New Person
Cyril's POV:
Kaya ako pumwesto ngayon sa table nila Sam dahil nagbabakasakaling sagutin na niya ako ngayon.
Oo, matagal na akong nanliligaw sakanya, siya yung tinutukoy kong babaeng sinisigurado ko muna ang feelings ko.
Mahirap man isipin pero, malakas ang tama ko sakanya. I know her as a Angel not a btch. Kahit na ganyan ang sinasabi ng iba.
"Himala, andito si 'Bee'." Sambit ni Jina.
"Hey! He's MY Bee. You moron!" Depensa ni Sam.
Napa-roll eyes na lang si Jina.
"So, What brings you to stay here Cy?" Tanong ni Merry.
"Bakit ba? Ayaw niyo bang may Hottie dito sa table natin?" Sarkastikong tanong ni Sam habang nakayakap sa braso ko.
"Wala naman akong sinasabi Sammy, tsaka ano ka ba, sanay akong may hottie na tayong katabi. Ano naman si Jericho diba?"
Nagpanting yung tenga ko. "Who's Jericho?"
Natawa naman sila Merry at Jina. Tinignan ko si Samantha at halatang kinakabahan siya at the same time naiinis.
"Di mo kilala?" Patuloy pa din sa pagtawa sila Merry at Jina.
Naramdaman kong sinipa ni Sam si Merry at Jina.
"Siya yung manliligaw ni Sam."
Nag-init ang dugo ko. So, all this time, may kalaban pala ako, Anong purpose nung sinabi niya? The fvck! Don't tell me naloko ako?
|FLASHBACK|
"Sam. I know this is weird, pero I think I love you."
Naiyak siya sa harap ko.
"What?! I feel the same way too. Bee!" Niyakap niya ako.
"Ikaw at Ikaw lang, Cyril. Wala ng iba. Kahit na may manligaw saaking iba. Di ko sila paliligawin kasi, I already have my Cyril e. " then she pecked my cheeks.
At this point, chinerish ko yung moment na yakap yakap ko siya. Ibang-iba siya kapag kaming dalawa lang. Naappreciate ko siya lalo.
"Saranghaeyo~ My Bee."
"Nado, Saranghae." And i kissed her forehead.
|END OF FLASHBACK|
"Don't mind them, Bee." Wala pa akong ginagawa pero ramdam ko na yung pagkatakot sa mukha ni Sam.
Babalewalain ko na sana dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko kaso yung porsyentong meron ako nun bigla na lang nawala nung..
"Sa-sam? Si Je-jericho?" Nag pop up yung picture nung Jericho sa phone niya. Meaning tumatawag.
Hahablutin pa sana niya kaso nakuha ko na.
Calling: My baby
Kumorteng kamao yung kaliwang kamay ko, at di na ako nakapigil, tumayo na ako at nasipa ko yung bakanteng upuan na nasa tabi ko.
Alam kong nakaagaw na ako ng atensyon sa iba. Lalo na sa tropa na parang ilang lamesa lang ang pagitan namin.
"Bee! Wait! You don't understand!"
"Just shut up! Not now, Sam." Sambit ko at tuluyan na akong umalis. Sinara ko ng malakas yung pinto.
Ayoko na, Una pa lang to pero grabe na yung sakit.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...