Chapter 21

95 1 2
                                    

Worried

Kaira's POV:

It's been a week simula nung nangyare saakin. Pagkamulat ng mata ko sila Dale pa din ang nakita ko. Di pa naman ako ganun ka-Okay pero papasok na ako. Kasali kasi ako sa Math Quiz, kapag nakapasa ako sa Test pasok na ako sa Division.

Kaya kahit sumasakit minsan yung ulo ko, di pa din yun hadlang sa pagre-review ko. Madalas akong bisitahin nila Dale, Leah, Audrey at Chloe. Kaso, busy na din sila Leah, Audrey at Chloe. Si Leah kasi kasali sa Arts & Design Contest, si Audrey naman sa Martial Arts, palaban kasi yun e. Babagay talaga sakanya hahahaha si Chloe naman as usual hasa na siya bilang isang Journalist. Kaya lahat kami busy maliban kay Dale, mas piniling bantayan ako. Ang O.A nanaman ng best friend ko.

"Mama, okay na po ako."

[May masakit pa ba? Tsk. Misha, di ka pa naman napahamak dati kapag nagche-cheerleader ka ah? Bakit ngayon pa na wala ako diyan para bantayan ka]

Kausap ko si Mama ngayon sa telepono. Sabi ko kasi kay Papa na wag na niyang sabihin kay Mama yung nangyare saakin para naman di mag-alala ng sobra. Mild lang naman ang nangyare saakin e.

Pero wala, pasaway talaga tong si Papa. Hays.

"Ma, Ilang beses mo ng tinanong saakin kung may masakit pa ba. Hahahaha I'm fine Eomma"

Pero, 'Oo' Di pa alam ni Mama yung nangyare saakin talaga. Yung simula ng matanggal ako hanggang sa pakiusapan ako. Ayoko pa, di pa ako handa.

Siguro hindi muna ngayon.

[Mag-iingat ka na Misha ah. Antayin mo na lang ako, malapit na Graduation niyo, o baka nga mapaaga pa, baka sa Prom mo.]

Natawa na lang ako at sinabihan din si Mama na mag-iingat din siya lagi dun sa Paris.

Pinatay ko na yung telepono.

Bumaba na ako dahil kakain na ako ng breakfast.

"Ano, nag-usap na kayo ng Mama mo?" Bungad na tanong saakin ni Papa.

Binigyan ko siya ng nakakalungkot na mukha.

"Kyaaaaah, Papa naman kasi, dapat di mo na sinabi kay Mama. Nag-alala tuloy siya." Lumapit siya saakin tapos ginulo ang buhok ko sabay yakap saakin.

"Dapat lang na sabihin ko yun sakanya. Karapatan niyang malaman dahil Mama mo siya." Hindi pa rin kumakawala sa pagkakayakap si Papa.

"Sge na kumain ka na Misha." Utos saakin ni Papa. Agad naman siyang umakyat sa kwarto ni Ellie.

Tulog pa kasi siya dahil naglaro pa sila ni Dale kagabi ng video games.

*toot* *toot*

From: Alagang'Dale

Already outside, Alaga.

Sumilip naman ako sa bintana. Andun na nga siya. Nasa loob nga lang siya ng kotse niya. Hays, sabi ko sakanya Okay na ako e

To: Alagang'Dale

Hayyyy nako! -_- Pasaway ka talaga, diba sabi ko sa'yo okay na ako?

*toot* *toot*

Ang bilis naman mag-reply neto.

From: Alagang'Dale

Tsss. I told you, Ayoko.

Di ko kaya to replyan. Pero, syempre alam ko naman na nandiyan sa tabi ko all the time dahil ayaw na niya akong mapahamak. I understand that thing, pero di naman lahat ng oras andiyan siya para saakin, baka sa huli di ko na alam kung ano ang gagawin kapag walang katuwang.

"Oh, tapos ka na ba?" Pangugulat saakin ni Papa.

"A e-ehh. Pa-pa-patapos na po." Napa-smirk naman si Papa.

"Bilisan mo maiinip na yung alaga mo kaka-antay sa labas."

"Paano mo nalaman, Pa?" Tinaas niya yung cellphone niya. Binasa ko yun, -_- ang galing, pati pala kay Papa may permission siya.

Sumubo na lang ako ng isang tinapay at uminom ng isang baso gatas sabay kiss kay Papa.

"Misha! Mag-iingat ka ah!" Sigaw ni Papa mula sa loob.

Patakbo ako papunta sa kotse kaso, bigla na lang akong ginulat ni Dale, nagtatago pala siya sa may puno malapit sa pintuan namin.

"Wahahahahahahahahaha >_< " todo tawa siya. Nakapoker-face lang ako. Nagulat ako kasi biglang umandar yung kotse niya.

"Alah, Dale! Yung kotse mo umaandar mag-isa! Dale, habulin mo dali! Dale, Ano ba?!" Taranta na ako dito siya nakatunganga lang.

"Ano bang pinagsasabi mo, eh maglalakad tayo ngayon. Akala mo saakin yung kotse na yun noh?"

TT-TT nakakahiya! Nagwawala na ako lahat-lahat hindi pala sakanya yun.

"Nakapagtataka lang kasi, wala namang ganyan ang kahit sino sa kapitbahay namin." Inakbayan niya ako, "alam mo, wag mo ng isipin. Tara na baka ma-late pa tayo"

Naglakad na kami papuntang school.

---x---

"Aray!" Maaga kaming nakarating ni Dale sa school dahil walang traffic.

Iniwan muna ako ni Dale dito sa Classroom, kasi may kukunin daw siya sa Gym, nakalimutan niyang kunin nung Friday.

Ngayon, nakaupo lang ako sa upuan ko, pangatlong beses ng may nangbabato saakin ng papel. Isa na lang, nanggigigil na ako.

*poook*

"ANO BANG KA-TRIPAN TO?!" napatayo ako sa inuupuan ko. Nakakainis kasi e.

Nagulat ako ng makita ko sila Sam, Merry, at Jina.

Naka-smirk lang sila. Tumayo si Sam sa upuan niya at lumapit sakin, lumapit siya, malapit na malapit, kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya "Oh, Were sorry. Are we disturbing the little bandage queen?" Bandage? As in itong nasa noo ko? Aba! Abnormal to ah!

Aktong gaganti pa sana ako ng biglang may humawak ng kamay ko. Pagtingin ko si Jude. Hawak-hawak niya ng mahigpit yung kamay ko at itinago ako sa likuran niya. Nagulat ako sa susunod na nangyare hinawakan niya si Sam sa braso neto at sinabing "DON'T YOU DARE TO INSULT HER AGAIN. YOU B*TCH."

Napanganga lang sila Sam. Di din siguro nila akalain na ganun ang inasta ni Jude sa harap nila. Maski ako nagulat doon, Noon kasi minsan nakikita kong magkasama yung Pito atska tong sila Sam.

Di binitawan ni Jude yung kamay ko, lumabas kami ng classroom at nabangga si Chloe. Di ko siya napansin dahil sa tinginan ng mga estudyante doon. Nakayuko lang ako, hanggang sa huminto kami sa gitna ng corridor. Marami pa ding estudyante doon dahil hindi pa naman time.

Iniangat ko ang ulo ko nakita ko si Dylan kasama sila Axel, Cyril, Andrew, Matt at Ethan. Sa likod nila andun si Dale bitbit ang Gym Bag niya. Lalong hinigpitan ni Jude ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Leave us alone" mahinahong pabor ni Jude.

"Saan mo nanaman siya dadalhin?" Sagot ni Dylan.

"Dre, Tama na yan hayaan na nat---"
Pinutol ni Dylan ang sasabihin ni Axel.

"SAAN MO NANAMAN SIYA DADALHIN?!" Pasigaw na tanong ni Dylan. Kaya lahat ng tao sa paligid namin nanahimik. Lahat ng bulungan nahinto. Pati ako nahinto sa kinatatayuan ko, napakapit na lang din ako sa kamay ni Jude dahil sa nerbyos. Ayoko na ng gulo.
"Nanaman? Diba gawain mo to? Kaya siya napapahamak?" Sarcastic na sagot ni Jude. Aktong susugod na sana si Dylan kaso pinigilan siya sa braso ni Andrew.

Dumaan na kami sa pagitan nila. Hinawakan ni Dale yung elbow ko dahilan ng paghinto uli namin.

"Jude, Not now, Jebal?" Pagmamakaawa ni Dale.

"Let me." Sagot ni Jude. Tuluyan na kaming nakaalis. Di ko alam kung saan ako dadalhin ni Jude ngayon.

Ang di lang maalis saakin yung mga mata ni Dylan na punong-puno ng pag-aalala.

Si Dylan? Nag-aalala saakin? Pero bakit? Anong dahilan?

Almost...Perfect [Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon