Is It True?
"I'm sorry cause' I love you."
"Tumahimik ka nga! Di nakakatuwa!" Aktong aalis na sana ako kaso hinawakan niya yung kamay ko.
"Please! Paniwalaan mo'ko. Kaya ginagawa ko yun hindi lang dahil kay Megan kundi para na din malaman mo na mahal kita." Naiiyak na ako.
"Ba-bakit, Ako?"
"I don't know." Mabilis niyang sagot.
Kumorteng kamao yung kamay ko at sinusuntok-suntok ko na siya.
"Eh, walang hiya ka pala e! Magmamahal ka na nga lang hindi mo pa alam kung bakit!" Patuloy ko pa din siyang sinasaktan.
"Ngayon pa lang niloloko mo na ako!"
"Te-teka nga lang. Let me explain." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko.
"Diba sa pag-ibig hindi naman mahalaga kung bakit? Ang Mahalaga mahal mo yung tao. Mahalaga mahal kita." Patuloy pa din ang luha ko sa pag-agos.
"I don't know why. Pero, I know how to love you." Dagdag pa niya.
Di pa din ako makasagot, wala akong maisagot. Ako naniniguro pa ako sa nararamdaman ko pero ang sugurado lang ako,
Gusto ko siya.
Patuloy pa din ako sa pag-iyak.
"Hey, stop. Don't cry." Then niyakap niya ako.
"Paano ko masusuklian yang pagmamahal mo?" Tanong ko.
"You don't need to rush. I'm willing to wait." Lalo akong naiyak. Di ko alam na ganito pala si Dylan ka-seryoso.
Sa bawat salita na maririnig mo alam mong sincere siya at sa kabila ng mga narinig ko mula sa usapan nila ni Megan kanina, si Megan ang nanloko.
Di ako tumigil sa pag-iyak. Baka sakali kapag nag desisyon na akong tumigil. Makakahanap na ako ng respond sa mga sinabi niya.
Yayakapin ko pa lang sana siya ng mahigpit kaso the next thing I know natumba si Dylan dahil sa pagkakasuntok ni Dale.
"Dale!" Awat ko.
"Walang hiya kang g*go ka! Matapos kong mag-sacrifice! Papaiyakin mo lang si Kaira!" Ano daw? Sacrifice What?!
"Dale! Tama na!" Pagaawat ko pa din. Pumagitna na ako sakanila, di ko alam pero bakit hindi gumaganti si Dylan.
"Pinagtatanggol mo pa yan?! Bakit, Kaira! Bigyan mo'ko ng magandang dahilan kung bakit hanggang ngayon yang g*gong yan ang kinakampihan mo!" Pawis na pawis na siya. Makikita mo sa itsura niya na galit talaga siya.
"Tell me!!" Sigaw niya.
"Ayokong sinasaktan mo yung mga taong minamahal ako!" Natigilan siya.
"Minamahal ka? Bakit ako? Sinasaktan ko yung sarili kong wala ng ibang ginawa kundi mahalin ka." Naguluhan ako.
"Oo, Alam kong mahal mo'ko Da--"
"Pero hindi bilang kaibigan, Kaira. Isn't it obvious na Mahal kita na mas higit pa?" Di ko nanaman mapigilang umiyak.
"Lumalayo ako kasi alam kong si Dylan ang makakapag-pasaya sa'yo. Lumayo ako kasi everytime na nakikita kitang kasama siya, parang di ko yun makita kapag kasama mo'ko."
Tinitigan ko siya sa mata.
"Alam kong seryoso siya sa'yo at wala na akong pag-asa. Best friend kita at the same time, minamahal ko na din more than that." Umiiyak na din siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfic❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...