Friends (Part 2)
"Noona, Are you sure you're okay?" Papasok na kasi ako sa School, kailangan ko humabol sa mga gawain, bukas na yung Tournament. Nag-1 week leave ako dahil sa nangyare saakin, tsaka di ko din kayang harapin si Sam na wala pa akong lakas. "Yes, Ellie. Okay na si Ate." Yung Ngiti na binigay saakin ni Ellie, Nakaka-lakas lalo ng loob...Sabi ni
"Sige na, bumaba ka na dun, kumain ka na dahil may pasok ka din." sabi ko, sabay yakap sakanya. Bumaba din agad si Ellie kay Papa. Di din nagtagal bumaba na ako, gusto kong makahabol diba? Dapat hindi ako late. Tinext ko na sila Dale about dito, sasabayan na lang daw ako ni Dale pumasok, baka daw kasi kung anong mangyare saakin. Kahit kailan talaga, ang sweet ni Alaga saakin. Maswerte ako kasi siya ang Boy Best Friend ko.
"Are you sure na kaya mo na, Anak?" tanong ni Papa habang nililigpit ko yung pinagkainan ko. Nagpunas ako ng kamay tsaka ako lumapit kay Papa, niyakap ko siya. "Oo naman, Papa. Ako pa ba?" Napangiti naman si Papa at ginulo niya ang buhok ko. Natigil yun ng may nag-doorbell. Malamang si Dale na yun. Nagpaalam na ako kay Papa at agad akong lumabas ng pinto. Pagbukas ko, taga-dala lang pala ng sulat. Sa puntong yun, nakatanggap din ako ng text mula kay Dale.
From: Alagang'Dale
Alaga I'm sorry, I can't pick you up. Dumiretso na ako ng school kasi pinapatawag kami ni Naomi sa Art Center. I'm really sorry. Take care, Okay? Text me if you arrived. Iloveyou
Ayos lang naman kung di niya ako masusundo, kaya ko naman sarili ko. Ayoko maging spoiled brat kay Dale. Umalis na din ako kasi ayokong ma late, nagdala na lang ako ng Cap, baka sakali.
baka sakali lang naman eh?
Habang naglalakad ako, tinitignan ko yung ankle ko, yung sugat humihilom na, Pero bakit parang kinakabahan ako? hindi ko na lang pinansin, dahil kapag lalo kong pinapansin na baka di pa ako ganun ka-galing. Baka manghina lang ako, kailangan ko maging malakas. Kahit ngayon lang.
Di din nagtagal, nakarating ako sa Campus. Ewan ko ba? Sinuot ko yung Cap na dinala ko. Hindi sa nahihiya ako, siguro kailangan ko na din gawin to para sa proteksyon ko.
Naglakad ako papunta dun sa building kung saan naka-assign kami ni Dylan, habang naglalakad ako papunta dun inisip ko na lang kung paano ko gagawin to ng mag-isa. War kami ni Dylan, alam ko yun.
Hindi lang siguro si Dylan, Siguro lahat ng tao dito, War kami kasi inaway ko ang hari nila. Tss
Habang naglalakad ako, nakabangga ako dahilan ng pagbagsak ko, ngayon alam ko na, hindi pa ako ganun ka-Okay.
"Pasensya na?" Yung boses na yun? "Jude?" bulong ko. Sigurado naman ako na hindi niya ako maririnig e. "Kaira?" Inabot niya yung kamay niya saakin para tulungan ako pero di ako nagpatulong, nagkusa ako kaya sumakit lalo yung paa ko. " Aray." Bulong ko. Agad naman siyang bumaba para magpantay kami at hinawakan yung paa ko. "Sorry about what happened last week." Tinignan ko siya, mukhang iba ata ihip ng hangin ngayon. "Wag kang mag-sorry. Hindi ikaw si Sam" Sinubukan ko ulit tumayo, pero wala ang sakit pa din ng paa ko, kaya inalalayan niya akong umupo sa may gilid. " Except sa nangyare between you and Sam, yung dahil kay Ethan".
"Diba dapat kay Ethan kayo nagso-sorry? bakit saakin? Ako ba si David?" pagtataray ko. Hmp, sira pala mga ulo nila e. Makaalis na nga.
"Kasi you don't even know the rules." sagot ni Jude, Rules? Anong Pinagsasabi niya? "Kaya namin ginawa yun kasi lumabag si Ethan sa batas ng barkada. Naomi and Him are dating without even telling us." Lumingon ako sakanya. Yun lang? Dahil lang dun? The fvck! Ang kikitid ng utak nila para gumawa ng batas laban sa karapatan ng kaibigan nila. "alam mo namang hindi namin kayang hindi sundin si Dylan diba? Malaki ang utang na loob namin diyan. Lalo na kay Tita Kath." Tita Kath? Yung Mama ni Dylan? "Anong sabi ni Ethan?" tanong ko. "Alam naman na ni Ethan na gagawin namin yun sakanya kaya hindi siya natakot. Dahil, kahit magtago siya, hahanapin pa din namin siya." Ang brutal talaga nila, di ko alam kung bakit nakikipag-usap pa ako sa isa sakanila. "I've better leave." sambit ko, at tuluyan ng umalis palayo. Wala na akong gustong marinig pa mula sakanya.
Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa pwesto namin. Tama nga ako, ni isang katiting walang ginalaw si Dylan dito, hindi man lang niya inayos. Ano pa nga ba? Aasahan ko pa ba siya, ngayong alam ko naman na hindi na niya talaga ako tutulungan? Nagpunas ako ng kamay at kinuha ang mga pintura. Maghahagod na sana ako ng pintura sa pader ng biglang may humawak sa braso ko kaya natigilan ako. "Don't you dare leave me like that" Sambit niya. Ano nanaman bang gusto niyang mangyare? "Well, Sorry. I just did." Sagot ko at bigla niyang kinuha yung paint brush saakin at dumiretso sa kalahating bahagi ng pader. "Jude? Ano bang ginagawa mo?"
"I'm helping you can't you see?" Pilit kong inaagaw sakanya yung paint brush. "Stop it, Kaira. Alam ko naman na hindi mo na maasahan si Dylan dito. He is busy, Okay?" Tama siya, wala na akong maasahan kay Dylan. Pero, kaya ko naman to mag-isa e. "Tsaka kakagaling mo lang sa injury. Di ka dapat nagpapagod agad." Dagdag pa niya. Napabuntong hininga na lang ako. Napaupo na lang ako sa gilid ng pader na hindi pa napipinturahan. Bakit ba kailang ako ang naghihirap ng ganito, lagi na lang ako ang napapahamak. "Hey cheer up. I'll treat you lunch later, para di ka na sad." Sambit ni Jude habang papalapit saakin at umupo sa tabi ko. Nginitian ko na lang siya. Minsan I find him Cute and Funny. Mapang-asar nga lang. Magaan ang pakiramdam ko sakanya, siya lang at si Axel ang ganito para saakin. Minsan naisip ko sana magkaibigan na lang kami. Kahit ito yung unang masinsinang usapan namin ni Jude. Imposibleng hindi kami maging magkaibigan. "Hey, by the way, Pwedeng humingi ng favor?" Tanong niya habang nakalagay sa batok niya yung kaliwang kamay niya. "Ano yun?" Sagot ko. "Can we be friends?" Nanlaki yung mata ko. Kanina lang iniisip ko to? Bakiy ngayon nangyayare na?
Pwede nga ba tayo maging magkaibigan, Jude?
BINABASA MO ANG
Almost...Perfect [Revisions]
Fiksi Penggemar❝ too much happiness 'causes too much pain ❞ ㅡ a cliché love story wherein two person met unexpectedly, and eventually fell in love Kaira Mendez, the cheerleader and Dylan Miguel, the basketball captain never thought that they would actually fit ea...