Chapter 22

97 1 1
                                    

A Brother's Advice

Dylan's POV:

Dahil sa nakita ko nag-init agad ang dugo ko. Sira na talaga ulo ni Jude. Bakit niya ginaganun si Kaira alam naman niyang kagagaling lang sa di magandang kondisyon yon.

Nasa Rooftop ako ngayon. Oo, madalas ako dito tumatambay kapag ayokong may makakasalimuhang tao, at kapag may problemang dinadamdam.

Sa totoo lang di ko naman dapat intindihin si Kaira e. Diba dapat masaya pa ako? Kasi gusto ko maging kawawa siya. Bakit ganito, may kung ano akong nararamdaman.

Siguro nga kailangan ko ng itigil to, As soon as Possible.

"Inom ka muna. Malalim iniisip mo e" pagtingin ko si Axel lang pala. Iniabot niya sa akin yung isang can ng rootbeer.

Kinuha ko naman yun at ininom, tumabi siya saakin at tumingin sa malayo.

"Hey, Dre. Tell me, what's wrong?" Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko na ba talaga kung ano ang mali? Kung ano ang problema?

"Nothing Dre. It's just ...I really don't know what is the problem"

"Eh, bakit ganun umasta si Jude? Alam kong never pa kayong nagka-ganon. Ngayon lang"

Yinupi ko yung Can ng Rootbeer. "Kasalanan ko naman e." Sambit ko

Tinignan ako ni Axel. Sign na dapat magsabi na ako.

"Alam niyong ako ang kumausap kay Samantha right? Para makabalik si Kaira sa Team kahit isang araw lang. Di ko alam kung bakit ganiwa ko yun. I know It's weird, pero I feel something that I don't understand."

Tumawa siya. Tumawa ng malakas.

Sinuntok ko siya sa braso niya.

"Eh, wala ka palang kwentang kausap e" aktong tatayo na ako para umalis pero pinigilan niya ako.

"Alam kong di mo pa alam na alam ko na."

Napa poker-face na lang ako. Umaandar nanaman pagka-alien ni Axel.

"Okay, Dylan. Let's make this straight. Arraeso?" Hinarap niya ako sakanya at naging seryoso yung mukha niya.

"You need to stop this now. Hindi na maganda to, onti onti ng nawawala loob ni Jude saatin. You know that? Nakita ko siya na kasama sila Dale, Gavin at Zach papunta sa Gym."

Nag-smirk ako. "Ang bading mo Dre. Nagseselos ka? Tss. Sumbong kita kay Leah ah"

Pinukpok niya yung ulo ko. "Ulul. Magseryoso ka naman, dre!" Nag-peace sign ako at pinagpatuloy ko siya sa pagsasalita.

" Alam kong nagagalit ka hindi lang dahil kay Kaira, dahil din kay Jude. Dahil nga diyan sa nararamdaman mo. Di mo pa man masigurado pero I think, Somebody replace Megan here." Sabay turo sa puso ko.

"Maging sigurado ka. Yun lang, kasi I think ito na din ang way para magbago ka."

Magbago ka?

Magbago ka?

Magbago ka?

Magbago ka?

Magbago ako? Ito yung way para magbago ako?

Napangiti na lang ako. Baka sakali nga magbago ako. Hindi lang ako kundi lahat ng nasa paligid ko.

"So, Ano na? Tatambay na lang ba tayo dito? Akala ko ba magbabago ka na? Bakit magcu-cutting ka nanaman? Tara na! May Math Quiz pa tayo!"

Bago kami makaalis, pinigilan ko muna siya "Thanks Dre." Sabay yakap. Isang Manly Hug. "Walang anuman, Bro."

"Bro?"

Napangiti siya "oo, you are more like a Brother to me. Kung wala ka, baka wala na din ako atsaka si Kuya "

Pagkatapos nun tuluyan na kaming bumaba.

---x---

"Okay, Pass your papers, Finish or not Finish!" Sigaw ni Mr. Jung, Math Prof namin.

Pinasa ko na yung akin.

*kring! kring!*

Gusto ko talagang makapasok ng Division. Kahit na may kakayahan ako sa Math, di ko lang pinapakita, dahil spoiler yung ibang Teachers dito.

Kapag magaling ka Iyo na lahat.

"Oh shocks." Narinig ko siya. Sinilip ko kung ano ang nangyare, pinahawak pala ni Mr. Jung sakanya lahat ng research papers na pinasa sakanya ng kabilang sections. Di naman siguro niya sinasadya, pero nahulog niya at kumalat yung mga papel.

"Ms. Mendez! What have you done?!" Sigaw ni Mr. Jung, ang lupet talaga ni Mr. Jung

"Mianhe, Mr. Jung" napa-rolled eyes na lang si Mr. Jung

"Ayusin mo yan!" Sabay iniwan si Kaira sa Daanan.

Ewan ko ba, pero may parte saakin na gusto ko siyang lapitan at tulungan. At yung parteng yun dito saakin ay buong-buo.

"Let me help you." Sambit ko. Wala naman sa paligid yung anim e. Ako lang ang nag-pasya na sumali sa Math Quiz.

"Ah e-eh? Wa-wag n-na. Kaya ko na to"

Walang hesitation, pinulot ko na din yung iba pang nakakalat.

Natapos din kami at ibinigay ko sakanya yung mga nakuha ko. Nag-bow siya saakin. Nanlaki naman yung mata ko. First time niyang mag-bow saakin.

"Kamsahamnida"

Tumango na lang ako kasi bigla naman siyang naglakad palayo. Kakaiba siya.

Nakita ko kahit malayo na siya, sinalubong siya ni Dale at tinulungan sa bag niya. Inakbayan siya at.. at..at... Lumingon dito saakin. O__O.

Nakatulala lang ako, mahirap mag-assume kasi baka masaktan ka lang. Hindi pala 'Baka' masasaktan ka talaga.

"Hey, Dre. How's the Quiz? Dre? Dre? Dre? DYLAN MIGUEL!" Sigaw ni Axel sa tenga ko.

"Sh*t! Yung ear drums ko. Wasak na!" Sigaw ko pabalik.

"Nakita kita kanina. Tinulungan mo siya. I see the Change on you. Nakanang!" Sabay hampas sa braso ko.

"Aray ko ah. Yung muscles ko. Naapektuhan."

"Saan? Sus! Mas malaki muscles ko."

Binatukan ko siya. "Huwag kang Ano, Reyes. Miguel to! Papalag ka pa ba?"

Itinaas niya yung kamay niya ibig sabihin surrender na siya.

"Pero proud ako sa'yo Dre. Sinusunod mo'ko. Hahahaha"

"Your more like a brother. And I trust you. 'Cause you really know me." Napangiti na lang siya.

"Tama na 'tong kadramahan natin. Tara na sa Canteen. Nag-aantay na sila Ethan"

Inakbayan niya ako papuntang Canteen pagkatapos ng Lunch, last subject na lang at uuwe na din kami. Makakapag-pahinga na din at makakapag-isip.

Salamat talaga, Axel. Thanks for a brother advice.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon