Chapter 17

110 4 0
                                    

The Night Before

"Thanks sa Treat ah." Sambit ko kay Jude. Napangiti na lang siya sabay sabi "wala yon. Friend." Natawa na lang ako, Friend? Ang bading pakinggan "oh, bakit? Friend?" Diniinan niya talaga yung Friend e. Alam kong nababadingan siya. Hahahaha Di ko talaga mapigilang di matawa. "Hahahaha, Alam mo 'ef' na lang tawagan natin. Kung gusto mong may Cs tayo." He give me a 'what-do-you-mean- look. Hahahaha natawa nanaman ako. Pauwi na kasi kami, sabi ko sakanya wag na niya akong ihatid dahil kaya ko naman. Pero, di siya pumayag. "'ef' as in letter f?" Tanong niya.

"Oo. Para maikli lang." Biglang lumungkot yung mukha niya. Napaka-bipolar, siguro ganun talaga kapag mga bad boy. Di ko maikakaila, kahit na magkaibigan na kami, di pa rin maalis na bad boy siya dahil kaibigan niya si Dylan and the rest of their gang.

"Ibig ba sabihin nun, ganun din kaikli ang magiging relation natin sa isa't-isa?" Biglang sumeryoso yung muka niya. Napatigil naman ako sa pagtawa. "Hindi naman sa ganun. Para naman di ka mabadingan. " tapos tumawa uli ako. "Teka, What?! Nahalata mo?" Nag-*nod ako. Napahawak na lang siya sa batok niya. "Sige na F. Hahaha andito na tayo sa bahay ko. Gusto mo bang pumasok? Ipapakilala kita kay Papa tsaka kay Ellie." Pero bago pa man kami nakapasok sa may gate namin, biglang bumukas yung front door ng bahay namin "ahh ganun po ba tito? Sige po salamat po." Teka, Leah? Audrey? Chloe? Anong ginagawa nila dito? "Noona!!" Sigaw ni Ellie, nakita na kasi niya ako, bumaba siya sa pagkakabuhat ni.. Dale? Isa pa siya anong ginagawa din niya dito? Tinignan ko siya, naka-poker face lang siya. Anong problema nito? Eh, nagtext naman ako sakanya kanina bago pa man kami makaalis ng resto.

"Kai!" Sigaw ni Audrey. "Akala namin nakauwe ka ng maaga." Lumapit silang tatlo saakin, bumulong si Leah saakin habang buhat ko si Ellie. "Andito si Dylan." Wait what?! Bakit siya andito?! Si Chloe naman ang bumulong saakin "Bakit andito si Jude?" Pero di ako sumagot kasi parang di pa din nagsi-sink in saakin na nandito si Dylan. Pero para namang di din totoo. "Ahh, F? Uwe na kaya ako?" Interrupt ni Jude.

"Anak? Andito ka na pala. Pasok kayo, Leah." Sambit ni Papa, bumaba naman saakin si Ellie papalapit kay Dale uli. "Bilisan mo Misha. Andito din yung partner mo." O_________O so, totoo? Andito siya. "Bye na F. Seeyah tomorrow." Bago pa man makaalis ng tuluyan si Jude hinawakan ko siya sa braso. Sign na di dapat siya umalis. Wala na din siyang nagawa at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Ano bang nangyayare? Bakit nagkakagulo? Well, hindi pa naman. Magkakagulo pa lang. Tss

"Ang dami mong bisita 'nak ah. Haha, sge na ligpitin mo na yung dining area natin. I'll prepare food. " sabay kiss sa forehead. Tulala pa din ako, bakit nandito siya? Sila? Aish.

"Hi Kuya. What's your name?" Naririnig kong tanong ni Ellie. Di pwede, di pwedeng andito siya, ayokong marinig na sumagot siya. "Ahahaha, Ako si Kuya Dylan." Sumagot siya! Sumagot siya! "Aaaaaaaaaahhhhh!!" Sigaw ko. Kaya lahat sila pumunta sa may dining area kasama na siya dun, pati si Papa napalabas sa may kusina. "Misha? Ayos ka lang?" Tanong ni Papa habang hawak ako sa may braso. Nag-*Ok sign naman ako, at napabuntong hininga na din. Bumalik na sa Sala sila Leah, Audrey at Chloe nilalaro na nila si Ellie. Si Dale at Dylan naman andun pa din sa pwesto nila kanina, tinignan ko siya, naka-poker face lang siya, tinirayan ko siya. Sakto naman nun bumaba si Jude dahil naghanap siya ng Banyo. "F, salamat ah nakapag-banyo din.. a-ako." Di pa kasi sila nagkita ni Dylan kanina e, dahil nasa sala si Dylan habang si Jude dumiretso sa banyo. Yung mukha ni Dylan parang di maipinta, di mo alam kung galit o malungkot e. "Talk to me later." Sambit ni Dylan kay Jude kahit na magkalayo sila, alam kong siya ang tinutukoy ni Dylan.

Di din nagtagal naglabas na din si Papa ng iba pa niyang niluto. Tinulungan siya ni Dale sa paghanda kaya nung nagpapabuhat si Ellie sakanya di niya mabuhat kaya pupunta na sana ako ng bigla siyang tumakbo papunta kay....

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon