Kaliwanagan
"Anong gusto mo, babe?"
"Nae sa-rang, pili ka na?"
"Babybes, Popcorn or Burger?"
Itong tatlong to. Ang kulit kulit, di kami makapili e.
"Hays! Tagal niyo sumagot! Dy, Xel, Jude! Ako gusto ko Burger tsaka isang Large na Coke. Dagdagan niyo na din ng Piattos na malaki. Salamat!" Singit ni Audrey.
Nagulat na lang kami ng biglang nagsalita si Matt.
"Ah, Ate? Isang Burger at isang Large Coke tsaka isang Piattos na malaki. Salamat po!"
Halos lahat ata ng mata namin nakatingin kay Matt.
Nakuha na niya yung binili niya at di nga kami nagkakamali naglakad siya sa direksyon ni Audrey.
"Oh!" Sambit ni Matt.
Natawa onti si Audrey. "Ikaw na pala si Dylan, Jude at Axel?" Pagtataray neto.
"Choossy kapa ba? Akin na nga!" Aktong aagawin na ni Leah yung pagkain pero iniwas agad ni Audrey yung kamay ni Matt.
"Ikaw na din si Audrey ngayon?" Kinuha niya yung pagkain.
"Salamat!"
Nakita ko sa mukha ni Matt yung ngiti. Hindi basta ngiti, ngiting umiibig.
Bumalik yung atensyon namin sa mga pagkain.
Nakabili na kami lahat ng pwedeng makain. Si Bea andun lang sa isang upuan. Lalapitan ko na sana siya kaso,
"Bea!" Sigaw ni Axel. Narinig naman siya ni Bea kaya nabaling yung tingin neto dito.
Tumayo siya at lumapit saamin. "Hmm? Tara na! Medyo humuhupa na yung pila oh."
"Tara, Anong gusto mo? Ito o Ito? Dali! Sagot ko!" Nakangiting malapad na yaya ni Axel.
Itong Elyen na to akala mo walang girlfriend e. Kung makahila kay Bea at maka-akbay akala mo Single.
"Ahh.. Wa-wala." Sagot ni Bea sabay tanggal ng kamay ni Axel.
"Nahiya ka pa. Ako na nga, Ate! Isang Burger with Fries samahan mo na po ng Sundae." May pa-Sundae pa.
Samantalang kay Leah, Burger lang at Junkfoods.
Tinignan ko si Leah, blanko expression niya. Di mo alam kung okay lang sakanya o naiinis siya o nabi-bwiset siya, basta.
"Nakanang! May pa-Sundae pa si Axel ah!" Hirit ni Cherry na kadadating lang kasama si Cyril galing kasi sila sa kabilang counter. Iba kasi binili nila.
"Oo, Xel. Okay lang naman ako." Ngiting sambit ni Bea.
"Aish. Ayaw pa."
"Haha, Sge. Cr lang ako." Sambit ni Bea at agad namang sumunod si Leah.
"Hawakan mo'to!" Sabay abot kay Axel nung mga pinamili niya.
"Bea?" Sigaw ni Leah, natigilan naman si Leah at inakbayan si Bea.
"Landi kasi ni Reyes e." Singit ni Andrew.
"Lul! Best friend ko na din naman si Bea. Siya ang pumalit kay Leah simula nung maging kami. Dapat lang gawin ko to. Kagaya ng ginagawa ko kay Leah dati."
Binatukan naman ni Cy si Axel.
"Ang bobo mo dre. Sa harap talaga ng girlfriend mo?"
"Ano na lang gusto mong sabihin niya? Diba?" Singit ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...