The Day (Part 1)
Kaira's POV:
Di ako makapaniwalang ngayon na pala yung play. Ngayon na yung competition.
"Kaya ko to." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Oo, mukha na akong tanga dito kakausap ko sa sarili ko para lang kumalma ako.
Nakabihis naman na ako. Para siyang sinaunang damit pero maganda, simple fit just for me.
Wala pa akong make up. Nakabuhaghag pa lang ang buhok ko. Wala akong stylist, sariling sikap to. Wala naman si Mama e, yung iba kong mga kasama nasa labas na. Excited sila masyado -_- Mamaya pa naman magsa-start yung palabas.
*knock* *knock*
Nagulat ako at nandito si Ate Hazel. "Ate!" Tumakbo ako palapit sakanya at niyakap ko siya.
"Hii, Saeng. Miss na Miss na kita." Sambit niya.
"Ate Hazel? Diba may pasok ka? Bakit ka nandito? Tsaka paano mo nalaman na may play ako?" Tanong ko. Sana naman nung nalaman niya, sana hindi niya sinabi kay Papa. Hahaha, di to alam ni Papa, baka uuwe na lang ako mamaya may dala na akong trophy or medal. Charr hahaha
"Ahh, sinabi kasi ni Andrew e. Tsaka, night shift na ang pasok ko baby, malapit na kasi yung graduation. Hihi" sabay kurot sa pisnge ko.
Nginitian ko na lang siya, at least meron ng susuporta saakin.
"Salamat, Ate. May susuporta na din saakin kahit papaano, mawawala yung kaba ko." Sabi ko sakanya.
Pagkasabi ko nun, biglang pumasok si Audrey, Chloe at Leah.
"Sinong may sabi sa'yo na si Ate Hazel lang ang supporter mo? Andito kaya kami!" Sambit ni Audrey, sabay akbay saakin.
"Wag kang mag-alala, Kai. Kukuhanan kita ng maraming pictures mamaya. Haha" singit ni Chloe.
"Tsaka, pangako ko sa'yo. Pangalan mo mangingibabaw mamayang play niyo haha" dagdag pa ni Leah. Oo, si Leah ata bokalista namin pagdating sa ganyan haha, lakas ng boses e. Akala mo nakalunok ng microphone.
"Tama na yan. Ayusan na naten si Cecille na pinakamamahal ni Franco." Interrupt ni Ate Hazel.
Nagtawanan na lang sila, ako nakapoker face lang. Kasi, pagkatapos nun inaasar nanaman nila ako kay Dylan. Lalo na si Audrey at Leah. Ang lakas mang-asar. Buti na lang, shy type but terrible si Chloe haha parehas kami ng category.
Ilang minuto din natapos na yung pag-aayos nila saakin. Nagulat ako kasi.. Ang.. Ang.. Ang.. Ganda ng pagkaka-ayos nila. Simple pero shocks, ang nakaka-attract. Then, kinulot lang nila yung buhok ko at *tada* tapos na.
"Ang ganda ganda mo bebs." Pagpupuri ni Audrey saakin.Nginitian ko lang sila. Then, nagpasalamat na din. Di ko na lang alam kung ano ang magiging itsura ko kapag wala sila.
"Ahh, Ms. Kaira Misha Mendez? Ready na po ba kayo? Kayo na po ang susunod." Whooo, kami na pala? Hays. Ang sosyal talaga dito sa DMU, may pag ganyan-ganyan pa, akala mo artistahin ang dating.
Nag-bow na lang ako. "Oh, ayan na. Kayo na! Gooo, Baby!" Sigaw ni Ate Hazel, natawa na lang ako at niyakap siya.
Bago pa ako makalabas, hinila ako ni Audrey, "bebs? May banner pala kami kaya madali mo kaming maia-Identify" seryoso ba siya? Grabihan na to ah? Hahaha Natawa na lang ako at tuluyan ng lumabas.
"And our next performers are from 4- Determination! Give them a round of applause!" Sambit nung Emcee.
Lumabas na kami. Si Dylan.. Ang.. Ang.. Ang.. Gwapo niya tignan. Ngayon ko lang uli siya nakita pagkatapos ng Practice last week.
Pati yung anim, bihira ng maghasik ng lagim. Hays, anong plano nila? Ano pinaghandaan din nila tong play na to? Sila din ang nag-make up at nag-ayos kay Dylan? Wow ah! Haha, Well, nevermind. I don't care tss.
Inabot din kami ng ilang minuto. Ngayon nasa parte na kami ng ikakasal na.
"Mahal na Mahal kita, Cecille. Mahal na mahal" bago pa man niya gawin yung gagawin niya. Itinaas ko yung kamay ko sa harap ng mukha niya causing him to stop.
"Mahal na Mahal din kita." Sambit ko at niyakap ko siya. Wala yun aa eksena pero parang may tumutulak saakin na gawin at sabihin ko yun. Maski ako nagulat ako sa sinabi ko. Di ko alam kung bakit ginawa ko yun.
Di pa din kami bumibitaw sa pagkakayakap. Masyadong mabilis ang mga pangyayare, kasabay ng sigawan at palakpakan ng tao, kasama na dun sila Leah, Audrey at Chloe. Pati yung tropa niya.
Naririnig ko yung mga sinasabi ng mga Fangirls niya.
"Dylan, bagay kayo!"
"Emeged! Team DyRa na talaga ako!"
"I'll ship this two lovebirds"
At marami pang iba. Shocks, kinilig talaga sila dun? Acting lang to.
Bumitaw na kami sa pagkakayakap. At humarap kami sa isa't isa. Nakangiti siya, kaya nginitian ko na lang din siya. Ang gwapo niya talaga ngayon. Hays,
Ginawa na namin yung last part ang halikan niya ako sa cheeks. Pagkatapos nung halik na yon. Napansin ko na nawala si Dale sa crowd.
"Nasaan siya?" Bulong ko.
"Sino?" Bulong niya pabalik.
Tinignan ko siya. At umiling-iling ako.
Masaya ako at natapos na ang kahibangan na to. Pero, nalulungkot ako, ng di ko alam? Tss. Dahil kasi to kay Dale malamang, bakit bigla siya nawala.
Nag-bow na kaming mga cast. Nakita kong tumayo yung Anim. Nakita ko pare-parehas sila ng suot. Bumitaw si Dylan sa pagkakahawak sa kamay ko. Naghubad siya at nagpalit ng outfit. Outfit na ka-terno nung suot nung anim.
"Okay. That was so Romantic. Marami ang tila kinilig sa performance ng 4- Determination. Pero, I think may mas nakakakilig pa diyan? Meron pa ba?" Tanong nung Emcee sa crowd.
Yung mga tao naman nagbubulungan at nagtataka kung ano ang ibig sabihin nung Emcee. Maski ako nagtataka.
Pero sumagot yung anim na di pa din umaalis sa pagkakatayo sa mga upuan nila.
"NAE!" Sabay sabay nilang sagot.
Natauhan na lang ako ng biglang lumapit uli si Dylan saakin at hinawakan yung kamay ko. Inilalayan niya ako pababa ng stage. Nakapagtataka na talaga, ano nanamang pakulo to? Hays.
Pati yung anim may kanya kanyang inaalalayan.
Si Andrew si Ate Hazel ang inaalalayan. Si Ethan tsaka si Naomi naman, si Matt at si Audrey, Wow ah! Haha, buti di nagpakipot si Audrey Jayne Dela Peña. Hahaha, tapos si Cyril at Samantha, So? Pssh. Kasama pa pala siya sa eksena. -_- , si Jude naman inalalayan si Chloe. Yung ekspresyon ni Chloe makikita mong nagulat talaga siya, kinikilig yan deep inside. Ultimate crush ata niya si Jude, and the last si Axel at Leah, alam kong galit pa din si Leah kay Axel, pero sumunod pa din siya. Ayaw ata nuya mahuli sa kaganapan.
Nasa harap na kaming pito. Nagulat kami ng pumatay yung ilaw sa stage at bumukas naman ang ilaw sa harapan na may pitong upuan. Aa upuan na yun may mga pangalan at mga mga rosas. Pero yung sa upuan ni Leah, anim hanggang sampu ang rosas na meron siya.
Sa puntong yun parang alam ko na kung bakit. Ito na ata ang araw...
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...