Pasko na bukas. Ramdam na ramdam ko na ang lamig ng simoy ng hangin. Halos manginig na ako at pakiramdam ko nasa North Pole ako sa mga oras na to.
"Kaira okay ka lang?" Bati saakin ni Leah. Tumango na lang ako. Di na rin kasi ako makasagot dahil yung dalawang kamay ko nakakibit balikat na.
Nasa Eskwela kami ngayon, sumaglit lang yung batch namin para magpa-takbo ng isang Christmas Program para sa mga batang kalye. Hindi ko alam kung nakagawian na to ng mga 4th Year pero sa Batch namin ginusto talaga ng Chairman.
It's around 5pm pero sobrang lamig na. Tinalo pa yung umulan ng malakas.
Nag-abot ako ng mga packages sa mga batang pumipila, kasama ko sila Audrey, Leah, Matthew at Axel kami ang nasa package section.
Samantalang sila Bea, Cherry, Cyril, Jude at Chloe ang sa Pagkain na ipamamahagi.
Tapos sa games naman sila Andrew, Ethan at Naomi.
The rest taga-assist na sa mga bata. Don't get me wrong ah. Hindi naman kasi ganon karami yung dumalo sa Christmas Program na to, yung iba kasi umuwi ng probinsya at yung iba naman tinamad na lang talaga katulad ni Dylan psh.
"Picture tayooooo!" sigaw ni Audrey
Nagtipon tipon kami sa gitna at nagpicture kami.
"Ang sarap sa feeling na nakakatulong ka sa iba, lalo na sa mga bata." Sambit ni Leah habang naka-akbay sakanya si Axel.
"okay ng walang handa bukas basta tong mga batang to masaya sa bisperas ng pasko." Singit naman ni Matthew.
"Ginawa mo naman tayong mahirap, Matt." Depensa ni Andrew.
"Ahh basta mamaya ah sa bahay namin." sambit ni Ethan sabay kindat at flying kiss.
Nandiri bigla sila Jude sa ginawa niya, natawa naman kami.Maya maya natapos na din yung program, dali-dali naman kaming umuwi agad para magpalit ng isusuot, sisiguraduhin kong this time dodoblehin ko na damit ko para di na ako ganon lamigin.
"Pa, aalis na ako." Paalam ko kay Papa bago ako umalis.
"Mag-ingat ka ah." Kinuha ko yung regalo ni Chloe. Siya kasi yung nabunot ko. Tumango na lang ako kay Papa at agad na lumabas ng bahay.
Naglakad ako hanggang sa paradahan ng Jeep. Magje-jeep na lang ako kesa mag-Taxi, malamig na nga maga-aircon pa ako.
Pagkatapos non maglalakad na lang ako ng onti nasa bahay na ako nila Ethan.
"Para po." tuluyan na akong bumaba at pumasok na sa Subdivision nila. Pinapasok naman ako kaagad ng Guard kasi halos andito kami araw araw netong bakasyon.
Nakarating din naman ako kaagad sa bahay nila. Buti na lang di ako naligaw at medyo nakabisado ko ang daan.
nag-doorbell ako at pinagbuksan naman ako ng gate ng kanilang yaya.
"Pasok po kayo, Ma'am." Nginitian ko naman siya at pinasalamatan.
"Andiyan na po si Sir Dylan." nanlaki ang mga mata ko pero napalitan din ito at nagkasalubong na ang kilay ko.
Dito ba siya dumiretso kaya di siya umattend ng Program kanina? Grabe siya.
Inassist ako saglit pero nung nakatapak na ako sa loob ng bahay nila iniwan din ako kaagad nito.
Lumunok muna ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Naaninag ko siyang nakaupo sa Sofa at nagbabasa ng libro.
Napaka-amo ng mukha niya, bumagay sa Long White Long sleeves na suot niya ngayon. Hindi ko namalayan na napatingin siya saakin, napansin ko na lang yon ng bigla siyang tumayo. Umayos ako kaagad ng tayo at napa-*Ehem naman ako ng papasok na ako sa Salas.
"Aga mo." Sambit niya at ibinalik na yung libro sa pinanggalingan nito. Di ko siya sinagot bagkus dumiretso ako sa Christmas Tree nila Ethan at doon nilagay yung regalo ko para kay Chloe. Napansin kong wala pa tong laman.
Ano to? Wala siyang dalang regalo? psh.
Nainis ako lalo kaya mas pinili kong maupo na lang sa isa pang Sofa kaharap ng Sofa na inuupuan niya. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa mga tuhod ko.
Pakiramdam ko ay matutunaw na ako dahil nakatitig lang siya saakin.
"Namiss mo ba ako?" Agad ko naman siyang tinignan at sinamaan ng tingin. Nakapalumbaba siya habang tinitignan ako.
"Ang tagal naman nila." sambit ko at tumayo ako papuntang bintana nila Ethan.
Nagulat ako sa ginawa ni Dylan. Niyakap niya ako mula sa likod at tinungkod yung baba niya sa balikat ko.
"Galit ka ba?"
"Hindi." Pero halatang may halong inis yung pagkakasabi ko nun.
"Weh?"
"Bitawan mo nga ako! Wag mo sirain mood ko, Dylan. Pasko na bukas oh. Maawa ka naman." Sambit ko.
Aktong babalik na sana ako sa pagkakaupo ng bigla niya akong hilain.
"teka! Saan mo ba ako dadalhin?! Hoy!" nagpupumiglas ako pero bigla naman kaming huminto.
Hinarap niya ako sa sarili niya. Magkatitigan na kami ngayon. Tahimik lang ng bigla niya akong halikan.
"Dylan!" Tinulak ko siya at ngumiti lang siya. Bigla namang tumugtog yung Mistletoe na kanta.
Naguluhan ako bigla sa nangyayare. Sumindi kasi yung ibang ilaw.
"Kaira..." Lumapit uli siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Merry Christmas and I love you." Lumuhod siya at may nilabas na box. Hindi naman siguro halata na singsing laman non diba?
"Ikaw yung nabunot ko sa exchange gift, sorry na lang sakanila dahil mauuna na ako. This is not just a Christmas gift from me to you, gamit tong singsing na to maie-express ko yung pagmamahal ko sayo, hindi dahil sa mahal na presyo pero dahil suot ito ng taong mahal ko." Napayuko na lang talaga ako.
"Kaira, I love you. I love you forever! Will you be my wife?"
"Ha??"
"Will you be my wife? Kahit ilang taon pa ang antayin natin para makapagpakasal tayo okay lang basta aagahan ko lang ang pagpo-propose para sure na akin ka na."
"Dylan.."
"I'm not kiddin', don't worry part 1 pa lang to."
"Dylan..."
"Kaira...Will you be my future wife?" Naiiyak na ako.
"I...I do. I will always do. I love you, Dylan." Napangiti naman siya at tumayo na tsaka isinuot ang singsing saakin. Niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit at ganon din ako sakanya.
Nakarinig naman ako ng 'yieee at nandito na pala sila nagmamasid lang saamin.
"Kiss!!!" Kantyaw nila. "Alam mo ba kung bakit kita hinalikan agad kanina?"
"Hmm?"
"Were under the Mistletoe." Natawa na lang ako at namula.
Lalo akong namula ng bigla na lang sinabayan ni Dylan yung part ng kanta.
"Kiss me underneath the Mistletoe, Show me baby that you love me so-oh oh oh.." Nahiya ako bigla kaya hinampas ko siya sa dibdib ng mahina pero nasalo yun ng kamay niya.
"Sige na, nagpa-miss naman ako eh. This is your chance, Kairababes." sabay kindat
Napa-pout naman ako.
Ikikiss ko na dapat siya pero bumulong muna ako.
"Hindi ikaw nabunot ko e. So ito na lang christmas gift ko sayo." Hinawakan ko yung pisnge niya at nilapit yung mukha niya sa mukha ko. "Iloveyou." bulong ko bago ko siya halikan ng matagal.
Bumitaw na kami ng mawalan kami ng hininga, ngiti ang nasa labi naming dalawa.
"Merry Christmas, wife." He said bago ako yakapin uli."TARA NA! PARTEH' PARTEH NA!" sigaw ng ibang tropa kaya dumiretso na kami sa Salas.
Have a Merry Christmas everyone! From Me, Dylan at the rest of the gang! We love you all 💖
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fiksi Penggemar❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...