko na nasa iisang table si Dale, Zach at Gavin, kasama yung ibang members ng Cheering Squad.

Ang saya ng bestfriend ko, sana ako ang dahilan pero parang ang labo. Di kami Okay dahil sa isang dahilang hindi ko alam. Sana bigyan mo na ako ng chance maayos to. Malakas ang hinala ko na ako ang dahilan dahil hindi niya ako pinapansin.

Bawat araw tuloy lalong bumibigat ang pakiramdam ko, Which means yung guilt.

"Ang lalim ng iniisip niya."

"Ay kalabaw!" Sigaw ko, paglingon ko yung lima. "Oo, maliit ako pero hindi ako mukhang kalabaw, F!" Depensa ni Jude.

"Kayo naman kasi e, pasulpot-sulpot na lang kayo bigla." Pagtataray ko.

"Kaysa naman hawakan ka namin sa braso."

"O eh bakit, hindi na lang ganun yung ginawa niyo?"

"Edi, nagulat ka pa din. Walang pagbabago, Kaira." Sagot ni Ethan.

Wala si Cyril dito, dahil nasa table siya nila Samantha. Yuck! Kailangan na talaga maliwanagan tong si Pangilinan. Nakikisama siya sa mga btch. Samantalang, si Dylan naman nasa counter pa at umo-order.

"Dapat sinama mo na si Naomi, Ethan. Edi sana hindi ako one of the boys, nakakahiya oh" sambit ko.

"Andito ako Kai. Haha" biglang sulpot ni Naomi

Thank God. Haha Di ako pagkakaisahan ng mga abnormal na to.

"Our order is here." Singit ni Dylan, seryoso, manlilibre ba siya ngayon? Bakit ang dami neto? Hindi man lang ako na-inform edi sana hindi na ako bumili ng pagkain.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Birthday ko. Haha"

Napa-poker face na lang ako.

"Joke lang, haha. Nanalo kasi si Keith sa isang competiton. Binigyan kami ni Mom ng allowance kasi nanalo siya dahil saakin, libre ko yan sainyo." Sabay kindat.

"Okay." Tapos bigla kong hinablot yung mga pagkain na dinala niya. Hinati ko para saaming lahat.

Sa gitna ng kainan, at tawanan, "ehem? Pwede maki-join?"

Nakita ko nanaman siya. "Sge, Meg umupo ka." Aya ni Andrew.

Umusog siya onti para makaupo si Megan. Dapat sa tabi ni Dylan siya uupo pero tumayo si Dylan at pinaurong si Jude pakanan, at tumabi saakin.

"Kamusta ka naman?" Tanong ni Matt.

Sasagot pa sana siya kaso nagulat kami sa ginawa ni Dylan. "Kain ka pa." Sabay subo saakin ng isang kutsarang Ice cream. "Babe, kain ka pa, bawal magkasakit." Sinubuan niya uli ako. Hinahampas ko na siya sa hita niya, pero tumatawa lang siya.

Ano nanaman bang pakulo mo Miguel?

"O-okay na-naman. Kayo?" Sagot ni Megan na naiilang tumingin saamin.

"Okay din kami. Namiss ka na--"

"Guys! Di ako makakagala. May pupuntahan kami ni Kaira babe e" sabay akbay saakin. Kinurot ko na yung hita niya pero parang hindi naman siya nasasaktan.

Magsasalita pa sana ako pero pinainom niya ako ng juice. Tapos akala ko hinalikan niya ako sa pisngi, pero bumulong lang pala siya na sumakay na lang daw ako sakanya.

"Ang sweet niyo naman" seryoso ba siya? Nase-sweetan siya saamin ni Dylan. The fvck!

"Kami pa ba?" Pagmamayabang ni Dylan tapos binatukan naman siya ni Jude.

"Aray! Bakit, totoo naman diba?! Kaira babe?!" Tumawa na lang ako.

Naputol din yung pagtawa ko ng biglang nagdabog si Cyril, at sinipa yung bakanteng upuan. Nagulat naman kami agad. "Bee! Wait! You don't understand!"

"Just shut up! Not now, Sam." At tuluyan ng umalis si Cyril. Sinara niya ng malakas yung pinto.

Hahabulin pa sana nila Matt si Cyril pero pinigilan sila ni Andrew.

"Anong nangyare?" Tanong ni Naomi.

Tinignan ko si Sam ng masama, tinignan din niya ako ng masama.

Kung ano man yung dahilan kung bakit nagalit si Cyril, alam kong may kinalaman si Sam don.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon