Chapter 35

100 2 1
                                    

Quality Time

"Kaira? Are you okay?"

"Ahh... Opo, opo. O-okay lang ako."

Wala talaga ako sa sarili ko ngayon dahil iniisip ko pa din si Dale.

"You know, we should take a break." Yaya ni Mr. Jung

"Be back after 45 minutes." Dagdag pa niya. Lumabas na si Mr. Jung, nauna pa siya saamin ah, haha

"Hey, F? Okay ka lang?" Alalang tanong saakin ni Jude.

"Okay lang ako. Sige na mag-break na tayo." Sagot ko habang hinihimas himas ang noo ko.

"Break agad, hindi pa nga tayo?" Sagot naman ni Dylan. Aba, adik to ah.

"Woah! Easy dre hahaha" sumabat pa tong si Jude. Binigyan ko siya ng deadly glare.

Tinaas naman niya yung dalawa niyang kamay na ang ibig sabihin surrender na siya, sabay takbo palabas ng room.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Dylan pero nabasag din to, ng magsalita siya.

"Tara na nga. Lilibre kita." Di ako tumayo. Tinatamad pa talaga ako. Hays

"Tara na" sabay hawak sa kamay ko.

Lumabas na kami papuntang canteen.

"Alam mo Dylan, busog pa ako e."

Di pa din siya umimik, hawak pa din niya yung kamay ko. Sht, ang daming taong nakatingin -_-

Ako na mismo ang bumitaw.

"Oh, bakit?"

"Anong bakit?! Adik ka ba?! Holding hands?! Ano tayo, mag-on?!" Sagot ko.

Napangiti na lang siya. May saltik na siya, Emeged.

Pumasok kami sa Canteen, ang daming tao. Nakasalubong pa nga namin yung tropa niya e. Kasama nila si Jude.

Sinundan ko lang siya. "Manong, dalawang Ice cream po. Kayo na po bahala sa Flavor. (: Salamat po." Nagbayad siya at naglakad papunta sa pinaka-malapit na lamesa.

Sinitsitan niya ako para pumunta dun. Pupunta ako, Okay? Kailangan pa din bang sumitsit? Di ako Aso Tss.

Bago pa man ako makaalis sa pwesto kong yon. Narinig ko yung usapan nung Manong na nagpe-prepare ng Ice cream namin, kausap niya yong asawa ata niya?

"Nakakapanibago si Dylan noh?"

"Oo nga, pero mas mabuti ng ganyan siya."

"Tama, gusto kong pasalamatan yung taong nakapag-pabago sakanya."

Di ko na narinig yung iba kasi, naglakad na ako papunta sa lamesa na kung saan nakaupo si Dylan.

"Ang bagal mo, sungit." Inirapan ko na lang siya at nagsaksak ng earphone sa tenga ko. Wala akong time para pakinggan yung mga stupid stories na meron siya.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hablutin yung cp ko.

"Oyy! Badtrip to oh, balik mo na." Pero di ko maabot kahit na tumayo ako, ang haba lang ng braso niya .

"Dylan naman e. Nakakahiya na. Ang dami ng nakatingin saatin."

Tumawa siya. "Malamang, marami talagang titingin, may mga mata sila e."

Napa poker-face na lang ako. "Wow. Joke yon? Tatawa na ba ako?"

"Sino to?" Sht. Gallery ko pa talaga tinignan niya

Bakit ganon, kapag hihiram yung isang tao ng cellphone gallery unang tinitignan nila. Wala naman diyang porn or something puro lang BTS Ang na sa loob ng Gallery ko.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon