Chapter 19

77 1 0
                                    

Tournament

*Phew* Aaaaah..

" Kaya mo to Kaira." Bulong ko sa sarili ko. Kasalukuyan akong nasa Locker Room ngayon. Nagbihis na kasi ako ng damit dahil onting minuto na lang magsisimula na yung tournament.

Wala naman akong dapat ikabahala e. Sa Basketball naman ako naka-assign mag-cheer. Mapapanood ko pa din sila Dale.

Pagkasarado ko ng locker ko. Dumiretso ako ng rest room. Doon naghilamos ako at naglagay ako ng konting make-up. Paalis na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa may ankle ko. Napaupo ako dahil dun. May pumapasok, may lumalabas pero wala silang pake saakin.

"Kaira, Okay ka lang?" Pagkaangat ko ng ulo ko, nakita ko so Chloe.

Nag-*nod ako. Inalalayan ako ni Chloe patayo, di naman na siya sumakit. "Akala ko ba di ka na parte ng Cheerleader?" Tanong niya.

Napabuntong-hininga na lang ako, "pinakiusapan ako ni Ma'am Suarez." Sagot ko habang nililigpit yung mga kits ko. Napatigil naman si Chloe sa pagtitingin ng mga pictures sa camera niya. Feature Writer at the same time Photo Journalist si Chloe kaya malamang galing siya sa pagkukuha ng mga pictures ng mga teams.

"Pumayag ka?"

"Oo, may magagawa pa ba ako?" Lumapit siya saakin sabay hawak ng braso ko. Nag-aalala siya saakin.

"Kaira, pinag-isipan mo ba? Kakagaling mo lang sa injury. Di ka pa masyadong nakapag-practice. Baka mapaano ka niyan mamaya in the middle of the game."

Umiwas ako ng tingin at tunalikod sakanya. "Okay lang ako, Chloe. Tsaka alam ko nanam na gagawin ko e." Sabay harap sakanya with a genuine smile.

Nginitian niya na lang din ako. Sabay tapik ng braso ko bago siya lumabas ng cr.

Bumalik na ako ng locker ko para ibalik yung kits na ginamit ko. Pagka-sara ko nun nakita ko si Jude. Nakanga-nga lang siya. Nagulat naman ako. Para siya kabute, basta-basta na lang susulpot.

Lumapit siya saakin. Inikutan niya ako, ngayon ko lang na-realize na maikli pala ang suot ko. Kaya paghinto ni Jude sa harap ko hinampas ko siya sa braso niya. "Aray, bakit F?"

"Anong bakit, napaka-byuntae mo, Montenegro!"

Natawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun? Hays. Baliw.

"Ako? Byuntae? Di kaya noh! Nagulat lang ako dahil naka-suot ka ng ganyan. Akala ko ba wala ka na sa Team?" Tumaas naman ang kilay ko. Paano niya nalaman yun?

"A-a-ah. Magu-u-umpisa na y-y-yung to-to-tournament. Ba-b-bye F" ngumiti siya ng napakalapad sabay takbo pabalik ng Gym. Sakto namang nagsilabasan na yung mga estudyante dahil nag-ring na yung bell. Kinuha ko naman yung cap ko sa locker sabay takbo papuntang Gym.

--

"What's Upppppp Ladies & Gentlemen?!!" Sigaw nung emcee. Samot-saring sagot ang narinig ko.

"Wooooohhh!!"

"Umpisahan niyo na gusto ko ng makita si Dylan-Oppa!!"

"Yeaaaahh! Goooo DMU!!"

"Hwaiiiitingggg!!"

Yung iba nagpa-practice pa ng Pagche-cheer ng kani-kanilang pambato. Pero karamihan pangalan ni 'Dylan' at 'Dale' ang naririnig ko.

"Ate? Punta na daw po kayo sa baba." May nag-approach saakin na parang isang Freshmen. Sinundan ko lang siya. Dinala niya ako sa pwesto namin, napangiti na lang ako. Ito yung sinuggest kong lugar para naman hindi kami maka-istorbo sa mga players pero at the same time kita ang buong cheerleading members.

Hindi pala nila binago to. Siguro nga naalis lang ako pero di pa din nila ikakaila na gawin yung mga sinuggest ko.

"So, bagal naman! Tsk" sigaw ni Merry. Isa sa mga alipores ni Sam. Teka, andito siya pero wala si Sam. Tumakbo na ako papunta sakanila. Kinausap muna kami ng Team Captain. Si Ate Max, binigay niya saamin yung mga strategy na gagawin namin mamaya. Every time-outs lang naman kami magpe-perform ng mga stunts. Kapag habang game naman, magche-cheer lang kami ng "Go, DMU, Go, Boys!" Paulit-ulit lang yun.

"Good your back Kaira." Bati saakin ni Ate Max. Nginitian ko lang siya, temporary lang naman to e.

Nag-aanounce na maguumpisa na yung game. Nagbabanggit na ng first five ang emcee galing sa kalaban.

Samot-saring banat naman ang maririnig mula sa audience. Malamang Home Court namin to, puro DMU'nians ang nandito.

"And our first five from Dy Miguel University!!!!" Sigaw ng emcee haluan pa ng sigaw galing sa audience edi nabingi ka na. Hahahahaha

Tinawag na sila, ang first five ay sila, Dylan, Axel, Dale, Gavin & Drew.

Nagsimula na ang laro, medyo easy lang nung una pero naging mainit din ang laban simula nung na fouled-out si Andrew.

Pppprrrrrtt""

Pag-pito ng referee, it means time out.

"Okayy, It's our time guys. Hwaaaaitinggg!" Sigaw ni Ate Max.

Nagsipuntahan kami sa gitna. Sumayaw kami at kumembot. Ang saya lang kasi yung gusto mong gawin na nawala sa'yo, heto at nabigyan ka ng pagkakataong magawa ulit to.

Kahit panandalian lang

Ito na yung last na pupunta kami sa gitna dahil last quarter na to. Tsaka onting oras na lang matatapos na din ang laro. Lamang kasi ang kalaban, 80-82.

Sumenyas na si Ate Max mula sa harap, it means ito na yung time na bubuhatin na ako, correction, di pala ako, si Samantha pala ang dapat nandito. Pamalit lang ako -_-

Onti onti ng nag-korteng pyramid ang mga members ako na lang ako kulang sa tuktok. Habang iniaangat ako dun, nakita ko sa may audience si... "Sam?" Bulong ko sa sarili ko kahit na nasa tuktok na ko. Pero, may kakaiba akong naramdaman, yung ankle ko kumikirot.

Pumikit ako ng panandalian, dumilat din ako agad. Nakita ko si Sam na nag-smirk at kumaway saakin. Kaway na para bang nang-aasar.

Tumingin ako sa baba, sabi ni Ate Max, Okayy na daw pwede na daw akong ibaba, pero habang binababa nila ako bigla na lang umalis si Merry sa Pwesto niya.

Dahilan ng.. Blllllaaaaag.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon