Back on Track
"Dale!!!" Nasa linya si Dale ngayon, gusto ko ng maglakwatsya.
[Bakit ka ba sumisigaw, Alaga?]
Buti na lang hindi niya ako nakikita ngayon, nakasimangot kasi ako e. Nagtatanong nanaman siya kahit alam niya yung kung anong gusto kong gawin.
"Tse."
[Nakasimangot ka nanaman. Itigil mo nga yan. Hahahaha]
What?! Is he even serious? Hindi nga niya ako nakikita ngayon e. Tapos alam niyang nakasimangot ako?
Yeah, maybe. Best friend ko siya e.
"Alis tayo maya. Punta ka dito mga 3pm ah. Bye mwa" tapos i-end call ko na. Ayokong umangal si Dale.
Maya-maya may nag-doorbell.
"Saglit langg!!"
Pagkabukas ko nagulat ako, "sabi ko 3pm hindi 10am." Naka-poker face ako. Minsan talaga may pagka-monggi 'tong si Dale e.
"Hahaha. 3pm ba? Hahahaha" binatukan ko siya. "Aray."
"Pumasok ka na nga."
Wala naman si Papa e. Nasa Trabaho, Sunday lang kasi siya walang pasok, tapos si Ellie naman sinundo ng kaibigan niya. Maglalaro daw, malamang mamaya pang 6pm yun uuwe dito. Susunduin na lang din siguro ni Papa yun dun.
"Wala kasi sila Mom at Dad e. Si Kuya Ricky naman nasa Gf niya. Kaya dumiretso na ako dito. Wala naman akong gagawin sa bahay e. Boring dun"
"So, dito mo talaga naisipang kumain noh?" Natawa na lang siya. Ano namang ipapakain ko sa Alaga ko? Kung ako lang naman nandito, kahit anong tira tira jn sa Ref kakainin ko e. Kaso, si Dale? Nakakahiya naman kung same lang din ipapakain ko.
"Don't worry. May money akong dala, Tara! Mag-grocery tayo." Seryoso ba siya?
"C'mon! Let's go." Hinila niya ako palabas. Ni-lock ko yung gate, habang siya nag-para ng tricycle.
Mayaman sila Dale, kaya alam ko na hindi siya sanay sa mga ganitong gawain. Why is he doing this? Alam ko din na never pa siyang namalengke pero bakit kami mamalengke ngayon?
Habang nasa tricycle kami, walang imikan. As if naman magkakarinigan kami hahahaha, sa ingay ba naman ng tricycle.
"Bayad po." Nakarating na kami sa Public Market.
"Anong lulutuin mo Ms. Alaga?" Oo nga pala, ano nga ba?
"Hmmm? Nilagang baka na lang para may sabaw." Napangiti na lang siya.
Nag-start na kami mamili. It's been a week nung simula akong matanggal sa Team. Hindi ko na din inisip yun simula nung medyo okay-okay na ako, matagal din akong naging mapag-isa. Babawi ako sa mga kaibigan ko ngayon, kasi pati sila nadadamay.
"All, set na ba? Nabili mo na lahat?" Tagaktak na ang pawis ni Dale. "Wait," hinalungkat ko sa bag ko yung panyo ko. Alam kong may dala dala ako e.
Pinunasan ko yung pawis niya sa mukha. Nakangiti lang siya, same as me.
"Tara na!" Bitbit kasi ni Dale lahat ng pinamili namin e. Ang swerte naman ng magiging giirlfriend neto.
Pumara siya ng Tricycle pabalik saamin. "May dala kang extra t-shirt?" Umiling siya. "Sige papahiramin na lang kita." Nagulat siya sa sinabi ko.
"Alaga, lalaki ako ah." Nung una di ko na-gets yun, pero onti onti din nag-sink in saakin hahahaha akala niya siguro damit ko yung ipapahiram ko sakanya. "Adik! Damit ni Papa yung ipapahiram ko sayo." Sabay kurot sa pisnge.
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fanfiction❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...