The btch
Leah's POV:
Saan niya dadalhin si Axel!! Argh.
Di pa naman sila nakakalayo kaya masusundan ko pa sila. Lintek na babaeng yun, anong karapatan niyang hila-hilain si Axel sa harap ko pa. Sino ba siya?!
Tumakbo ako hanggang sa Parking Lot. Nakita ko sila don.
"Axel!" Sigaw ko. Hingal na hingal na ako, kanina pa ako takbo ng takbo.
Lalapitan ko na dapat si Axel kaso, humarang yung babaeng yun.
"Hey. I told you back off diba?! O sadyang di mo lang alam na ikaw yung btch?!"
Kumorteng kamao yung kamay ko.
"Sino ka ba hah!" Dinuro duro ko siya. Hinahawakan ako sa braso ni Axel.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Lumapit siya saakin at nginisian ako.
" How come na hindi mo'ko kilala? I'm the one and only Eliana Francesca Reyes"
"Wala akong pake kung sino ka!"
Tumawa siya. Pinakukulo niya talaga ang dugo ko.
"Pero nagtanong ka kung sino ako? Tss. Btch"
"Ano bang problema mo ah!"
"Babybes. Stop na." Awat ni Axel.
Kumalas ako sa pagkakahawak niya.
"You know we're wasting time. May pupuntahan pa kami ni Axel." Hinila niya si Axel.
Hinila ko si Axel pabalik. Nagulat na lang ako ng biglang humarap saakin si Eliana at sinampal ako.
"ELIANA!" sigaw ni Axel at sabay yakap saakin.
"Sorry di ko dapat ginawa yon. Di ko dapat dinampi yung malinis kong kamay sa madumi mong mukha." Pagtataray niya.
Nakahawak pa din ako sa mukha ko. Di ko na mapigilang maiyak.
Malakas dapat ako pero sht, di ko siya kaya. Masyado siyang btch.
Pero gumanti pa din ako. Tumayo ako at hinila ko yung buhok niya.
"Di ko din dapat to gagawin pero pinakukulo mo dugo ko e!" Sinampal ko din siya.
"Leah! Eliana!" Awat ni Axel.
Narinig kong nagsidatingan yung ibang tropa.
"Leah!" Sigaw ni Kaira at pinalayo ako ni Audrey sakanya. Hawak hawak naman nila Dylan at Matt si Eliana.
"Walang hiya ka!" Sigaw nung Eliana.
"Mas Walang hiya ka! Di ko gustong gawin yun pero kung ikaw din naman, why should i hesitate?! Sa tabas pa lang ng dila mo, sarap mo ng bugbugin"
"Leah!" Awat ni Axel.
"Bakit mo ginawa yon kay Leah! Ano bang karapatan mo?" Aktong susugurin ni Kaira si Eliana.
"Babe. Babe. Babe." Sambit ni Dylan, binitawan niya si Eliana at hinarangan si Kaira.
"Wait nga lang. Kausapin niyo yang babaeng yan! Ang laki ng problema niya!" Sabat ni Audrey.
Kumalas si Eliana sa Pagkakahawak ni Matt.
"Gusto niyong malaman kung anong problema ko? Kayo! Kayo ang problema ko! I hate all of you! Ayoko ko kayo para sa pitong to! Ako lang! Ako lang dapat!"
Para siyang bata na naagawan ng candy. Nagwawala siya ngayon.
"Edi sa'yo." Simpleng sagot ni Kaira at hinila ako palabas, sumunod na din si Audrey at Chloe.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfic❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...