Chapter 20

96 1 1
                                    

Should I Stop?

Dylan's POV:

Nasa bench kami dahil time out. 15 seconds left on the shot clock. Nakita ko kung gaano siya kasaya habang ginagawa niya yung bagay na importante talaga sakanya. Di ko alam kung bakit una palang ginagawa ko to. Diba sabi ko sa sarili ko I'll make her life miserable.

I'm just doing something weird this past few days. Una hinahanap ko siya, dahil ginusto ko naman talaga na di sumipot sa last na gagawin namin. Pangalawa, dahil dun kaya pumunta ako sa bahay nila, di ko alam kung bakit, di talaga ako mapakali dahil sa ginawa kong desisyon. Pangatlo, nakita ko siya pumasok kanina na wala sa mood, kaya naisipan kong pakiusapan na lang si Sam na wag umattend ng team, dahil alam kong si Kaira ang papakiusapan ni Ma'am Suarez. Di naman ako nagkamali, nung una ayaw pumayag ni Sam, pero di ko alam kung bakit bigla na lang siya pumayag.

Blllllaaaaaggg..

Nakita ko na lang na nag-ipon na lahat ng tao dun. Nakita kong nakahilata si Kaira sa sahig, hinanap ko si Dale wala siya, wala ng time para magpaligoy-ligoy pa, tumakbo ako dun. Nakita ko siya, walang malay, namumula ang pisnge dahilan siguro ng pagkabagsak niya, binuhat ko siya in briday-style.

"Dylan? What are you doing? We need you in this game!!" Sigaw nung coach namin. Humarang pa siya sa dadaanan ko.

"She needs me now." Sambit ko. Napanganga na lang sila at nawala na siya sa daanan ko, akala ko free na ako papuntang clinic kaso biglang may humawak sa balikat ko, hingal na hingal siya "bro, give her to me, ako na ang bahala, tama si coach kailangan ka dito sa game." Tinabig ko yung kamay niya, "bro, responsibilidad ko si Kaira, best friend ko siya!!"  Sigaw ni Dale dahilan ng katahimikan ng lahat.

"Late ka na" sabay ng pag-pito ng referee.

---x---

"Kamusta po siya?"

"Di naman malala ang sitwasyon niya. Medyo masama lang talaga ang bagsak niya causing her too much pain on her cheeks. Dahilan na din kaya nagkapasa siya sa noo, pero internal damage, wala naman Mr. Miguel" sagot nung doktor di siya yung doktor namin dito sa clinic, siya yung personal kong doktor wala kasi akong tiwala sa doktor dito. Kagaya na lang nung time na na-clinic si Kaira dahil kay Sam, ako ang nag-dala sakanya dito pero di ko siya inasikaso, ayokong mag-mukhang malambot. Di niya naman alam, and maybe aakalain niyang si Dale yung nagdala sakanya nun dito.

"Okay, salamat"

Tsaka umalis yung doktor. Umupo ako sa gilid ng higaan niya. Pinagmasdan ko siya, hinawi ko yung buhok niya at inilagay sa likod ng tenga niya.

Di ko alam pero punong-puno ng pagsisisi ang meron ako ngayon sa loob ko.

Pero kahit katiting di ko masabi.

"Siguro hindi muna ngayon.." Bulong ko.

"Kaira, sleep well." Sambit ko at tuluyan na akong nakatulog sa braso niya.

---x---

Naramdaman ko na lang na may nagva-vibrate. "Oh sh*t!" Nakatulog ako, tinignan ko si Kaira pero yun pa din yung posisyon niya nung gising pa ako. Dahan-dahan kong kinuha yung bag ko at tinext si Dale na pumunta na siya, pero di na pala kailangan dahil bubuksan ko pa lang sana yung pintuan bumukas na ito at bumungad ang mukha ni Dale kasama si Leah, Audrey at Chloe.

"I need to go." Sabay daan sa pagitan nila.

Alam ko naman na hindi nila pababayaan si Kaira, and they don't have to worry, wala naman na silang po-problemahin e. Aantayin na lang nilang magising si Kaira.

Nagvibrate uli yung phone ko. Nakita ko sa screen

Calling: Dre Cy

"Hello?"

[Where the hell are you?]

"And---" sasagot pa lang sana ako ng biglang may sumapak saakin at nalaman ko na lang na nakahiga na pala ako. Hinawakan ko yung bibig ko at dumudugo ito. Tinignan ko kung sino yung hinayupak na sumapak saakin "What the fvck is your problem, Jude?!"

Hinila niya yung damit ko at isinandal ako sa pader.

"Diba dapat ako ang magtatanong niyan? Kailan mo ba siya titigilan? Kung kailang lifeless na siya?" Kita sa mga mata niyang galit na galit talaga siya.

"Diba ito naman yung gusto mo? Diba ikaw naman ang nagsimula neto? Eh G*go ka pala e. Ako sisisihin mo eh katangahan mo ang nagpasimuno neto!"

Sinapak niya uli ako. Di ako gumanti dahil lahat ng mga sinabi ko, kasinungalian lang, sa totoo niyan, kasalanan ko naman talaga e. Ako ang dahilan kung bakit ginaganito namin si Kaira.

"Hoyy, kahit alam kong may utang na loob ako sa'yo. Dahil pinaaral ng Mama't Papa mo ang kapatid ko tsaka ako, di ibig sabihin nun wala na akong karapatan gawin to sa'yo!! Oo, magkaibigan tayo, pero kaibigan ko din si Kaira, if I have to choose, I'd rather choose Kaira over you. Siya kaysa sa kawalanghiyaan mo!" Binitawan niya ako.

Naglakad siya papalayo, pero di pa man siya nakakalayo humarap uli siya saakin "alam mo, matagal ko ng sinabi sa'yo na itigil mo na to. Pero what? You still choose to do the bad thing. Bahala ka na sa buhay mo! Wala na akong pakialam sa'yo!"

Tuluyan na siyang umalis. Di ko alam pero bakit di ako gumanti, sanay akong gumaganti kahit na kaibigan ko sila.

"Hey, Dre Anong nangyare?" Tanong ni Axel, di ko namalayan andito na pala sila.

"Nag-away ba kayo ni Jude?" Tanong ni Ethan.

"Leave me alone" sabi ko sabay alis papuntang locker para magbihis.

Habang papunta sa locker nakita ko yung banner sa labas. Nanalo kami.

Yung MVP, Si Dale.

Wala na akong pakialam diyan, basta ang kapakanan ni Kaira ang importante saakin. Aisssssh, bakit ba kasi nangyayare saakin to?

Nagbihis ako at dumiretso sa Rooftop ng School.

Doon habang palubog ang araw inisip ko yung mga bagay na pwedeng mangyare kung sakaling ipagpatuloy ko yung mga bagay na to.

Baka naman, kailangan itigil ko na. Dahil, so on, ako din ang mapapahamak sa sarili kong katarantaduhan.

"Should I Stop?" Sambit ko.

Siguro nga kailangan ko na itigil to. Di lang para sakanila, kundi para na din sa nararamdaman kong kakaiba.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon