Bad boy.
"Hahahaha" kainis talaga 'tong si Dale. Magjo-joke pa e.
"Iniwan mo si Naomi?" Natigilan siya. "Oh, bakit?" Tanong ko.
"Ahh.. Hindi.. Gumagawa na kami." Napangiti na lang ako, kasi mali pala yung iniisip ko na baka may bad situation sila sa past nila kaya ganyan kalayo loob nila sa isa't-isa. Hindi naman pala.
"Dito na yung place ko Dale. Pwede mo na akong iwan." Poker face lang siya.
"Hindi kita pwedeng iwan.. Mag-isa." Natawa na lang ako.
"Hindi ako mag-isa andito si Dylan. Wag kang mag-alala, Alaga. Kaya ko to haha" ginulo niya yung buhok ko. "Sige, call me if you need me." Umalis na si Dale. Nakita ko yung mga gamit ko sa sahig, wala nga si Dylan. Saan naman yun pupunta? Di ko na siya pwedeng hanapin. Masasayang oras namin. Or should I say, Oras ko.
Sinumulan ko na yung pag-gawa. Habang nagse-sketch ako tumitingin ako sa paligid, baka sakaling lumitaw si Dylan pero wala.
Natapos ko na yung sketch ko at sisimulan ko na sa bandang gilid yung design pero wala pa ring Dylan.
Miguel, asaan ka na ba?
"Ano bang pake ko kung wala siya diba? Nakaya ko naman na ako lang kanina. Kaya kakayanin ko uli ngayon."
Tinuloy ko na yung pagtatanggal ng dumi sa dingding. Nag-brush ako, binanlawan ko, tinuyo ko. Tsaka ako nag-drawing. It's all about sports dapat, kahit natanggal ako sa Team, hindi ko pa din kinalimutan na naging parte ng buhay ko ang sports.
"Cheerleading mean to me a lot." Bulong ko sa sarili ko.
Malapit na ako matapos sa kabilang dingding, di pa din dumadating o nagpapakita man lang si Dylan. Hays
Kailangan ko tapusin to para bukas sa taas naman ako. We have 2 weeks to handle this until the grand day.
Tumungtong ako sa upuan dahil di ko abot yung itaas na bahagi. Masyadong mataas ang mga walls namin dito.
Dahil, pilit kong inaabot ang dulo ng pader, isang paa na lang ang nakatungtong sa upuan, at na-out balance pa ako, akala ko katapusan ko na, at mahuhulog na ako. Pwedeng ma-damage ang kahit ano sa parte ng katawan ko kung walang sumalo saakin. Pero, meron... "Dylan?" Sinalo ako ni Dylan. "Ako na gagawa niyan." All this time, kailangan ko pa pala ma-aksindente bago siya darating? Seriously?!
Inupo niya ako sa gilid sa tabi ng mga pintura. "Bakit ka naka-simangot? Itigil mo nga yan. Hindi mo kina-ganda Kaira, kina-panget mo pa." Hindi ko siya pinakinggan, abah! Abnormal ba siya? Ganyan ganyan lang yung sasabihin niya, wala bang 'sorry' 'pasensya' chuchu? Wala!
Palibhasa Bad boy. Walang pakialam sa mundong ginagalawan niya.
"Ako na nga jn" binangga ko siya.
"Anong gagawin ko?" Di ko siya sinagot."Hey!" Wala pa rin akong imik. "Kai?" Mahinahon na siya ngayon. "Ano?!!" Sagot ko.
"Are you mad?" Nagtatanong pa ba siya? Kaya pala hindi niya ako sinamahan sa clinic kasi tatakas siya.
"Nagtatanong ka pa?! Sa tingin mo sinong hindi magagalit, iniwan mo'ko dito!!"
Nag-smirk lang siya. Abnormal na bad boy.
"Parang di mo naman kasama si Rosales."
"Buti nga anjan siya e! Kung wala siya paano na? Kahit ikaw na lang ang natitira sa mundong to hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa'yo!"
Talagang hindi na, magdusa siya. Napaka-yabang niya. Nilaklak na ata niya lahat ng kasamaan na meron dito sa mundong to e.
"Teka lang, kanina gusto mo ihatid kita sa clinic tapos ngayon kung makasermon ka parang di ka humingi ng tulong ko kanina ah?"
Naririnig niya ba sarili niya? KANINA nga diba?! Past is past. Hindi ko kasi naisip na bad boy nga pala siya. Bakit nga ba ako hihingi ng tulong sakanya?! Hays.
Hindi ko na lang siya pinatulan. Hahaba at hahaba pa ang usapan at mapupunta lang to sa galitan. Although ngayon palang galit na ako. Kaya ko naman pigilan to e.
Sa ngayon, iisipin ko muna tong projects. Partners kami dito at hindi enemies. Hindi muna ako gagawa ng ikagugulo ng komunikasyon namin.
"I'll buy some snacks."
Kinuha ko yung bag ko at bago ako makaalis.. "Kaya mo na ba? Kung gusto mo ako na."
Naka-poker face ako. Tinititigan ko lang siya. Bakit ba siya ganyan? Minsan bad boy pero minsan din parang gusto mong malaman kung ano ba talaga siya.
Bumaba siya sa upuan na pinapatungan niya. "Akin na yung pera, ako na lang bibili. Ano bang gusto mong meryenda?" Lalo akong hindi nakasagot. "Sige ako na lang din bahala." Umalis na siya.
Sigutaduhin lang niya na babalik siya. Kung hindi malilintikan siya saakin.
Bakit ba ganyan ang mga bad boy. Bipolar? Sana lang matapos na to agad. I need to rest.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...