Chapter 38

84 2 0
                                    

Meet Eomma

Leah's POV:

"Go! Bes! Go! Whooo!!" okay ang ingay ko, bakit ba? Supportive best friend ako eh. And Girlfriend at the same time.

Nasa Basketball court kami ng Village nila. Naisipan kasi namin na ito ang gawin kaysa sa mag-Mall nanaman. Simula nung maging kami palagi na lang kami magkasama, walang araw na hindi kami nag-uusap, mas closure kaysa noong una na mag-bes lang kami at walang kahit anong status.

Feeling ko nga wala ng makakapagpahiwalay saamin e.

Pumunta kami dito para sa mag-papawis, kaso may mga lalaking nag-aya sakanya na mag-laro. Hindi naman kasi kill joy si Axel kaya sumali siya.

Naka-three points siya. It means panalo sila.

"Whoooo!! Ang galing galing mo!!!" Sigaw ko. Tumakbo siya papunta saakin at niyakap niya ako.

Lumapit din saamin yung iba niyang kalaro.

"Napaka-supportive naman ng kapatid mo, pre." A-ano daw? Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at naka poker face lang ako. Tinitigan ko si Axel pero tumatawa lang siya.

Ayaw niya akong depensahan ah, ako dedepensa sa sarili ko.

"FYI! Girlfriend niya po ako!" Sambit ko while pointing my fingers at him.

"Kalma, bes" sambit ni Axel at inakbayan ako.

"Girlfriend pero, Bes?" Tanong nung isa sa mga kalaro din niya.

Abah, mga chismoso din tong mga to ah. Ngumiti naman si Axel at kinwento yung love story namin. Napa-'Yieeee' naman sila. Tsk, sabi na eh. Mabibighani sila sa Love story namin e, mala-Wattpad lang ang peg hahaha

"Sge Pre. Una na kami" paalam nung isa sa mga kalaro niya.

"Thanks for the game." Sambit ni Axel pabalik. "Excuse me bes ah" then dumistansya siya sakin kasi may tumatawag sakanya.

"Bye Ms. Sungit" sambit nung isa sa mga nakalaro ni Axel. Natigilan ako. Bumalik saakin yung mga ala-alang meron ako nung nasa probinsya pa kami.

|FLASHBACK|

"Ang bagal mo!"

"Tse!" Sagot ko, akala naman niya ganun lang kadali umakyat dito sa napakataas na to?

"Ang Sungit mo talaga. Kaya bagay sa'yo yung Ms. Sungit e."

"Pakihanap yung pake ko?" Napa-'Tss' na lang siya. Di din nagtagal nakaakyat din kami.

Napaka-ganda ng view dito. How I wish na sana balang araw makita ko uli si Axel at pupunta kami dito.

"Huwag mo muna siya isipin, Ms. Sungit. Pahingahin mo muna yang utak mo, kakaisip ng paraan kung paano mo siya ule makikita." Sambit niya.

"Siguro nga ganun kadali yun para sa'yo dahil wala ka naman sa sitwasyon ko." Sambit ko, may unting luha na ang pumapatak sa mata ko.

"Mararanasan ko din yan." Sagot niya. "Paano mo naman nasabi?" Tanong ko pabalik.

"Kapag nag-desisyon na sila Tito Ken na sa Probinsya na mag-aaral si Kaira at Ellie. Pati kayo nila Audrey, sasama na diba?"

Napa-'oo' na lang ako. Kahit naman kailan kasama na sa plano nila Kaira ang plano nila Papa e. Gusto ko yon dahil baka sakaling magkita uli kami ni Axel.

Puro na lang si Axel ang nasa isip ko. Dahil nung bigla siyang nawala, parang pati ako nawawala. So hard to be seperated to someone that is really special for you.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon