Partners
"Sorry, iniwan nanaman kita kanina." kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse niya. Pauwe na kami.
"Alaga naman. Okay lang yun, Okay lang ako." hindi niya ako tinitignan. Nararamdaman ko talaga kung gaano kahalaga sakanya na protektahan ako.
"Tsaka kaya ko naman yun si Dylan e, sisiw lang yun. Hahahaha" di pa din siya tumatawa.
"Cheer Up, Alaga! Next time kapag naamoy ko yun si Dylan, te-text agad kita. Upakan mo! Haha" This time, nakatingin na siya saakin. Pero kapag tinignan mo yung mata andun parin yung dissapointment e.
Nakarating kami sa bahay na di pa rin naguusap, napaka-big deal ba para sakanya yun? Lumabas na ako agad sa kotse. Kung ayaw niya makipag-usap ngayon, naiintindihan ko siya. Sasakyan ko na lang ang trip niya.
"Kaira." Nakatalikod pa din ako sakanya.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako mula sa likod. "I'm sorry, hindi dahil wala ako kanina. I'm sorry kung ganito ako umarte. I know you don't like it this way. Ayoko lang talaga na sinasaktan ang Best friend alaga ko." Napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan ko yung kamay niya. "Alaga, Okay lang. Naiintindihan ko naman e. Ganun din naman ako sa'yo kaya nga I can't last a day without you." Napangiti na din siya sa wakas.
Minsan talaga ma-drama ang buhay pagkakaibigan namin ni Dale.
Hindi rin nagtagal umalis na siya. Susunduin pa daw kasi niya si Tita Mari e. Sa totoo lang, di ko pa name-meet parents ni Dale kahit na magkaibigan kami for almost mago-one year na.
Naghanda na din ako ng makakain kasi alam kong maya-maya, dadating na si Papa kasama si Ellie.
Ipinagaalala ko, malapit na mag-tournament. Kamusta na kaya ang cheering squad namin? Hays. Kahit alam kong 'okay' na ako, di pa din ako makapaniwala na nangyare yung matanggal ako dahil lang sa late ako. Di ko alam, feeling ko talaga somebody is behind this. Wala naman akong kaaway maliban sa pitong yun. Teka? Di kaya... Wait lang! Ayoko muna manghusga, wala pa akong ebidensya.
Sa ngayon, iisipin ko muna yung school projects. Baka sakali may matulong ako sa mga konting gawain dun.
--
"For now on! Magkakaroon na tayo ng partners in crime. Hahahaha!" Nagkatinginan kami ni Dale sa totoo lang ang weird lang talaga ng teacher na to sa simula pa lang.
Art class namin ngayon kaya for sure itong sinasabi ni Ma'am Lee may kinalaman sa mangyayare sa Tournament.
"Ma'am? What do you mean 'Partner's In Crime?"Tanong ni Matt.
"Magkakaroon kasi tayo ng Mission: Tournament, diba malapit na ang Tournament for any sports? Ang ating Art class ang napili sa pago-organize ng buong campus. At dahil sa medyo malaki ang bilang ng estudyante dito, kailangan mag-partners ang maa-asign sa isang gawain." Sana naman, si Dale ang Partner ko. Kay Dale lang ako nakakahalubilo dito.
"But, first HAHAHAHA Maga-Attendance muna tayo." Habang naga-attendance pumasok sila Andrew, Ethan at Cyril. Ngayon ko lang napansin na si Jude, Matt at Axel lang andito. Pero teka? Asaan si Dylan? Hmmm. Ano bang pake ko diba? Mas mabuti nga yun e. Walang magulo sa ngayon. Alam ko naman na nandiyan lang yan sa tabi-tabi, naglalaro ng barbie. I mean, flirt na girls.
Pumipili na ng Partners si Ma'am. Nakapikit lang ako hanggang sa natawag yung pangalan ni Dale. "Dale Lucas Rosales..Ikaw tsaka si.." Pumikit ulit ako, please. Sana ako! Sana ako! Naka-cross finger pa ako. Mukha na akong baliw, sana naman din ako nakikita ni Ma'am Lee at lalo na ni Dale. Aasarin nanaman ako nun.
"Naomi Jade Yee." Awww, tinignan ko si Dale at nagulat siya. Maski si Naomi. May something talaga sakanila na hindi ko alam e. Parang yung tipong ayaw nila sa isa't isa.
"Ms. Yee please go here in the front beside Mr. Rosales."
Tumayo si Naomi, pagtayo niya sabay ng pagtaas ng kamay ni Ethan "Ma'am!" Tumingin kami kay Ethan, nakakunot yung noo niya at parang di niya gusto yung desisyon ni Ma'am Lee.
"Yes Mr. David? I'm sorry about your gitlfriend okay?" Naging blanko ang mukha ni Ethan. "Not about that, I just want to go out." Sa ngayon nakayuko na si Naomi, si Dale naman ang sama ng tingin kay Ethan, para bang nag eye-to-eye contact sila.
"Go Mr. David" sagot ni Mrs. Lee
Girlfriend pala ni Ethan si Naomi. Pumatol si Naomi sa isang bad boy? Pssh!
Natawag na ni Mrs. Lee lahat maliban saakin. "Ma'am what about me?"
"HAHAHAHAHA Yes, Nakalimutan ko. Ughm? Please step forward Ms. Mendez."
Naglakad ako sa harap, inantay ko magsalita so Mrs. Lee, tinitignan niya yung attendance niya. "Hmm? Where is Mr. Miguel?" Napanganga ako. What the hell. Siya ba? Sana hindi.
Pumikit ule ako. Baka sakaling hindi talaga.
"Sorry I'm late." Narinig ko ang boses niya, hindi pwede to.
"Ow. You and Ms. Mendez will be partners for our project."
Nakatingin lang ako sakanya, nakakunot ang noo ko at umi-iling iling ako. Sign yun na ayaw ko siya ang makapartner ko.
Siya naman naka-ngiti lang. Abnormal e.
"Sure Ma'am." Nakangiti siya ng labas pa mga ngipin niya, nagpapa-cute ba siya? Yung mga kaklase ko namang babae kinikilig, ano bang gayuma ang pinaiinom nila dito sa school na to at ganito ang mga babae dito? Buti na lang di ako nakatikim nun kung meron man.
"Naka-assign sainyo ang pagde-design ng buong campus."
Buti na lang, magaling din ako sa Arts. 97% kaya grades ko diyan.
"You will all start tomorrow. Goodbye, Class"
Bukas na agad? Grabe naman! Well, paghahandaan ko to. Lalo na enemies will be partners? Paano kaya yun?
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...