Chapter 16

99 5 0
                                    

The Start

Inaabot niya saakin yung kamay niya. Nakatingin lang ako dun, di ko alam, may parte saakin na gusto ko siyang maging kaibigan. Pero, alam ko naman kung anong kalalabasan neto e. May war between saamin ni Dylan, and I know na malalaman din naman ng buong campus ang friendship between saamin ni Jude kung sakaling tatanggapin ko man. "So, Ano? Friends?" Tanong ni Jude. Bumalik na ako sa reality na kaharap ko nga pala siya ngayon. "Ah, Ju-jude?" Binaba niya yung kamay niya. "Alam kong natatakot kang maging kaibigan ko dahil, sikat kami, at war kayo ni Dylan who happens to be my best friend." Yung totoo? Nabasa niya ba yung mga iniisip ko kanina? "I'm sorry" sambit ko. Tinalikuran ko siya para bumalik sa ginagawa ko. "You know what, Kai? Wala namang mangyayareng masama e. Magiging magkaibigan lang naman tayo. " natigilan ako. Seryoso ba siya? Walang mangyayareng masama? Di pa nga kami magkaibigan, ang dami ng nangyare dadagdag pa siya? "Don't you just give me that look. Wala akong matatanggap na sagot sa mga titig mo." Lumapit siya saakin at iniabot ang kamay niya for the second time. Napabuntong hininga na lang ako. "You know what. I want to become your friend. Because, you are more like Axel and Dale. But, I know it won't happen because of some issues pointing at me." Yumuko siya at ibinaba yung kamay niya papunta sa bulsa ng pants niya. "But, wala namang mawawala if I try?" Iniangat niya yung ulo niya at ngumiti na para bang wala ng bukas.

Napangiti na lang din ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti na lang din ako. Nagulat lang ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya ako "Thank you. Thank you, nagkaroon din ako ng chance." Pumiglas ako sa pagkakayakap niya. "Sorry, Kai." Sabay peace sign. At bumalik na kami sa trabaho. Di ko alam kung magiging maganda ang kakalabasan ng journey ng Friendship namin ni Jude, pero may magagawa ba ako? Andito na din naman ako.

----

"Hays. Sa wakas natapos din natin" sambit ko. Halos, 2 oras kami dito sa building na to. Nakakapagod at the same time nakakagutom.

"I-report na natin kay Mrs. Lee?" Tanong ni Jude. Paalis na sana kami kaso may naalala ako. "Wait, Are you damn serious? Si Dylan ang partner ko dito. Baka magka-issue tayo sa Classroom. Besides, kayo ni Matt ang partners diba? Tapos na ba yung inyo?" Nginitian lang niya ako. Akala ko di niya ako sasagutin, "Haha, Opo. Tapos na kami. Eh, ano naman? Sabihin nating tinulungan kita. Hah! Matulungin ata si Jude Andrei Montenegro?" I gave him a 'cut it out' look. Mahangin din to e.

"Halika na." Sabay hila saakin papunta sa Office ni Mrs. Lee. 

--

"What Happened, Mr. Montenegro?" tanong ni Mrs. Lee habang nakaupo sa kanyang upuan. "Ma'am, we already finished it. That's what happened." Napa-pokerface na lang si Mrs. Lee, Alam kong ayaw niya pinipilosopo siya ng isang estudyante kaya siniko ko si Jude. "Ah, Ma'am? Si Jude po kasi ang tumulong saakin dahil wala po si Dylan. Busy po siya with something" sambit ko. Bakit ba hindi ko na lang kaya sabihin yung totoo? yung totoong war kami kaya hindi niya ako sinisipot. "Aww. is that so?" Tumayo si Ma'am, at inikutan ako. Yumuko na lang ako dahil naiilang ako, nagulat lang ako ng biglang hawakan ni Jude yung kamay ko. " Then, Go. What are you waiting for? " sabi ni Mrs. Lee, nag-bow na lang kami pareho ni Jude at tuluyan ng umalis sa loob ng opisina ni Mrs. Lee, alam kong alam na din ng mga teachers ang tungkol sa war namin ni Dylan and even saamin ni Sam.

Pati Teacher's chismosa. Tss

"So, saan mo gusto?" Natauhan na lang ako bigla nung nagsalita si Jude. "A-a-ano?" Badtrip nauutal nanaman ako. "Diba, ililibre kita ng Lunch?" Nag-*nod na lang ako. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at nagulat ako..

24 missed calls. 32 messages.

Lahat galing kay Dale. O sh*t. Nakalimutan ko nga palang mag-text sakanya gaya ng sinabi niya kaninang umaga. Si Jude kasi e. Hahahaha, sinisi pa si Jude e.

"Wait lang ah." Excuse ko kay Jude. Lumayo ako ka-onti dahil tatawagan ko si Dale. Bago ko pa man ma-dial yung # niya. Tumawag na siya saakin. "

"Hello?" Sagot ko.

[Kaira! How come hindi mo sinasagot mga tawag or kahit mga texts ko?! Where are you?!]

"Hahahaha, Alaga, Easy lang, Oks?"

[Easy? Are you nuts? Paano ako magiging Easy kung di ko alam kung anong nanagyayare sa'yo?]

Here comes the Overacting Dale again.

"I'm fine, Okay? Don't be mad. I'm just busy. "

[Okay, fine. I know I'm Overacting again. Next time, Kaira Okay? Next time can you just squeezed your phone. Hindi yung laging nasa bulsa mo lang tapos naka-silent mode pa.] Best friend ko nga siya, alam niya yung mga ginagawa ko e.

"Sorry, Alaga. Hahahaha" tumawa ako kasi parang nakikita ko yung mukha ni Dale ngayon.

[Meet me. Let's go grab some lunch.] Lu-lu-lunch? Sh*t. Paano ko saaabihin, teka? Bakit ba ako natatakot? Kaya ko to. Besides, maiintindihan naman ako ni Dale e.

"Ahh? Dale? I can't." Mahina pero alam kong rinig niya. Di siya sumagot, meaning kailangan kong ipaliwanag sakanya.

"Kasi, I'm joining Jude for lunch."

[What? Jude? Who's Jude? Jude Andrei Montenegro?]

"Yeah. You know, di kasi ako sinipot ni Dylan dito sa last project namin"

[You mean, si Jude ang tumulong sa'yo]

"Yes. I had no choice."

[Sige, Alam ko naman na kailangan mo siyang pasalamatan e. You, go ahead. Text me, okay?]

Yan ang gusto ko kay Dale e. He already know what to do. Alam niya yung nga iniisip ko. Yung maaring maging desisyon ko. Why is he like that? 'Cause he is my best friend. Just my bestfriend.

Binaba ko na yung phone ko. At tumalikod, nakita kong nandun na si Jude nag-aantay. "So, Let's Start?" Pag-aaya niya.

"Hmm, Let's Start? Anong sisimulan natin? Laro?" Inakbayan niya ko na para bang tropa lang kami pero nahalata niya siguro na naiilang ako kaya tinanggal niya agad. "Let's start to be friends. Ito na siguro yung first move para makilala natin ang isa't-isa." Napaisip ako, kailangan pa ba nun? Pero. Sa bagay, okay na din. Baka sakaling, may malaman ako at gumaan naman loob ko sa grupo nila.

"Let's go?" Then, nag-nod lang ako at dumiretso kami papunta sa isang Resto.

May mga bagay talaga na akala mo imposibleng mangyare pero kung di mo man aakalain pwede naman pala talaga mangyare.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon