Chapter 27

92 3 2
                                    

Courting

Kaira's POV:

"Tama na Leah, wag ka ng umiyak." Pinapakalma ko siya kasi kahapon pa siya iyak ng iyak dahil kay Axel.

Andito kami sa bahay niya kasama namin si Dale. Si Dale ang pinagseselosan ni Axel? Di naman ganun si Axel ah. Ngayon lang talaga.

May hinala na ako e. Pero kailangan ko pa din makasigurado, ayokong mag-assume si Leah. Pero malakas ang kutob ko e.

"Bakit bigla na lang siya naging ganon? *sob* Ano, PMS din siya? *sob* Akala ko ba saating mga babae lang nangyayare yun? *sob*" Wala patuloy pa din siya sa pag-iyak. Kasi si Audrey, wala dito e. Edi sana nasupalpalan na tong si Leah ng mga hugot ni Audrey. Edi sana tapos na? Haha

"HAHAHAHAHAHA." Siniko ko si Dale, tatawa pa siya, seryoso nga tong si Leah.

"Tara. Treat kita sa DQ. Yieeee" Nagpunas naman siya ng mga luha.

"Talaga Alaga? Yiee. Nakanang naman."

"Tse! Si Leah lang." Inirapan ko siya.

"Ang damot mo!" Sabay hagis sakin ng unan.

Binato ko uli sakanya yung binato niya sakin. Tapos lumapit siya saakin habang nakatalikod ako, kiniliti niya ako "Ano?! Di ka pa manlilibre huh?!" Sh*t! Alam niya talaga weakness ko. "OO NA! LETSE! TAMA NA DA-DALE! DA-DALE! HUHUHU HAHAHAHA" sigaw ko.

Nagulat na lang kami ng lalong umiyak si Leah.

Tumakbo ako papalapit sakanya. "Bakit? Bakit? Ano?"

"Wala! Namiss ko lang yung moments namin ni Axel! *sob*" napaface-palm na lang ako. This is harder than I thought.

Bumaba na kami para umalis. Pero, may naiwan ko sa kwarto ni Leah yung panyo ko.

"Te-teka. Mauna na kayo. Naiwan ko yung panyo ko."

Nag-*Ok sign naman si Dale. Umakyat ako sa kwarto niya hinanap ko yung panyo ko.

"Saan ba yun? Tsk." Winagwag ko yung sa may kama.

Sa wakas nahanap ko din. Pababa na ako nun ng marinig ko si Leah..

"Ano ba?!" Oh No.

Axel's POV:

"Dre. Sigurado ka ba dito sa gagawin natin?" Pag-aalala ko. Punong-puno ako ng kaba ngayon.

Kakaamin ko palang sa tropa kahapon tapos ngayon aamin na ako mismo sakanya. The fvck, di ko pa kaya. Parang ang bilis kasi e.

" Loko ka ba? Ano patatagalin mo pa? Edi, nawalan ka ng chance. " sagot ni Dylan.

Papunta kasi kami ngayon sa bahay niya. Kaming dalawa lang ni Dylan. Putek, busy kasi yung iba e.

"Hinga malalim, dre. Malapit na tayo." Sabi ni Dylan. Ginawa ko naman yung sinabi niya.

Ilang minuto ang nakalipas. Nakarating din kami. Nakita ko siya, bakit ganun itsura niya? Umiyak ba siya? Sh*t! Dahil ba saakin to? Pero lalo pa akong nagulat ng kasama niya si Dale.

Bumaba na kami. Oo, nagseselos ako ngayon, pero nangingibabaw na yung pagmamahal na dapat aminin ko na ngayon.

Lumapit ako pero di niya ako napapansin.

"Bes?" Nagulat siya kaya hinatak niya si Dale palayo.

"Ano ba?!" Sigaw niya

"Bes. Bes, please talk to me." Di niya ako nililingon bagkus hinawakan pa niya ng mahigpit si Dale.

Yumuko ako. Pero nagulat ako ng si Dale na mismo ang bumitaw. Nilagpasan niya ako pero hinawakan ko siya sa balikat.

"Pre, Sorry. Pero mali ka ng iniisip." Sambit niya.

"Dale?" Interrupt ni Kaira. "Dylan? Axel?" Dagdag pa niya.

"Alam ko yon. Pre, Sorry din kasi pinairal ko tong Selos ko." Nakita kong lumingon si Leah.

"Se-selos?" Tanong ni Leah. "Axel, bakit?" Lumapit siya sakin.

"Le-leah. Ma---"

"Bakit Axel?! Bakit ka magseselos saamin ni Dale?! Wala ka bang tiwala ah?!!" Sigaw ni Leah habang hinahampas-hampas ako. Pinigilan ko siya. "LEAH! PLEASE LISTEN TO ME!" Natigilan siya pero patuloy pa din siyang umiiyak. Nakita ko si Dale yakap yakap si Kaira pero di ko maaninag kung nasaan si Dylan.

"MAHAL KITA. DI BA OBVIOUS?! NAGSESELOS AKO KASI TAKOT AKONG MAKUHA O MAANGKIN KA NG IBA. MAHAL KITA HINDI LANG BILANG KAIBIGAN O BEST FRIEND, MAHAL KITA MORE THAN THAT." Yumuko siya habang umiiyak.

"Ga-ganun din na-naman a-ako e. Akala ko you can't feel the same way." Sambit niya.

Niyakap ko siya, "okay na tayo bes ah. Liligawan na kita." Sambit ko tapos hinalikan ko siya sa noo.

Ang saya ko lang. Ngayon, wala na yung bigat na nararamdaman ko. Dahil nasabi ko na din ang totoo.

3rd Person's POV:

Di niya na kinaya yung eksena lalo pa't nakikita niyang may karamay naman yung taong gusto niyang hawakan, yakapin at alagaan.

"Nakaamin na si Axel. Siguro panahon na para ako naman?" Tapos sinandal niya yung ulo niya sa manibela. Pagangat niya uli nakita niyang nakayakap na si Dale kay Kaira. At tuluyan na siyang umalis. Iniisip niya na kung kailan yung tamang araw na siya naman ang aamin at yayakap sa taong mahal niya.

Pero bago yun dapat makasigurado muna siya. Dahil, this time ayaw na niyang makasakit pa.

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon