Crazy
"Kailangan malinis ang pagkakagawa Ms. Mendez ah! Ayoko ng paulit-ulit, lalong mas papangit yung gawa naten. Make it once and clear. Kaya ikaw ang ina-sign ko dito dahil may tiwala ako sa kakayahan mo. " bago pa kami magsimula ni Dylan, tinawag muna ako ni Mrs. Lee, kinausap niya ako tungkol dito. Akala ko magde-design lang kami, kami rin pala ang bibili ng tools at anything na pang-design.
What a life.
"Be good ah. Ayokong may masabi ang school na to. Gusto ko ma-impress natin si Mr. Miguel." So, darating nga pala si Mr. Dennis Miguel, yung Daddy ni Dylan.
"Okay Ma'am." Lumabas na ako sa office niya. Hinanap ko na si Dylan, kailangan na namin umpisahan to. Mas maaga mas mapapadali.
"Alaga!" Sigaw ni Dale. Nakita ko siya kumakaway-kaway, kumaway na lang din ako. Tapos nag-sign na tatawagan ko na lang siya. Alam naman na siguro niya yun. Busy din siya, kasalukuyan nga niyang kasama din niya si Naomi e. Siguro sisimulan na din nila, busy din talaga section namin ngayon e.
Bumalik ako sa classroom baka sakaling andun si Dylan. Bwisit, pinaghahanap pa ako.
"Dylan?" Walang tao yung classroom namin dahil kanya-kanyang bili ng equipments ang mag-partners.
Where is that boy when you need him?
Naglakad ako sa corridor, baka sakali makasalubong ko siya. Hindi ko siya nakasalubong pero si Matt and Jude nakasalubong ko.
"Hey! Hey! Hey! Nakita niyo si Dylan?" Yung mukha nila parang nakakita ng multo.
"Don't think na parang hindi obvious na magka-partner kami sa Art Project na to." Poker face [√] check hahahaha
"Uh? Nasa Detention Room, Alltime tambayan namin yun e." Sagot ni Jude.
"Thanks" sabay takbo ko, pero tinawag uli ako ni Jude kaya lumingon ako.
"What?"
"I'm sorry." Tinignan ko lang siya, I don't have time for this. Tsaka ko na siya papansinin at yung mga sorry thingy niya kapag hindi na magulo lahat. Sa ngayon kasi magulo pa e.
Tumakbo ako papuntang detention room. Narinig ko may mga nagtatawanan, pagkabukas ko bumungad saakin yung mukha niya na... Naka-ipit yung buhok tapos naka-make up pa ata siya? Whut the?!
"Anong nangyare sa'yo Dylan?!" Nagulat pa nga ata siya e. Maski ako nagulat sa sunod na ginawa ko.
Kumuha ako ng tissue at binasa ko ng tubig tapos pinunas ko sa mukha niya. Tinanggal ko yung ipit tapos sinuklayan ko siya.
"Ehem!" Sabi ni Andrew at Cyril.
Tinigil ko yun. Ano bang ginawa ko. Pambihira naman o.
Wala lang naman yun e. Alangan namang aalis kami na ganyan itsura niya diba? Mabuti ngayon okay okay na itsura niya.
"Tara na" hinila ko siya palabas.
"Where the heck are we going?"
"Anong sinasabi mo? Uumpisahan na natin yung project natin, hindi ba obvious?"
Kumalas siya sa pagkakahawak ko. Damn, papahirapan niya ba talaga ako?
"Ayoko." Sabi niya sabay lakad paalis.
"What? Are you even serious? Kailangan ko to, kailangan natin parehas to. Ayokong mapahiya ako..tayo! Lalo na sa Daddy mo!"
Natigilan siya. Lumapit siya sakin, malapit sa tenga ko.
"Kahit kelan walang sinuman ang makaka-impress sa Dad ko. Maski ako " Natameme ako. May Family Problem ba siya? Pwes! Kung ayaw niya, hindi ko naman siya mapipilit, ako na lang. Kaya ko naman to e. Tiwala lang kaya ko to.
Umalis ako ng Campus, dumiretso ako ng Hardware para sa mga Paints na kailangan ko. Pagkatapos ko sa hardware dumiretso ako ng National Bookstore baka sakaling may mahanap ako dun. Mga balloons, banners, etc. Okay na yun!
Medyo madami-dami din akong bitbit. Akala ko kakayanin ko. Pumara ako ng taxi.
Dumating ako sa school halos ang daming tao, parang akala mo may riot o ewan e.
Di ko alam kung susugod ako o aantayin kong maubos tong mga estudyanteng to. Pero, mauubos kaya yan? Bahala na!
"Excuse me." Sumugod ako, baka kasi abutin ako ng siyam siyam kapag inantay ko pang mawala ang sikip.
"Excuse me" Fhudge. Naapakan ako. "Excuse me" Putek! Napaupo na ako, shocks! May sugat ako sa Paa. Naka sandals kasi yung nakatapak saakin e.
Yung mga dala ko. Nahulog, sana naman hindi natapon yung mga pintura.
Habang kinakapa kapa ko yung sugat ko. Nakita kong may bimitbit ng mga pinamili ko.
"Oyyyy! Saan mo yan dadalhin? Teka!" Hinabol ko yung lalaki kahit na alam kong masakit pa din yung sugat ko dahil hindi ko pa naman ginamot.
"Ako na magdadala neto, hirap ka na e." Yung boses na yun.
Dylan?
Tumigil siya sa paglalakad. Inantay niya ako. Medyo wala na ding masyadong tao kaya nakahinga na ako, yung sugat ko dumudugo pa din.
"Ayan kasi." Inirapan ko siya.
"Arayy. Fhudge" sabi ko.
"Pumunta ka na sa clinic. Sabihin mo saan mo gustong mag-umpisa?"
"Doon na lang sa may bandang likuran. Walang masyadong tao don."
Aktong aalis na siya. "Teka? Di mo man lang ba ako ihahatid? Tignan mo kalagayan ko o. Hirap na hirap na ako maglakad. May paltos pa ata ako."
Nag-smirk siya at umiling iling.
"Fine." Tinawagan ko si Dale. Si Dale lang naman maasahan ko e
"Dale! Punta ka dito please? I nee you." Binaba ko na yung phone kasi biglang nag-'okay' naman yung reply niya. Nakita ko din na huminto si Dylan sa paglalakad nung kausap ko si Dale sa Phone. Anong problema nun? Such a crazy guy. Kanina lang ayaw niyang gawin yung project namin tapos ngayon tinutulungan niya ako? May saltik ba siya? Hmmm. Bahala siya, basta ang poproblemahin ko muna is yung sugat ko. Dapat gumaling agad to para masigla ako habang ginagawa yung project namin. Para wala akong isipin na masakit.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...